"Oh crappy craaap!! Noooooo!!~" kaasar! -____-"Elise! ano ba bakit ka sumisigaw?" si mama kumakatok na sa banyo, ang ingay ko kasi.
"Ah. Wala lang po ma. nag lalabas lang ng sama ng loob sa inidoro." pero ang totoo nilulunod ko na ang sarili ko sa timba.
"Bilisan mo na diyan at malelate ka na. Pagtapos mo diyan mag-bihis at bumaba ka na para kumain." sabi ni mama at umalis na.
Alam niyo ba kung bakit ako naiinis? Dahil sa dami daming magandang name na ibibigay sakanya bakit Jack pa. BAKIT! BAKIIIT!! TT____TT
Binilisan ko na maligo kasi ayoko naman malate kahit paano. Alisin ang Bad Vibes. kumagat lang ako sa pandesal at mag papaalam na umalis.
"Ma, alis na po ako." sabay kiss ko kay mama.
"Sige. Ingat ka."
"Opo." sabi ko at lumakad na ng mabilis.
Dadaan pa ako kay Bespal kate, kasi madadaanan ko din naman ang bahay nila bago school. Anim na bahay lang naman ang layo namin sa isa't isa, Pati bahay namin ayaw magkahiwalay.
"Haay! sa wakas at dumating ka na din. Ang tagal mo bespal, gusto ko na makita si labidabs ko e." hinatak niya na ako agad para mag lakad.
"Yuck! maka labidabs ka diyan, feeling magiging kayo. Paano magiging kayo, e si Tuko di mabitawan ang Crush mo." sabay tawa naming dalawa.
"Sssh! Haha. Kaya nga bespal, kainis. Laging nakakapit kay Rain ko, akala mo mawawala siya. Iligaw ko kaya siya."