Sayang by: Parokya ni Edgar
Hi, Hello! Ako nga pala si Amiel ang gwapong pilyo sa grupo namin. Mag fi-first year college na ako at plano kong kumuha ng engineering course. Siguro civil engineering ang kukunin ko.
Tatlo kaming mag babarkada at pariho kami ng kukuning course. Si Jayward Reyes, ang rugby boy sa grupo. HAHAHA =D joke lang, mukang adik kasi, pero napakabait at napaka masunorin sa mga magulang nya. Si Christian Iscabal, adik din yan, adik sa paglalaro ng Cabal, yung online game. Alam nyo yun?!
“Sa wakas college na din tayo”. Sabi ni Jayward. Syempre napaka saya nya, mahigpit kasi sa school namin noong highschool pa kami, kaya ito sobrang saya nya parang asong nakawala sa halwa.
“Ang daming magagandang chicks dito, wooohh! Busog agad yung mata ko, first day of school pa lang”. Sabi naman ni Christian. Walangya talaga napaka chickboy.
Ako naman ay nagmumumi-muni lang, patingin-tingin sa paligid at nakikinig sa walang kwentang pinag-uusapan nila Christian at Jayward.
Time na para sa first subject namin, Math. Syempre first year, kaya napaka sipag pumasok takot ma late eeh. =D
Naka upo na kaming tatlo at syempre gaya noong higschool magkatabi na naman kami.
“Excuse me, may naka upo ba dito”? Biglang may nagtanong sa akin. Pag lingon ko O__o isang napaka gandang binibini lang naman ang bumulagta sa akin.
“Ahh—ahh—wala, walang naka upo dyan”. Sabi ko, pero pa utal-utal.
“Pwede’ng tumabi”? Tanong nya.
“Oo”. Sabi ko.
Syempre oo talaga, alangan naman mag inarte ako. Ikaw kaya tabihan ng isang anghel, syempre papaya ka di ba.
“Amiel, palit tayo nga upo-an”. Pabulong na sabi ni Christian. Umandar na naman ang pagiging chickboy nang mokong na ito.
Pero syempre hindi ako pumayag.
“Wag na, dyan ka nalang, gwapo din naman yang katabi mo”. Sabi ko.
“Sino? Itong Jayward na ito na mukang adik”. Sabi ni Christian.
“Sinong adik”? Sabi ni Jayward.
“Ikaw! Sino pa ba”. Sabi ulit ni Christian.
Pumasok na yung prof namin. Babe mukang 40 plus na ata ang age nito.
“Okay class, you students inside this classroom, will be the future engineers in our country. So I guess you are all prepared. I want you to get a one whole yellow paper, because we are going to have an exam. This exam is going to test you if you are suited to be an engineer”. Sabi ng prof.
Wow lang haah! First day sa klase exam agad.
“Amiel, may papel ka ba”? tanong ni Jayward.
“Wala, ikaw Christian may papel ka”? tanong ko kay Christian.
“Wala din eeh”. Sagot naman nito.
Anak ng kabuti, pano to. First day na first day sa school, walang papel. Lecheng prof din ‘to noh!
Naglakas luob nalang ako’ng ka usapin yung babaeng tumabi sa akin, para manghingi ng papel.
Nakakahiya naman to, minus points agad. Bahala na!
“Ahhm, Miss excuse me”. Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Tuned Up (Music Inspired Stories)
Ficțiune adolescențiMusic inspired stories. You can also send your request by sending me a message.