Mata ng Patay

122 1 0
                                    

"MATA NG PATAY"
Based on a true story of admin Neptune last 2003...

Noong bata pa ako nakatira kami ng
mga magulang ko sa Tayuman, Maynila.
Tapos yung tatlong lola ko nakatira sila
sa Masantol, Pampanga. Noon pa yatang
2003 iyon nung nabalitaan namin na
namatay nadaw yung lola ko si Lola Karing kasi may sakit yun matagal na.
Kaya lumuwas kami ng Pampanga para
makipaglamay. Pagdating namin dun
sinilip namin sa kabaong medyo
emosyonal kami. At pagkalipas ng ilang
araw siguro mga 2 days ata o 3 days habang kausap ko yung mga kapwa bata
ko na bisita ay tumingin ako sa kabaong.
Nagulat ako kasi nakita ko na
kumukurap-kurap yung mga mata nung lola ko sa kabaong. Parang
gustong gumising. Pero hindi ako
natakot nun kasi marami kaming mga
bisita eh. Puno ng mga tao ung paligid
kaya nilapitan ko yung isa kong kaibigan
sinabi ko sa kanya. Tapos nung tinignan nya kumukurap padin daw parang
gustong gumising kaya yun nakaramdam
kami ng kaunting takot kaya nagpunta
kami sa kusina. Tapos mga ilang oras
ang lumipas nung tumingin ako ulit sa
kabaong nakapikit na ang mga mata. Hindi na gumagalaw. . . At dito
nagtatapos ang aking kwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon