Author's P.O.V
dumaan nalang ang maraming panahon, pasko, bagong taon at nag closing na din sa klase, sila parin nina Geo at Klea.
Nag summer na pala kaya wala ng pasok.
_______________________________________
Geo's P.O.V
Summer na, kaya walang pasok. Wala munang outing ngayon sabi ni mama kaya naka higa nalang ako sa kama ng kwarto ko. Boring.
Hindi kami magkita ni Klea ngayon dahil wala kaming pag excuse sa mga magulang namin dahil summer ngayon.
sighed.
bigla akong bumangon sa kama dahil may kumatok sa kwarto ko, Si mama lang pala.
"Anak pwede ba tayo mag usap?" tanong saakin ni mama.
"Sige ma, ano yun?" medyo ang lungkot ng mukha ni mama ngayon.
"lilipat na tayo sa Regan City. Doon ka na din mag grade 10 sa Regan High School at si Jay naman ay sa Regan Elementary School." sabi ni mama.
bigla nalang akung nanigas sa pwesto ko. Hindi to maari, paano si Klea?"Ma bakit tayo lilipat? okay naman tayo dito sa Llano City diba? " tanong ko kay mama. Sa totoo lamg naguluhan na ako sa palagay na to.
"hindi na anak, may isyu kasi kami ng papa mo. Para iwas gulo luluwas nalang tayo sa kabilang lugar. Kaya ligpitin mo na ang gamit mo dito dahil bukas na tayo luluwas. sana din anak wag mo din dagdagan ang mga problema namin ng papa mo. At sana sumunod ka nalang saamin." at pagkatapos ng sermon ni mama saakin lumabas na din siya sa kwarto ko.
agad kong tinawagan si Klea..
sana maintindihan niya ako at sa sitwasyon namin sa pamilya ko...
Klea's P.O.V
habang nagluluto ako para sa lunch namin ni Lola, nag ring ang cellphone ko na nasa gilid ko lang nakalagay.
kinuha ko agad ang cellphone, Si Geo ang tumatawag.
Hays, na miss ko na tuloy siya. Summer kasi eh, walang palusot kay Lola muna..
sinagot ko na ang tawag ni Geo.
"Hello, Geo?"
"Klea."
ba't ang lungkot ng boses ni Geo?
"Geo, may problema ba?"
"Klea, ano kasi..."
"Sigi sabihin mo lang saakin Geo."
"Lilipat na kami ng bahay."
huh? lilipat?
"Lilipat? saan?"
"Sa Regan City Klea, bukas na kami luluwas. May problema kasi sila mama at papa dito sa Llano, para iwas gulo lilipat nalang kami, hindi ko alam anong issue nila dito. Susunod nalang ako sa kanila dahil seryoso talaga sila sa problema nila. Kaya Klea, hindi na tayo magkakasama na sa school, paano kita babantayan?"
"wag ka mag alala Geo, mag iingat lang ako sa school. Kahit LDR na tayo mag iingat parin ako na walang kokontra sa pagmamahal natin at ikaw din, sana palagi ka mag pa ramdam saakin kahit mag text at tawag lang okay na yan saakin. Sundin mo nalang ang mga magulang mo Geo para din yan sa kabutihan mo."
"Salamat sa pag intindi saakin Klea, kahit LDR na tayo pangako, ikaw parin ang laman ng puso ko, mahal na mahal kita Klea"
"Mahal na mahal din kita Geo. Basta ang pangako natin ha?, na walang iwanan"
"Sure! promise hindi ko yan kalimutan."
