Chapter 18: WHAT IF'S 😕💔

54 2 0
                                    

MARYAN'S POV

Nasa room lang ako at nakikinig ng music ng biglang tumugtog yung Simula pa nung una.

"Simula pa nung una, hindi na maintindihan ang nararamdaman,
Naging mag kaibigan ngunit di nauwi sa magka-ibigan
Tangap ko yun noon, kampante na ganon nalang,
Sapat na nakasama kita kahit hanngang dun nalang🎶" kanta ko ng mahina habang iniisip yung mga moments na masaya pa ako/kami, yung mga araw na wala akong problema kasi hindi pa naman ako nahuhulog non.

"Wala daw teacher!" biglang sabi ni John marc galing sa labas kaya tumayo ako at lumabas narinig ko pang tinanong ako ni shekinah kung saan ako pupunta pero di ko na pinansin.

Nasa Garden lang ako at nakatingin sa tanawin ng biglang may tumabi saakin-- i mean hindi naman sya tumabi pero nakaupo rin sya sa bench na inuupuan ko. Hindi ko nalang muna sya pinansin at tumingin lang ako sa tanawin ng may nakita akong dalawang tao at nagtatawanan sila, si Charles at Irish

Yumuko ako at nagsalita.

"Alam mo ba? Nasasaktan ako." pag amin ko habang pinipigalan na umiyak

"Hindi ko na realize na Mahal ko sya dati eh, na realize ko lang nung may nakikita akong mga babae na kasama nya, nakangiti sya don. Ang Tanga ko diba? Gusto ko nang itigil toh eh! Gusto ko na matapos na yung nararamdaman ko para sakanya. Pero pano?" tanong ko habang naka tingin kela charlwa at irish

"Wala naman kasing paraan para umamin" biglang salita nya kaya tumingin ako sakanya

"Ang hirap kaya umamin" sabi ko

"Hindi sya mahirap, Natatakot ka lang" prankahan nyang sagot kaya yumuko ako

"Tama, Natatakot ako. Baka kasi pag umamin ako.. I-Iwasan nya ako, mawala bigla yung closeness namin, baka may masaktan ako. Baka, Baka ayaw nya sakin" parang batang sabi ko habang pilit na pinipigilan yung luha

" Kahit naman aminin mo o hindi masasaktan ka parin, pero pag inamin mo parin atleast kahit nasaktan ka di mo kailangan itago diba? Eh pag tinago mo at hindi ka umamin? Mag isa kang masasaktan. Mawawalan ka ng karapatang masaktan kasi di mo naman sinabi yung nararamdaman mo" sabi nya ng hindi naka tingin sakin kaya tumango nalang ako habang nag pipigil parin ng luha

"Pipigilan ko talaga ko tong nararamdaman ko sakanya, lalayo ako, Maghahanap ako ng tutulong sakin" desperadang sabi ko

"Kung gusto mo talaga sya layuan, hindi mo kailangan ng taong tutulong sayo. Kailangan mo lang magdesisyon." sabi nya

"Wag mo pigilan yung feelings mo, Just go with the flow. Kung masaktan edi Masaktan, atleast masaya ka" dadag pa nya

"pano kung lumayo narin sya sakin? Pano kung bukas ayaw nya na sakin? Pano kung bukas andun na ulit sya kay Y-Yuna?" pagaalangan ko. Ayun naman talaga eh. Hindi naman ako yung mahal nya hindi naman ako yung taong lagi nyang kausap, lagi nyang ka chat, laging nasa isip at puso nya.

" Wag mo isipin yung Future, isipin mo yung present. Baka kasi pag inisip mo agad yung future masaktan ka, mag assume ka. Eh pag ang present lang ang inisip mo, magiging masaya ka at wala kang what if's na iisipin" what if's. Tama naman sya eh. Lahat nalang ng ginagawa ko at sinasabi ko at nararandaman ko na involve sya ay may mga what if's akong iniisip

" Sige.. Papansinin ko sya bukas, wag muna ngayon" pag dedesisyon ko, tama namam kasi sya. Kailangan ko lang mag enjoy sa lahat nang yayari. Bahal na si kupido sa mangyayare. Kung akin naman sya sakin parin naman sya babalik eh, pero kung hindi edi hindi Masaktan na kung masasaktan.

"Nasayo naman yan eh, ang mahalaga lang kahit masaktan ka masaya ka kasi nagawa mo yung gusto mo" sabi nya sabay tayo at umalis

Salamat Thea...

Haysss... Pano kaya nakakabigay ng advices yun eh wala naman syang love life? Pero salamat parin.

Nakita ko si Rhea, sya unang naka alam ng nararamdaman ko dahil madalas kami mag kasama. Nung nakita nya ako ay umiyak na ako ng tuluyan. Bakit kasi ganito? Bakit kasi nahulog ako a taong hindi naman pwede? Bakit nahulog ako sa taong imposible? Bakit?

Habang naka yakap ako kag rhea ay nakita ko na humarap si Charles sakin kaya agad akong kumalas sa yakap at mabilis na naglakad paalis. Kung Hahabolin nya ako okay lang pero kung hindi okay narin yun para hindi na muna ako masaktan. Kailangan ko silang layuan para sa ikakasaya nila, pero pano kung ikalungkot ko naman yun? Lagi nalang ba ako magpaparaya? Selfish na ba ako kung gusto ko ako naman?

Sabi ko pa dati, HINDI AKO MA-FALL SAKANYA. pero ano na ngayon? Kinain ko lahat ng sinabi ko. Nafall ako at malalim na nga.

Ang tanong? Kelan ako makakaamin? Kelan? Huh?

"Maryan!!" biglang may sumigaw aa likod kaya ngumiti muna ako... Si Charles!

〒_〒

Kailangan ko magpangap! Kailangan kong maging masaya kahit ngayun lang.

"Oh? Ba't natakbo ka?" tawa ko kunwari sabay abot ng panyo ko sakanya

"Nakita kasi kita kanina. Umiyak ka ba?" takang tanong nya kaya napa atras ako.

"Hah? Bat naman iiyak?" sabi ko pa sabay tawa ng peke

"Halata kaya" sabi nya. Sana yung nararamdaman ko nahahalata mo rin para di ako mahirapan. Aish! Ano ba tong sinasabi ko?

"Ah..  Nagbabasa kasi ako ng wattpad yung Sad Rain? (hello sa mga nakaka realate!!!- otor) kaya ayun naiyak ako HAHAHAHAHA" Sabi ko nalang sabay iwas ng tingin sakanya tsaka ako naglakad Ng nakita ko si Rhea At Allen yung Boyfie nya na magkahawak ang kamay kaya kinawaYan ko sila Pero hinila ako ni Charles palayo sakanila kaya nagpatangay nalang ako, sa liit kong toh? Kayang kaya ako nean kapre ata toh eh. Pero bago Pa nya ako madala sa kung saan ay bumitaw ako

"Charles, Lalayuan muna kita" bigla ko nalang na sabi yun kaya napahinto sya

"Bakit?" takang tanong nya sabay lapit sakin pero lumayo ako

"Ewan ko" sabi ko nalang sabay takbo palayo sakanya.

Pag Lumayo rin aya ibig sabihin hindi talaga ako importante sakanya pero pag nilapitan nya ako papansinin ko sya kasi ang hirap mag pigil ng nararamdaman.

------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S SAY

so ayun nga! Sabi ko tama na ang drama deba? Pero ano tong Chapter na toh? So may nangyari kasi eh, dahil nga base in true story toh siningit ko muma sya dahil wala pang sweet moments sila natsu ate mermel. So parang way narin etoh of confession pero syempre nasa tao parin kung aamin talaga Sya WAHAHAHAHA so bye bye na munaaa

I Crush You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon