MARYAN'S POV
Nasa Room lang kame para mag relax at kanya kanya kami ng ginagawa, Tawa dito Tawa doon. Wala naman Teacher kaya okay lang.
nawala si Thea tas si Sean nasa praktis pa ata si Joana at Bea naman nasa probinsya nila.
"Marayan..." tawag sakin ni Charles na katabi ko lang
"Hmm? Bakit?" sabi ko habang may ka text na boylet
" Wala Wala" sabi nya tsaka nag laro ulit.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa pakikipag chat nang biglang nag ring yung Cellphone nya
" Hello?" tanong nya tsaka tumayo
" Yuna??" nagulantang kami sa narinig namim, pati yung mga ka tropa namin nagulat din.
Yuna, sya yung Hinintay ni Charles ng Six Years at hanggang ngayon parin ata.
CHARLES' POV
NUNG narinig ko kung sino yung Caller bigla akong sumaya! damn! Matagal tagal din kami hindi naguusap neto eh!
" Booo!! Na miss kita!" masaya kong sabi at naring ko naman ayang tumawa
("Toh Naman HAHAHAHA busy kase ih") ang cute talaga ng Boses nya!
" Hays oo nga eh! Pero good thing tumawag ka, Miss narin kita!" sabi ko
("Luh sya HAHAHAHA miss narin kita") sabi nya kaya tumalon ako sa tuwa
"Di mo na ako tinatawag na Boo, I love you HAHAHAHA" PA SWEET NA SABI KO
("Baho! HAHAHAHA") sabi nya nalang pero nagulat ako nung may umagaw sa telepono ko
"Hi Yuna! Si Thea toh! Maya ka na tumawag pwede? May ginagawa kasi kami e-- Oo!-- sorry huh?-- sure ka? Sige sige bye~" sabi nya bago ibaba ang tawag
" Bat mo binaba?" tanong ko sabay palo nang mahina sa ulo nya
" You Don't Care" sabi nalang nga sabay alis ng kamay ko sa ulo nya at umalis
Mukang matatagalan sa pag tawag uli si Yuna ah? Hays... Panira kase eh! Sarap manapak ng babae! Pero syempre di ko magagawa yun.
Naglakad nalang ako papunta ulit sa room kaso naramdaman ko yung tensyon sa room, Anyare?
" Bwisit naman kasi Maryan! Kung ayaw mo maniwala edi wag letse di ka naman pinipilit" inis na sabi ni Althea sabay labas ng Room pero bago yun binanga nya muna ako
Wala akong lakas ng loob na magtanong kasi ako mismo kinakabahan sa nangyayari, iba kase magalet si thea lahat ng tao hindi nya papansinin pag may galit sya.
Nag Lunch na at Nasa Cafeteria na kami ngayon ng biglang pumasok si Thea sa Cafeteria kasama ang mga taga 11-D.
" Grabe ka Thea! Naalala ko nanaman yung scene kanina sa hallway HAHAHAHA" tawang tawa na sabi nG isa sa mga taga 11-D
" Sino ba kasi yung babae?" sabi ni Rhea, Classmate namin sya at close kami sakanya
" Sino pa? Edi yung Babaeng fiancé daw ni Sean!" sabi ni Memi na taga 11-D
" Fiancé? E loko pala sya eh! 17 palang si Sean tas Fiancé? Ulul" sabi nalang ni juluis
"Anyare kay Thea?" tanong ni Lander sa Gilid ko
" Hindi ko rin alam eh! Pag dating ko sa room sinigawan na nya si Maryan tas umalis Na sya" sabi ko nalang
Hanggang dito rinig na rinig namin yung tawanan nila ng nagring yung Cellphone
Yuna Boo calling.........
MARYAN'S POV
Hanggang sa pagtapos ng Lunch at pati sa Room ay kausap ni Charles si Yuna
May nararamdaman akong sakit, syempre kanina lang mag kausap kami tas ngayon nasa iba nanaman atensyon nya. Hindi ako galit kay yuna o naiinis pero kasi anong laban ko? Kahit naman ako yung kasama nya, iba naman yung gusto nyang kasama at hindi ako yun. Swerte nga ni Yuna e. May lalaki syang magmamahal skanya at handang mag hintay sakanya.
"Mahal kita mAryan"
Siguro yung sinabi ni Charles yun? Panandalian lang
" WAW!! WALA AKO KARAPATAN? SORRY AH! SORRY KUNG NAINLAB AKO SAYO! SORRY KUNG NAGSESELOS AKO! SORRY KUNG MINAHAL KITA! SORRY!"
naalala ko nanaman yun! Hindi naman ako yung Mahal nya eh! Si Yuna! At hindi magiging ako yun!
" Sinungaling" bulong ko sa sarili ko bago tumulo ung luha Ko
Dahil wala naman teacher ay lumabas ako nagpunta sa Baseball field tsaka ako umiyak ng umiyak
" Ngayon iiyak- iyak ka?" nagulat ako ng may taong biglang nag salita at si Thea yon na naka higa pa sa Bleachers. Mukang natutulog sya
"Hindi ko parin sya patitigilin" matigas kong sabi
"Bakit?" sabi nya nang walang ekspresyon
" Kasi.. Kasi Gusto ko sya" sabi ko sabay tingin sakanya
" Gusto ka ba?" biglaang tanong Nya kaya natahimik ako
"BAKIT BA HADLANG KA?!? MASAYA NA KAMI! MASAYA NA AKO!" Bigla kong sigaw sa inis
Tumawa lang sya
"MASAYA? HINDI SA LAHAT NG ORAS MASAYA KA, AT HINDI RIN SA LAHAT NG ORAS MASAYA SYA SAYO! NAPAPAGOD DIN SYA AT PWEDE SYANG SUMUKO!" sigaw narin nya
" Pero alam ko na kahit na sumuko sya ay babalik parin sya" Sabi ko pilit na hindi naniniwala
" Babalik sya oo, pero hindi sayo" sabi nya kaya naiiyak nanaman ako
" Hiniram mo lang sya, ngayon nagbalik na yung totoong may ari kelangan mo nang isoli" -sya
" AYOKO! AKO NAMAN! DAPAT AKO NAMAN! AKO YUNG SUMALO SAKANYA NUNG MALANGKOT SYA! AKO!!"- akk
" Ayun na nga eh! Taga Salo ka lang! Sandalan! Pero hindi Ikaw yung tunay nyang mahal!" Inis nyang sabi
" Bakit ba hadlang ka? Bakit ayaw mo kong sumaya? Kami na oh! Papunta na kami sa happily ever after eh! Wag ko nang pigilan!" Galit na Sabi ko
" Wala kayo sa Fairytale kung saan may happily ever after, nasa Reality kayo na may nasasaktan at may kailangang bumitaw" Sabi nya
" Bumitiw kana kung alam mong unti-unti na yang dumudulas sa pag kakapit sayo, kasi baka pag bumitiw sya maiwan ka ng walang makakapitan na kaibigan " dagdag pa nya
" Hindi ko gagawin yun! Mahal nya ako! Ako ang mahal nya!" Pilit kong sabI
"Wag ka maging tanga at desperada!" Sigaw nya
" Nagmahal lang naman ako eh!"-ako
"Pero nagmahal ka sa maling oras at sa maling tao!" Giit nya
" Akala ko ba Gusto mo maging masaya ako? " Tanong ko
" Hindi ako Kasing tanga Mo! Kaya kitang bitawan kung may iba ka naman ng kinakapitan" sabi nya nalang sabay alis sa harap ko
Wala na ba talaga? Hanggang dito nalang ba kami? Baka pwede pa? Baka pwede pa kami ni Charles? Pero pano si Thea? Pano na yung friendship namin? FO na ba talaga?
BINABASA MO ANG
I Crush You!
Ficção AdolescenteHAHAHAHAHAHA BAKAZ AND BUKAZ HART HART!! BASAHIN NYO!!! MAGANDA TOH!!