Chapter 2. Abcde
Alas dose palang ng tanghali ay nakarating na agad ako sa school. Alas dos pa dapat ang klase ko pero nagpatawag si Harold ng biglaang meeting sa club so here I am. Imbis na mahaba pa tulog ko ay wala na akong choice kundi ang pumunta sa school. Si Terrie ay kaninang alas otso ng umaga pa ang klase kaya di ko siya kasabay.
Di nakaligtas sa paningin ko ang mga mata ng mga tao sakin. Binabati ako at pinupuri sa gawa kong novel.
"Ay hi! Thank you!" Masiglang saad ko sa isang nerd na lalaking nag bigay sakin ng fan art ni Axel. Ang bida ng new novel ko na Inside the Ordinary.
Di ko naman hinangad na maging number one at lalong lalo na hindi ko hinangad na kunin ang atensyon ni Harold for god's sake! Kahit nga konting may maka appreciate lang ng gawa ko ay sobrang thankful na ko and besides, 5,000 ang word limit ng every chapter na sinusulat namin para sa isang issue ng magazine dahil nga every month lang ito lumalabas. Kaya grabe ang effort naming lahat.
"There you are! Upo ka Aj, mag s-start na tayo," Sabi ni Harold sakin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa office. Nagkumpuan lang kaming lahat sa gitna. This room was given to us of course, for our club. May mga tables and all, simple lang siya though maraming nagkalat nga na papel. Well, bukod sa writing kami naka focus, ay kami din nag p-publish ng sarili naming magazine eh. And inside this room ay may isang maliit na room for Harold.
"By the way, good job guys! Magkakalahating araw pa lang pero ang taas na agad ng sales ng magazine natin! Palakpakan naman natin ang mga sarili natin." Harold said with his famous smile. May kakaiba talaga kay Harold and that is his smile. Napaka sweet and sincere tingnan kaya di na ko mag tataka kung bakit magaan ang loob sa kanya ng mga tao and kung bakit ganoon na lang si Andie sa kanya.
"Anyways, guys. Kaya ko kayo pinatawag dahil may good news ako sa inyo," Halos lahat sa loob ng room ay nagkatinginan at curious sa kung ano man ang tinutukoy ni Harold. "Waymann's Printing Press invited us sa paparating nilang mala Masquerade Night this friday!" Napuno ng hiyawan at mga ngiti ang room. Sobrang saya ng bawat isa lahat naka ngiti kahit si Andie ay napatingin sakin ng nakangiti. That's new.
Ang Waymann's Printing Press lang naman ang pinaka sikat na publishing company sa bansa at pag may pina publish silang books, walang ka duda dudang maganda ito at high quality talaga ang bawat ni rerelease nilang product.
"Wait, pano nangyari yun 'Rold?" Talk about party crasher. Napatigil ang lahat nang magtanong ang isang writer namin na si Reya. Naka focus siya sa horror story and rom-com naman. "Good question, Reya!" Harold with his famous smile again. Agad din siyang tumingin sa akin nang hindi inaalis ang ngiti.
"As you all know, Aj here," Turo niya sakin na siyang ikinairap ng mata ni Andie. "Ang anak ni Dr. Waymann ay dito din pala nag aaral! Matagal na daw siyang fan ng mga gawa mo Aj at kahit sa lahat ng stories na ni rerelease natin and yung novel na sinulat mo ngayon ang naging susi para maging posible ang ito. Pero really guys, I'm not being a favoritism here. Pantay pantay kayong lahat para sakin and I just want to tell you basically how it became possible."
Di ko alam kung pano ko malalabas ang tuwa na nararamdaman ko kasama ng awkward-ness. Feeling ko kinantahan nila ako ng Happy Birthday tapos di ko alam sasabihin ko. Ganun yung feeling. Pero na flatter talaga ako. Si Dr. Eliass Waymann ang CEO ng Waymann's Printing Press at para magustuhan ng anak niya ang gawa ko? Wow.
BINABASA MO ANG
Not A Fantasy
Misterio / SuspensoAllison Jane or Aj as she likes to call her, is a famous fantasy writer in her campus hanggang sa isang araw nagkatotoo ang isa sa mga character niyang si Axel, the mind reader. How did it happened? This is a real life story. This is not a fantasy...