pajama_addict

959 9 1
                                    

Siya ang isa sa mga pinakamatalinong writer na nahanap ko dito sa Wattpad. I think her brain works nonstop on creating stories that she could actually update regularly. By regularly it means almost 7 to 11 stories per week. Yeaah, i know, unbelievable. ^_^

Unti-unti ng napa-publish ang mga stories nya pero marami-rami pang mga bago na stories.

Check out her stories and you'll get addicted just like me! So that makes me, pajama_addict addicted. :D

*****Mistakenly Meant For You 1 & 2

It all started with Fire and Ice. Astig noh?

Mga pangalan palang nila talagang pinag-isipan na.

I really believe that Ice is most likely the author itself.

She's very smart, fierce, possessive, faithful and a loving daughter and sister.

On the other hand, I wanted to believe that Fire is the equivalent of all the other male characters. Though he's not my favorite. Hahha. :D

Isa to sa mga nakakatalinong stories sa kadahilanang napakatalino ni Irina!

*****Cupid's Fools

Nakakatuwa si Ingrid! Mapapahalakhak ka na lang sa mga pinagsasabi nya. Sya ang kapatid ni Irina kaya malamang andito rin sila!

Si Aleph naman, siya ata ang pinaka-goodboy sa lahat ng boys. Sya lang ata yong may moment na naiiyak din ako pag naiyak sya.

Favorite ko ang librong to kasi chill lang! Maiinspire ka mag aral! Lol

*****DyepNi

Sa dulo ko lang nalaman ang meaning ng title na toh! Kwento ng mga manhid at torpeng tao. The story is mostly narrated but the good thing is, both sides shared their point of view.

******Once Upon A Fishball

Isa sa pinaka-original na way ng pagstart ng lovestory! As in, na-amaze na lang ako kasi naisip nya yon.

Dito, maiinlove ka kay Ryan Soler, ang lalaking maginoo pero medyo bastos. (Evil laugh)

Walastik na bata to, kayang kaya nyang i-justify ang actions nya. Mapapareact ka na lang na bat ganyan, hinay-hinay lang bata.. Kaso pag ikaw ata binanatan na ni Soler ng makapagbagbag damdamin nyang linya masmaiinlove ka na lang. At ganon nga ang nangyari kay Raya!

*****Red String of Fate.

*****Said I loved You But I Lied.

*****Bedroom Negotiations.

(The Carbonel Sisters)

Ito ang di ko inakalang lahat pala silang magkakapatid eh magkakaron ng sari-sariling kwento.

Nakakatuwa yong kina Alexa, kasi makikita mo yong story nilang magkakapatid, mas maiintindihan mo sila. Isama mo pa ang asawa nyang si Alex, na kapareho nyang lawyer, malamang masasample-an ulit tayo ng nakakadugong bakbakan ng kuro-kuro.

Lee ann, paired with Alex Sandoval's brother, Nic! Ang lovestory na sumisigaw ng 'age doesn't matter".

Lia, panganay ng Carbonel sisters, ay isang taong walang preno sa pananalita. Kaya nga isa sya sa inaabangan ko kung pano sya kung maiinlove kasi sya pinakapasaway! Infairness, di ko inexpect ang partner nya. Haha.

*****U.P Connections

Makikita natin dito kung pano nagkasama-sama ang mga characters. Sina jepoy at nia, fire at ice, alex at alexa at sina ryan at raya. Ang saya lang masaksihan nong mga nangyaring pagkikita kita nila. In the future mas titibay ang kanilang magiging connections sa isa't isa.

*****The Princess Bride

Fantasy. Medyo bampira ang peg neto. Sehrli ang tawag. Once again, napabilib na naman ako ni ms. Otor dito. Ang galing ng pagkakasulat, punong puno ng revelations. Ewan ko ba, para akong nasa ibang dimension pag binabasa ko to. Kadalasan, nakakapanindig balahibo yong mga pangyayari, to think na nag uumpisa palang. Ganon ka-intense yong pagbabahagi nya ng kwento nina mikael at gabrielle.

*****One Message Received

Mystery. Natuwa na naman ako sa mga pangalan nila! Seb and Saf, umpisa palang destined na ang dating. Ito yong tipo ng story na magpapakunot sa noo mo. Mapapaisip ka talaga kung ano ba talagang koneksyon ang meron sila. Maa-amaze ka na lang pag naguusap sila, parang debate. At maasar ka sa ka-praningan ni Saf!

Wattpad Authors With My Favorite StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon