jonaxx

615 10 2
                                    

Isa sa pinakamagaling na writer sa wattpad.

Isa talaga sya sa pinakahinahangaan kong manunulat.

Sya yong author na forte na ata ang pagbacktrack.

Tipong swabe yong timeline.

Kayang kaya nyang gumawa ng mga libro na bigla mo na lang marerealize na may mga pangyayari pala na nagmi-meet o nagmeet ang mga characters. Ang astig talaga!

Nakakatuwa din yong pagkokonek nya ng characters, na kung minsan di mo aakalain kung sino ang susunod nyang isusulat.

Sya yong nagsusulat na kumpleto rekados talaga mula umpisa, gitna at dulo.

Hindi sya maikli pero di rin mahaba.

Tama sa panlasa.

Unique din kadalasn ng pag end nya ng story, kasi uumpisahan nya sa POV ng babae pero tatapusin nya gamit ang POV ng lalaki. Ang astig!

*****Chase and hearts, unang book na nagustuhan ko sa mga sinulat nya. Light lang yong kwento. Good vibes!

Isama mo na rin ang How to Produce a Prince, 24 Signs of Summer at Remembering Summer. Chill lang!

Maraming may gusto kay Benj ng No Perfect Prince, pero para sakin masnagustuhan ko si Brent ng Invisible Man. Pero ang magpinsan na yan pag pinagsama para kang magkakaroon ng Rozen ng Heartless. Si Rozen ang paborito ko sa lahat ng boys ni Ms. Otor!

Alegria boys:

Si Jacob ng Baka Sakali ay parang si Hector ng End This War, pero mas nagustuhan ko si Jacob kasi sya ang naunang sinulat at masmahaba ang kwento.

Si Wade naman ng Mapapansin Kaya, ang matalinong rakista! Love na love ko siya at halos maasar talaga ako kay Reina sa kaartehan nya. Ito ang pinakagusto ko sa tatlo.

*****Elijah ng Until Forever Trilogy!

Maiinlove ka na lang talaga sa kanya. Ito ay kwento tungkol sa pamilya, isa sa mga bagong plot na magpapawindang sayo. Tatlong libro ba naman, ewan ko na lang kung di ka mahook, lalo na sa Montefalco cousins!!

Waaah! AZI for the win! Oh ha, wala pa syang kwento pero marami na agad supporter.

Same as, kelan kaya magkakakwento si Brandon? Ang lalaking puro cameo. :)

Wattpad Authors With My Favorite StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon