chinitaishi

607 3 2
                                    

Ang author na pinapaniwalaan kong napakagaling sa pagbasag ng puso.

Maraming beses ko ngang iniisip na ang bitter nya.

Solid kasi kung pahirapan ang mga bida nya.

Tipong magmamakaawa ka talaga na bigyang hustisya kahit puso ng mga mambabasa.

Sa book 1 palang, ilang beses ko ng sinubukang itigil ang pagbabasa nito, pero wala eh, pinagpatuloy ko sa pagbabakasakaling malapit na ang happy ending. Hanggang inabot na ako sa book 2. In fairness naman, sa dami ng twist nya, mababaliw ka na lang talaga. Oo, maraming kabaliwan si ms. Otor. Parang sadista ang peg! Haha.

Sa haba ng story na to, payong kaibigan, wag basahin ng isang bagsakan, baka sumabog puso mo. Hinay hinay lang.

*****Taming of a Starr (book 1)

*****Now Taming: Cassanova (book 2)

A story that will break your heart a thousand times.

A story that will put you to the edge of crying for a love that seems too impossible to achieve.

Kwento ng STARRED, na talaga namang sinubukan ng tadhana. Mapapatanong ka na lang kung sino ba talagang nagmamahal ng sobra. Kung meron pa nga bang happy ending. Kung matatapos pa ba ang paghihirap. Kung hanggang kelan sila masasaktan para maisip na tama na, suko na.

Ito yong kwentong magpapalipat lipat ka ng side. Tas kakaantay mo na maghimala at sila ang magkatuluyan, ipaglalaban mo na rin ang pinaglalaban nilang destiny, na happy ever after.

Sa haba kasi ng plot na to, maho-hook ka na lang sa mga bida, hanggang sa pati ikaw naniniwala na rin na sila dapat ang para sa isa't isa, kahit walang kasiguraduhan na sila nga hanggang sa dulo.

Wattpad Authors With My Favorite StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon