Say Something

48 2 0
                                    

"Closure,Closure.Kahit closure lang". Sinisigaw ko sa kwarto ko habang nag wawala at humahagulhul."Kahit, rason nalang talaga,ba't hindi mo nagawang isabi,ang unfair mo,ang unfair unfair mo". Sabay sabunot ko sa sarili ko.

"Ano ba nangyayare sa'yo?" Bahagya akong nagulat sa pagpasok ni Kuya sa kwarto ko. Nakita niya akong luhaan,durog,wasak at sabog. Mas lalo akong naiyak habang lumalapit siya sa akin. "Anong nangyayare sa'yo Mia?" Alam kung seryoso siya kasi tinawag niya ako sa Pangalan ko. Wala akong masabi sa kanya. Wala akong mai-rason sa kanya. Ang ginawa ko yinakap ko lang siya habang humihikbi. Ito na ang huling pag-iyak ko sayong HAYOP Ka!

---------------------------

"Anong plano natin ngayon?" Sabi ni Mae.Bestfriend ko.

"Di ko alam eh,basta ayaw ko dito sa bahay."Sagot ko naman, kay aga aga kasi sumugod siya dito. Feeling ko tinawagan siya ni kuya about sa nangyare kahapon.

"Punta tayong J-salon, tutal malapit naman yun dito." Ang suhestyon niya naman.

"Ano naman,gagawin ko dun?" Totoo naman, manonood lang ganun.

"Change for the better." Madiin nyang sabi. Nanahimik nalang ako. Papunta na nga kami."Si baks na ang bahala sayo" Si baks, baklang friend niya.Taga dito sa amin yang baks na yan pero mas close pa niya. Pasakay na nga kami ng Jeep. In 5 minutes, makakadating na kami.

Nasa ala-ala ko pa ang huling sinabi niya sa akin "Labs, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko kahit hindi na tayo." P*ta ano ba tingin niya sa akin machine na automatic mapa-process yun agad sa utak ko. Ganun ganun nalang ba yun at bigla niya akong iiwanan. Ang aming mga pinagsamahan mahigit tatlong taon, ganun ganun nalang niya tinapon. Nakakadilim ng paningin.

"Nandito na tayo"Sabay kalabit sa akin ni Mae. Oo nga,nandito na kami, at di ko man lang namalayan. Bumaba na nga kami ng jeep.

"Baks, kailangan nya ng make over para sa pagbabago at pagbangon" Halos pasigaw na saad niya. May mga customers pa naman dito, nahiya ako.

"Hoy ano kaba.Kunting hina naman sa boses mo." Sabay sundot ko sa tagiliran niya.

"Halika na Mia, upo na." Parang ulol na aso ang tinginan nila ni Mae.Parang wala ako sa sarili na umupo.

Ang saya ko pa Last month, puno ng pag-asa,pangarap. Pero Last week nawala yun. pakiramdam ko, hindi ko na kayang tumayo pa.Ang sakit sakit na nag end ang relationship namin sa ganuong sitwasyon at ganuong paraan.

Wala akong idea bakit ganun,bakit ganito ang nangyayare ngayon sa buhay ko. Siguro galit ako pero kailangan ko ng malinaw na rasun.

"Hoooooy" Muntik na akong malaglag sa upuan ko. Nakakagulat naman ang dalawa.

"Asan ba yang isip mo?Tingin ka sa salamin". Sabi ni Baks. Mas muntik na talaga ako magcollapse sa nakita ko sa salamin. Ay wow, kahit ako namangha sa sarili ko. Tumingin ako sa kanila, todo ngisi sila.

Mas bagsak na ngayon ang hair ko pero layer na at may high lites na dirty white at blonde ang maitim kong buhok. Inahitan din ang kilay ko para mag mukhang palaban. Ang tapang nga ng mukha ko pero durog naman kalooban ko. Naiiyak ako habang tinitingnan ko parin ang sarili ko kasi ayaw niya,ayaw ni Tean(tin) na galawin hair ko kasi ang ganda daw at ang bango lagi. Martean Cruz. Nanghihinayang lang ako. Di ko namalayan na pinapahiran ko na pala ang luha ko. Nagulat si baks.Yinakap ako ni Mae pagkatapos hinila niya ako palabas habang sumisigaw kay baks ng salamat. Di ko namalayan na dito ako sa shop niya. Flower shop.

"Simula ngayon, sayo na to. Ibibigay ko ito sa'yo." Ano ba pinagsasabi nito.

"Wala ka bang tulog?Gaga ka. Pinag hirapan mo ito.Wag kang ganyan." Nakakabigla grabe.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon