Everything Happens For A Reason

38 2 0
                                    

Everything Happens For A Reason

"Alam mo naiintriga na talaga ako sa buhay mo." Sabi ni Chel habang naglalakad kami papuntang next subject namin.

"Ano ka ba?Bakit?" Tanong ko naman agad sa kanya habang naglalaro ako sa cellphone ko.

" Eh kasi natapos nalang ang unang semestra,wala kang nakwento sa lovelife mo." Sagot niya din agad. Tama nga siya,ako yung taong di mahilig magkwento sa buhay lalo na sa personal life.Ngayon kasi ang simula ng 2nd sem namin.November 5 ngayon. Sa lahat na subject ko kaklase ko si Chel.

"Sus,di ka nasanay sa akin.Pag may time ako magkwekwento ako sayo" Sabay tingin ko sa kanya.

"Sanay na ako sa mga alibay mo."Sabay simangot niya.

"Bahala ka nga.Basta tabi tayo,andito na tayo oh" Sabay hinto ko,ganun din siya.Pumasok na nga kami.

Ako nga pala si Judy.Basta Judy. :) First year college.

Ayun ang ingay dito.Kamustahan ng bakasyon.Karamihan sa amin dito familiar na ang mga mukha,siguro yung iba naging classmate ko dati at nakikita ko na dati. At mas lalong umingay nga ng may nagbukas ng pintuan. Di ko naman liningon kasi busy nga ako sa kakalaro sa cp ko.

"OMG.As in OH MY GWAPO" As in halos malaglag na sa upuan si Chel sa kilig ata.. Di ko naman pinansin,ganun kasi siya pag may makita na gwapo sa paningin niya.Halos maihi na sa panty kung pwede lang malaglag, ay panigurado na.

"Ui Jj ano kaba,pansinin mo naman ako." Sabay tapik niya sa balikat ko.

"Eh huwag ka ngang makulit,alam mo naman busy ako.At tsaka oo na,alam ko nang sasabihin mo." Sabay irap ko.Kulit kasi eh.Pero di ko pa rin tinitingnan kung sino man yun.

Ayon nga nakidaldalan nalang si Chel sa katabi niya.Ako kasi ang last sa upuan at sumunod siya,kaya may kausap siya.At di naman tumagal, dumating na nga ang Prof.namin. Lalaki siya,pero boses shemay.Pero lalaki daw eh. >.<

"I'm your professor here in Basic Finance.My name is Sergio Callo." Muntik naman ako malaglag sa upuan joke. Muntik ko mabitawan ang cp ko ,pakarinig ko ng lastname niya.Pero ang mga kaklase ko halos mahiga na sa kakatawa.

"That's enough " Saway naman ng prof. namin.

"Oh,Janny dito ka na naman pala sa akin.Ayaw mo talagang magtiwalag sa akin huh"Hindi ko naman kilala kung sinong Janny yun at ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.Sabay ngisi niya.Feeling ko joker itong prof. namin."Btw,idi-discuss lang natin ngayon ang about sa subject na ito.Kaya mag pa photocopy kayo nito." Sabay turo niya sa syllabus or course outline. "Oh Janny ikaw na ang mag in charge nito.Btw class dalawa lang to kaya mag collect ka janny ng dos." Sabay labas ng prof. namin.Sino ba yang Janny na yan >.<.

"Pahiramin mo nga ako ng dos" Sabay kalabit ko kay Chel.Tinatamad kasi ako kumuha sa bag ng coins.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon