101%

74 2 0
                                    

Hindi po ito kwento. Ewan ko po kung ano ito. :)

Haha ewan ko kung ano ang pumasok sa aking isipan bakit ako nag open nang laptop at natagpuan ko ang aking sarili na nagta-type. (Sira ulo lang eh noh? ^__^\/)

Gusto ko lang matanong sa inyo kung nasaktan na kayo?OO NAMAN YES ang sagot diba. Ang shunga ng tanong ko!

Yung parang guguho ang mundo niyo kasi nasaktan kayo?OA noh?.Pero totoo.

Ano ba sa akala niyo ang rason bakit tayo nasaktan/nasasaktan?- Kasi nagpakatanga tayo? o Niloko tayo?.

Nasaktan ka ba dahil sa sinabi ng iba? O Nasaktan ka na rin sa sarili mong kagagawan?

Ang daming kategorya ng nasaktan/nasasaktan. Tulad ng ano? Ang nasa isip ko ngayon ang pinaka-una ay nasaktan/nasasaktan ka dahil sa PAG-IBIG.

Tama ba ako? maybe?(gulo ko haha)


Ang pag-ibig nga daw ay ang pinaka "makapangyarihan" di dahil may super powers ito na katulad ng mga super heroes na napapanuod natin sa telebisyon o whatsoever. Makapangyarihan ito dahil hahamakin daw ang lahat masunod lamang.Ika nga ng mga matatanda.


Naisip mo na ba ang pag-ibig din ang pwedeng magpahamak sa'yo? Kasi bago ka pumasok sa ganyang relasyon o samahan dapat handa ka rin sa pwedeng mangyari dahil ang Diyos lamang ang nakakaalam sa bawat segundong mangyayari.ALWAYS PREPARED ka dapat yung tipong scout lang.


Dahil ang pag-ibig ay kaakibat nito ang responsibilidad.Kagaya ng kalayaan dapat maging maagap ka sa kung ano ang ginagawa mo,may karapatan ka kung ano at saan mo gagamitin ito at makakapili ka kung ano ang pwedeng maidudulot nito sa'yo.Kasi binigyyan ka ng kalayaan para pumili sa kung sino ang iibigin mo di yan laro na kung ayaw muna pwede mong alisan seryoso yan dapat kasi ang kapalit nyan HEARTBREAKS guys gets niyo?????????? Kaya kung ang pag-ibig naramdaman mo matakot kana at magalak sa kung ano ang katapusan niyan.

Dahil ang pag-ibig ay alam natin na hindi laging masaya,kadalasan ay malungkot nga eh.NASASAKTAN KA DAHIL DITO.
Pero lahat naman tayo diba hinahangad ang kaligayan.Babarilin ko ang hindi humahangad ng kasiyahan.Biro lang.
Dahil tao lang naman tayo napapagod nga rin diba.Alam ko naranasan niyo na ang magmahal mapa ano man ang iyong kasarian. At dahil naranasan mo na ang umibig sigurado ako 101% pa na NASAKTAN KA NA RIN.Maybe ang iba hindi lang isang beses,dalawa,tatlo o higit pa na nasaktan na.TAMA BA?

Sa kabila nang iyong pagkadapa sa pag-ibig naniniwala ka parin sa HAPPY ENDING? .Wow ang lakas mo.Hinahangaan ko ang ganitong tao.Bakit? Kasi sa kabila ng sakit na nadarama mo andyan ka pa rin kumakapit sa paniniwala mo.Wala ka bang balak bumitaw dyan?Baka kasi maloka kana.Concern lang ako.Kasi ang pag-ibig nilalagay din yan sa tamang tao at sa tamang panahon. Di na bago sa atin ang masaktan pero pwede rin natin ito minsan lang maramdaman eh kung alam natin ang ginagawa natin at kung alam natin ang mali at tama sa pag-ibig.Matanong ko lang alam mo ba ang tama at mali sa nararamdaman mo? Hmmp Pag-isipan mo nga. Kasi para sa akin ang TAMA ay kung pareho kayong nagmamahalan at ang pinaka importante ay wala kayong nasasaktan/nasasagasaan na damdamin ng iba kasi pag meron MALI na po yan kasi pag nagkaroon ka ng nakaalitan dahil sa pag-ibig na ipinaglalaban mo ibig pong sabihin may mali po dyan.Lagi mong itanong sa mga sarili niyo kung tama pa ba at mali na ang ginagawa niyo.

Hindi po ako naniniwala na ang pag-ibig ay bulag (Love is blind haha literal eh) Ibig ko pong sabihin na hindi po totoo na may nagbubulag-bulagan sa pag-ibig ang paniniwala ko kasi ayaw/takot lang sila na maiwan at syempre masaktan na naman.WASAK!
Eh bakit pag magbubulag-bulagan ka hindi ka nasasaktan.Hoy teh/kuya alam ko mas doble ang mararamdam mo yan kaya magpakatotoo ka sa nararamdaman mo dahil sayo rin yan.Ikabubuti mo yan maybe not now but 101% ako na later magiging better ka.Kasi ang daming tao dyan oh,malay mo andyan lang sa tabi tabi na naghihintay para mapansin mo.Kung ako sayo wag kang feeling bulag.GUMISING KA!!!!!!!!!!!! Please. Magiging kawawa ka dyan.LUGI KA! Kasi kung alam mo na hindi nasusuklian ang pag-ibig mo sa isang tao at kung alam mo sa sarili mo na wala kang pagkukulang siguro IT'S TIME TO GIVE UP,LET GO AND MOVE ON.
Syempre sino ba naman ang maka move on agad DAHIL SA SAKIT. Syempre kaka-ilanginin mo dyan ang kalinga ng nagmamahal sa'yo tulad ng kaibigan,pamilya at Diyos. For sure kahit matagal ang proseso para makalimot agad atleast nakaya mo at sa muling mag-iibig ka alam mo na kung ano ang gagawin mo dahil sa pagkakadapa mo noon may 101% ka na LESSON NA NAKUHA.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon