"Hindi ganiyan Kerenssa. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na kailangang mas madiin pa diyan ang pagpindot mo sa gitara?", my mother scolded. Naramdaman ko naman ang hapdi sa aking pisngi. Napabuntong hininga uli ako at nagsimula uling tumugtog
I need to do this perfectly. I need her to be proud of me
"You're too fast! Your strumming is off!", sigaw niya at pinalo ang isang kapirasong kahoy ang aking magkabilang kamay, halos mabitawan ko ang hawak hawak kong gitara dahil dito. Naramdaman ko naman na dumaloy na ang aking mga luha papunta sa magkabila kong pisngi
"Bakit ka umiiyak? Don't cry and continue. You'll just waste your time", She said for the second time. Napahinga uli ako ng malalim, sinimulan ko na ring tugtugin ang fingerstyle version ng Faded ni Alan Walker
"Pluck those string gently Kerenssa", she added. Tumango ako at ginawa mismo ang gusto niya. I need do all the things she wants me to do. I should obey her. She's my mom.
Natapos ko ang kanta na walang mali, tama ang pagpluck ko, nilagyan ko rin ito ng kaunting strumming para mas maging mabuhay ang tunog nito. Mabuti nga at nagustuhan naman iyon ni Mama
Napatingin ako sa aking magkabilang kamay, namumula na ito at nagkakaroon na rin ng mga pasa dahil sa matagal niyang pagpalo saakin ng kapirasong kahoy na iyon. Okey lang naman yun saakin, kasalanan ko naman talaga kasi kung bakit ako napapalo ni Mama, di ko kasi nakukuha ng tama ang timing. Yeah. It's all my fault.
"Marami kang mali Kerenssa. Huwag kang magexpect na magiging proud ako sayo dahil sa performance mo nato. You need to be better than this. You need to be the best. Naiintindihan mo ba?", nakakunot noong tanong ni Mama. Napahinga uli ako ng malalim at tumungo. I nodded.
"Good. Kumain ka na maya maya", dagdag niya pang sabi bago umalis sa music room habang nakasakay sa wheel chair, kasama niya si Yaya Flores, siya ang yaya namin and a retired nurse at the same time
Napabuntong hininga uli ako nang tuluyan na silang makalabas sa Music room. Napatingin ako sa kamay at mga braso ko, may mga pasa na ito. Hinawakan ko naman ito at napasinghap ako bigla nang maramdaman ko ang hapdi rito
I sighed for the nth time
Binitawan ko naman yung gitara nang naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ng aking maiksing palda. Naka uniform pa kasi ako, kakagaling ko lang kasi sa eskwelahan kaya ganun.
"Open the window", kumunot ang noo ko ang mabasa ko ang text saakin ni Astrid. I just shrugged and opened the window
Napapokerface na lang ako nang nakita ko siyang nakaupo sa bintana ng kuwarto niya habang nakangisi at nakatingin saakin. Magkapit bahay lang kasi kami. I know right, how unfortunate of me. Kasalanan to ni papa at ng papa niya eh, may childhood pals kasi sila. Curse those cliche things.
"What do you want?", i asked with a cold tone in my voice. Napailing iling naman siya
"Kita tayo sa baba", sabi niya, tumango naman ako at isinarado uli ang bintana, ganun din ang ginawa niya. Pakababa ko ay agad ko namang nakita si Astrid na nakaupo sa bench ng bahay namin. May bench kasi dito sa lawn.
"What?", i asked for the second time as i sat next to him. Napabuntong hininga na lang uli ako nang makita ko ang hawak hawak niyang first aid kit.
"Paano mo nalaman?", nakakunot noo kong tanong sakaniya, sinimulan niya na ring gamutin ang mga pasa at sugat ko
"We've been friends since grade 1 Kerenssa, paano ko hindi malalaman ang lahat ng nangyayari sayo?", nakataas kilay niyang tanong. Napailing iling na lang ako. He's right.
Kasalanan kasi to ng mga papa namin eh. Dapat ba talaga kapag cloae ang mga magulang mo ay close na rin dapat ang mga anak nila? Weird.
"There", sabi niya pakatapos gamutin ang mga sugat ko. I thanked him, im glad that i became friends with him tho, di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala siya. Siguro wala talagang tutulong saakin paggamot ng mga sugat kong to. My mother is too busy teaching me with the guitar while dad is too busy with his beloved work. Maybe he loves his work more than his own daughter.
"Matulog ka na, may pasok pa tayo bukas. Kailangan mo na ring magpahinga, lalo nat marami ka nanamang sugat at pasa. Nangyari nanaman kasi to", sabi niya na may bahid ng galit sakaniyang tono.
"It's okey. I'll be alright", sabi ko at tsaka ngumiti ng napakalawak. Napabuntong hininga naman siya at umiling.
"You're not. Hangga't sa ginaganiyan ka ng mama mo ay hinding hindi ka magiging okey. Magaling ka naman mag gitara ah, marami ka na ring napanaluhan na mga contests dahil yan. Ano pa ba ang kulang duon?", tanong niya. Nakita ko naman ang galit sakaniyang mga mata
"It's okey. Naiintindihan ko naman si Mama. Gusto niya lang naman na mapabuti ang buhay ko eh, lalo ng may sakit siya ngayon. Pinapraktis niya lang na maging independent ako. That's all", pagrarason ko naman. Naramdaman ko naman na pinitik niya ang aking noo
"Damn. Why are you so kind?", tanong niya. Napailing iling na lang ako habang hinihimas ang aking noo gamit ang aking kamay. Natawa naman siya ng kaunti dahil dito.
"Nah. Im the worst person in this cruelsome world", sabi ko. Narinig ko nanaman ang kaniyang buntong hininga. I patted his head
"Goodnight, Astrid", i said.
"Goodnight, Kerenssa", sagot niya naman at niyakap ako. I patted his back. Wala namang malisya kapag niyayakap ko siya ng ganito, we're friends anyways.
"Kita na lang tayo bukas?", sabi niya at tsaka kumalas na sa yakap. I nodded.
"You're being cold again Kerenssa. Kaya nga may gray kang mga mata eh", tukso niya saakin, tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Palagi niya akong tinutukso na cold ako kaya nagiging gray ang mga mata ko namana ko kasi ang mga mata ko sa papa ko kaya ganito, kasama na duon ang apelyido ko.
"Yeah right", sabi ko at nagsimula ng pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko naman na natawa siya dahil dito, he waved goodbye while I waved back. Pagpasok ko ay agad akong bumihis at humiga na sa kama.
Tumingin ako sa taas.
I wish for a peaceful life... I wished as i fell asleep with silence
. . .
"Kerenssa. Bakit di ka kumain ng dinner kagabi?", tanong saakin ni Mama habang kumakain kami ng breakfast
"Nakalimutan ko po kasi, kausap ko po kasi si Astrid kagabi", sagot ko, napatigil naman ako nang pinukpok ni Mama ang lamesa ng napakalakas gamit ang kaniyang kamay na may hawak na kutsara
"Bawal mong kalimutan ang pagkain, kailangan mo palaging kumain ng masusustansiyang pagkain para makapagperform ka ng maigi at kung yang Astrid na yan ay nakakahadlang sa mga pangarap natin, then don't talk to him", I sighed. It's not our dream Mom, it's yours
Why is she always pushing me to my limit? Why am I like this? Why is Mom like this? Why can't I fight back? Why?
YOU ARE READING
Hiling
Teen FictionNapakarami kong hiling sa mundong ito, ngunit ikaw ang hiling na pinakagusto kong makamit.