Kabanata 4

3 0 0
                                    

Napapikit ako ng kaunti habang nararamdaman ko ang hapdi at kirot sa aking dibdib. Napatumba ako at napatingin kay Cleo, gulat na gulat siya sa mga nangyari pati na rin ang papa niya.

Nakita ko rin na umaksyon na ang mga pulis at kinuha ang baril nila. Lumapit na rin saakin sina Cleo at Connie. Inalalayan ako ni Cleo at ipinatong ang aking ulo sakaniyang mga braso.

"Tumawag ka na ng Ambulansiya!", he shouted. Agad namang kinuha ni Connie ang cellphone niya at tumawag sa hospital.

Unti-unti ng nanlabo ang aking paningin, bumibigat na rin ang aking mga pilik mata. I wanna rest. Pagod na akong mabuhay. Pagod na akong gawin ang mga bagay na gusto nilang ipagawa saakin. I want to be free. I want to die.

"H-hey! Hold on, huwag kang bibitaw!", naririnig kong sigaw ni Cleo. I smiled for the nth time. He really is a great guy. He's brave, not like me. Oo, matapang ako pagdating sa mga panganib pero hindi sapat ang tapang ko para mabuhay.

Duwag akong mabuhay. Takot akong harapin ang mga problemang maaaring dumating sa buhay ko. I really am pathetic and a coward.

"Thank you", I said and closed my eyes.

"Kerenssa! Subukan mong mamatay di kita mapapatawad!", sigaw niya, alam niya ba talaga ang pangalan ko?

Napahiga ako ng malalim nang narinig ko na ang tunog ng ambulansiya, pinasok na nila ako sa loob ng behikolo. Sumama naman saakin si Cleo habang si Connie naman ay nagpaiwan para kausapin ang mga pulis.

"Hold on okey?", sabi niya habang tinapik-tapik ang aking kamay. I nodded. Inasikaso na rin naman ako ng mga nurse kaya medyo nakahinga na rin ako ng maluwag.

Di naman kami natagalan sa pagpunta sa hospital, agad nila akong ipinasok sa Emergeny Room.

"What happened to her?", agad agad na tanong ng doctor kay Cleo. Tiningnan naman ni Cleo yung doctor na may pag aalala sakaniyang mga mata.

"Nabaril po siya sa dibdib", sagot niya, nagsimula na rin naman yung doctor na sumuot ng gloves at mask.

"Kailangan na naming isagawa ang operasyon. Hintayin mo na lang siya",sagot ng doctor kay Cleo at tsaka pumasok na at lumapit saakin

"Sorry Sir, hindi ho kayo pwedeng pumasok sa loob. Dito na lang ho kayo", sabi ng isang nurse at isinara na ang pintuan. Tumingin ako sa bintana, nakita ko naman siya na nakatingin saakin na may pag aalala sakaniyang mga mata.

I smiled and mouthed "don't worry". He smiled back and nodded. Napawi na ang mga ngiti ko nang tinakpan na ng nurse ng kurtina ang bintana.

Ang weird. Kasama ko ngayon sa hospital na ito ang taong kakakilala ko pa lamang. May rason ba kung bakit ko siya nakilala? May rason ba kung bakit to nangyari?

Naramdaman ko naman na tinurukan na ako sa isa sa mga lalakeng nurse ng pampatulog, unti unti ng nanlalabo ang aking paningin.

Ano ba and mangyayari pakatapos nito? Mas mapapabuti ba ang buhay ko? Magiging masaya ba ako? Magagawa ko ba ang mga bagay na gusto kong gawin?

I smiled. Maybe not.

Napapikit ako at napahinga ng malalim. Mabubuhay pa ba ako pakatapos nito? May rason pa ba? Bakit? Why do I have to live?

. . .

Dinilat ko ang aking mga mata, nilinot ko rin ang aking paningin sa buong kuwarto. Nasa hospital nga pala ako. Napatingin ako sa lalakeng nakayuko sa kama na hinihigaan ko, di ko makita ang mukha niya pero sigurado akong si Cleo ito. Nagbase kasi ako sa pangangatawan niya.

Napatingin ako sa bintana, umaga na pala. Hindi pa ata alam nina Mama at Astrid ang nangyari, wala pa kasi sila rito. Gusto ko sanang kunin ang bag ko na nasa maliit na lamesa sa may tabi ng aking kama pero ayokong magising si Cleo at bukod diyan, hindi ko naman ata kaya dahil madyo namamnhid pa ang katawan ko.

I sighed.

Tiningnan ko uli yung kisame, nag alala man lang ba saakin si Mama? Maybe yes. Maybe not. Ayoko sanang ipaalam sakaniya, ayoko kasing mag alala pa siya sa kalagayan ko. Gusto ko nakatuon lang siya sa kaniyang ginagawa at sa pagturo saakin, nakatuon lang ang kaniyang pansin sa mga bagay na gusto niyang gawin.

Napatigil naman ako sa pag iisip ng kung ano ano nang umayos na ng upo si Cleo, naghunat hunat naman siya at tsaka tuluyang minulat ang kaniyang mga mata. Nabigla naman siya nang napatingin siya saakin, ngumiti naman ako.

"Good morning", sabi ko, napangiti naman siya pabalik at nag good morning din saakin. Tumayo naman siya at pumunta sa cr, siguro naghilamos na muna siya. This is getting weirder. Definetly weird.

Pagbalik niya ay agad siyang kumuha ng apple, hinugasan niya ito at nagsimula ng balatan at ichop. Binigyan niya naman ako pakatapos.

"Pwede ka naman daw kumain ng mga prutas pero bawal kang kumain ng heavy dishes sabi ng doctor", sabi niya, tumango naman ako at nagsimula ng kumain. Ganun din naman ang kaniyang ginawa.

"Cleo, pwede bang paabot ng bag ko, hindi ko kasi maabot. Kakusapin ko lang sana sina Mama", sabi niya, tumango naman siya at ibinigay na saakin ang aking bag .

"Your surname suits your eyes well", he commented. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Marami talagang nagsasabi niyan saakin", sabi ko at sinimulan ng itext sina Mama.

"By the way, kukunin sana nung doctor yung number ng parents mo pero di ko maibigay kasi di ko naman alam kung ano ang number nila", dagdag niya pang sabi.

"Okey lang yun Cleo, sapat na na sinamaham mo ako rito. Maraming salamat talaga ha?", pagpapasalamat ko sakaniya habang may mga ngiti saaking mga labi. Sinuklian niya naman ang aking mga ngiti at nagbow ng kaunti.

Nilagay ko uli ang aking cellphone sa aking bag at itinabi ito.

"Saang school ka pala naka enroll? ", tanong ko sakaniya, natawa naman siya ng kaunti at tsaka umupo uli sa tabi ng kamang hinihigaan ko.

"Schoolmate mo ako Kerenssa", napatigil ako dahil sa sinabi niya, huminga naman ako ng malalim.

"Ikaw ba yung admirer ni yumi? Yung sinasabi ni Astrid?", pasunod-sunod kong tanong sakaniya. Nakita ko naman na namula ang kaniyang magkabilang pisngi, napakamot na rin siya sakaniyang batok. Napailing-iling na lang ako habang natatawa ng kaunti.

"Ikaw talaga yun eh", sabi ko, lalo naman siyang namula. Hindi ko naman talaga siya masisisi. Maraming lalakeng nagkakagusto kay Yumi, kaya di na rin ako magtataka kung magkagusto rin si Astrid sakaniya.

"Anyway, darating na ba ang mga kapamilya mo? Kailangan ko na rin kasing pumunta sa presinto", mahina niyang sabi pero sapat na ito para marinig ko.

"Papunta na raw sila rito. Pasensya na talaga sa abala ah, dapat di na kita inabala. Kailangan mo pang pumunta sa presinto", I said.

"No. Ikaw ang sumagip sa buhay ko Kerenssa, bakit kita pababayaan?", sabi niya. Ngumiti na lamang ako at tumungo.

Bigla naman kaming napatingin sa pintuan nang may nagbukas nito. Nakita namin si Astrid na hingal na hingal habang pumapatak na ang pawis galing sakaniyang mukha.

Agad niya akong tiningnan, kumunot naman kaagad ang noo niya nang dumapo ang kaniyang tingin kay Cleo. Magsasalita sana uli ako nang napatigil ako dahil biglang sinuntok ni Astrid si Cleo, natumba siya sa sahig dahil dito.

"Astrid! ", I shouted.

HilingWhere stories live. Discover now