~sa bus~
"Magandang hapon po sa inyong lahat. Narito po ako upang mamahagi ng salita ng Diyos ngunit bago po ako magumpisa ay manalangin muna tayo." Sabi ng ale na may hawak na bibliya.Ang dalawang kaibigan ko sa aking tabi ay nagce-cellphone ngunit ako ay nakatitig lamang sa babae.
"Panginoon, gabayan niyo po kami saaming paglalakbay. Nawa'y wala pong mangyari saaming masama. Gabayan po ninyo ang drayber ng bus na ito."
Habang patuloy siya sa pagdarasal, tumaas ang aking mga balahibo at bigla akong nangilabot.
Hindi ko na pinansin dahil baka dulot lang ito ng malakas na hangin na pumapasok mula sa bintana.
"At sana po panginoon, patnubayan ninyo ang mga pasaherong nakasakay sa bus na ito. Nagpapasalamat po kami panginoon. Amen."
Nang imulat na ng ale ang kanyang mga mata, para itong naluluha. Siguro ay masyado niya lang dinamdam ang kanyang pagdarasal.
Naawa ako sa kanya dahil wala man lang may pakialam sakaniya kanina habang siya ay nangangaral.
Hinayaan ko na lang at tumingin sa labas ng bintana.
Habang nagmumuni-muni ako may isang imahe akong nakita sa sa gilid ng kalsada. Nakakakilabot ang itsura niya! Isang matandang babae na marungis ang itsura. May nakakatakot na ngisi at nakaturo sa kabilang kalsada habang nakatingin ito nang diretso sa aking mga mata.
Napabalikwas ako at tumingin sa mga kaibigan ko upang sana sabihin ang aking nakita ngunit natutulog na silang dalawa. Kinuha ko na lang ang aking libro upang libangin ang aking sarili.
Lumipas ang ilang minuto, hindi pa rin maalis sa isip ko ang imahe ng matandang iyon kaya itinulog ko na lang muna.
~~~~~
Nagising ako sa kalabit ni Johannes, ang kaibigan ko.
"Albert bayad mo daw"
Nagabot ako ng bente pesos sa konduktor ng bus.
"Kuya sa Consuelo po ka--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagpagewang gewang ang bus na sinasakyan namin.
Malakas na din ang sigawan ng mga tao dito. Pati mga kaibigan ko ay napapakapit na sa kanilang mga upuan. Napapikit ako at nagdasal sa isip ko.
Ngunit pagkadilat ko ay nakita ko ang matandang nakita ko sa gilid ng kalsada. Malademonyo siyang ngumisi saakin nang biglang *boooogsh* bumangga ang sinasakyan naming bus at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
~~~~
Nagising ako at nagpalibot libot ng tingin. Napabalikwas ako ng maalalang nabunggo pala kami. Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan sa aking tabi ngunit wala silang malay.
"Isaac! Isaac! Johannes! Gising!" Paggigising ko sakanila. "Gisi---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang nagising ako sa pag-aalog saakin ni Isaac. "Oh Albert, bat namumutla ka? Ayos ka lang ba? Kanina pa kita ginigising dahil umuungot ka habang natutulog." Hindi ko siya pinansin dahil nabaling ang atensyon ko sa babaeng tumayo sa gitna ng bus na may hawak na b-bibliya.
"Magandang hapon po sainyong lahat. Narito po ako upang mamahagi ng salita ng Diyos ngunit bago po ako magumpisa ay manalangin muna tayo."
Pagkalingon ko sa dalawa kong kaibigan ay hawak nila ang kanilang mga cellphone.
T-teka, parang ito yung panaginip ko kanina ah?
Pero hinayaan ko nalang dahil baka 'nagshut down' lang ang kaliwang bahagi ng utak ko nang pitong segundo kaya may mga pangyayaring hindi ko inaasahang mag'faflash' sa utak ko.
BINABASA MO ANG
In Ictu Mortis
DiversosSa paglalakbay ng tatlong magkakaibigan, isang hindi inaasang trahedya ang magaganap. Basahin mo na lang dahil tinatamad akong gumawa ng description. Hehe peace!