Pumanhik na kami sa kwarto ng kaibigan kong si Eva. Dito na kami nag luluto at kumakain. Bawal kasi kaming makita sa lobby at hotel area kapag naka out na."Uy! Siguro may party nanaman diyan sa mansyon. Ang dami nanamang sasakyan na pumapasok sa gate eh."
"Hay nako Eva, di ka pa nasanay. Isang buwan palang ako dito pero sanay na ako na halos tatlong beses sa isang linggo nag papa party yang nga taga riyan" sagot ko na totoo naman. Sa sobrang yaman ata nila eh wala na sila magawa sa pera nila at mag paparty nalang.
----
Nagising ako ng alas kwarto ng umaga. Bago ako mag ayos para mag duty ng ala syete ay pumupunta ako lagi sa tabing dagat para makapag isip. Nakaupo ako sa buhangin at nakatanaw lang sa kalmadong tubig dagat. Paano kaya kung hindi namatay ang mga magulang ko. Paano kaya kung hindi bumagsak ang kompanya. Ilan yan sa nga iniisip ko. Tumayo ako at nag lakad papuntang tubig hanggang umabot ito sa tuhod ko.
Nagulat ako ng may nag salita.
"Magpapa kamatay ka ba?"
Galing sa isang tinig ng lalaki. Ang sarap pakinggan sa tenga ng boses niya.Pasimple ko muna siyang sinulyapan. Napaka gwapo! At maskulado ang katawan.
"Hindi naman. Nakakaakit lang yung tubig kaya sinubukan ko" sagot ko .
"Ah. Kasi kung magpapakamatay ka mamaya na sana. Masyado pang mababaw yung tubig. Hintayin mo ang high tide"
Aba't! Binabawi ko nang pinuri ko siya! Ha! Talaga naman.
"Wow naman kuya. Thanks for the advise ha?" Singhal ko saknya at dali dali na umalis at pumasok sa kwarto.
----
"Good morning madame, welcome to sorrento" binati ko ang dumating na guest at nag bow.
Madalas kapag wala pa ang aming manager ay ako muna ang pinapa upo niya sa front desk. Kulang pa kami sa manpower dahil mag lilimang buwan pAlang simula ng mag operate ang hotel. May tiwala naman sa akin ang manager at sabi pa nya ay magaling daw ako makitungo sa mga guests at medyo fluent din ako mag ingles. Lagi kasi kaming my mga foreigner na guests.
"Eva, check ko muna yung poolside kung malinis ha. Baka kasi mag swimming yung mga guests mamaya. Babalik din ako."
"Sige be. Andyan na rin naman si maam angel".
Nag mop ako sa poolside at nag kolekta ng mga basura sa trash bins. Nakita ko ang iilang guest na nag sa-sun bathing sa gilid ng dagat. Tinawag ako ng isa sa kanila.
"Hey. Could you help me apply this sunscreen please. At my back." Guest
"Sure maam"
"Thank you. I would also like to order a pineapple juice and a clubhouse sandwich. Serve it here and charge it to the room. Room 301."
"Noted maam. Thank you". Paalis na ako ng may lumapit sa amin
"Micah, you're here! It's been awhile since i last saw you back in Canada"
"Hahaha. The famous Heron Villones is here! So, how was the engagement? Like your fiancee?"
Nakatunganga lang ako sa kanila. Ang lalaking lumapit ay ang lalaki kaninang umaga na nag suggest kung kelan ba ako dapat mag suicide.
"Uh excuse me? Maybe you want to inform your chef of my order? Or not?" Naputol ako sa pag titig sa lalaki sa aking gilid. Na aligaga at nag madali akong maglakad.
"Wait! Do you serve hard drinks?"
Lumingon ako ngunit hindi makatingin sa lalaking kausap
"Y-yes sir. Meron po"
Nakita ko syang lumapit na kinabigla ko. Yumuko ito. ang labi niya dumikit sa tenga ko.
"Good. One hennessy on the rocks please."
Umiwas ako at tumakbo na pabalik. Muntikan pa akong madapa! Diba dapat ay sininghalan ko siya! Bakit ganun ang reaksyon ko!
Inorder ko na ang request nila at sinabihan ang isang waiter na siya na ang mag serve dahil busy pa ako.
Aakyat na sana ako ng
"Bakit hindi ikaw ang nag serve"
I turned around and my eyes were captured by his dark and dangerous eyes. Hindi ako makapag salita. Why?!
He smirked. "Just get me another glass, please, NOW". He emphasized the last word. I didn't utter any word instead mabilis akong pumunta ng bar counter upang kumuha ng order niya.
I served him his drinks and his face are turning slight red. I can see na medyo lasing na siya. He is saying something i couldnt understand. More like murmuring to himself.
Lumabas siya papuntang beach area, lihim ko lang siyang sinusundan. Pa ekis ekis na ang lakad niya at muntikan nang matumba buti nalang ay nakakapit sa puno ng niyog.
Nasa dulo na siya ng land area namin at papunta sa likod ng mansion. Kung guest namin iyon, hindi siya pwede doon! Trespassing yon! Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nakita ko syang umakyat sa hagdang bato."Sir! Bawal ho kayo riyan! Andoon po yung kwarto ninyo sa hotel"
Sigaw ko pero tila hindi niya narinig. Lumapit na ako sa kinaroroonan niya at hinarap siya....

BINABASA MO ANG
Once Upon A Sunset
Romancea girl working as a housekeeping personnel in a hotel met an arrogant but hot man living in a mansion beside her working place.