1

4 0 0
                                    

Masaya at payak lang ang aking buhay. Hindi man ako nakatapos ng pag-aaral dahil sa pagkamatay ng aking mga magulang noong katorse anyos pa lamang, ako'y nagsikap pa rin at naghanap ng trabaho.

Mula Iloilo napadpad ako sa Ilocos Sur kung saan nag ttrabaho ang aking kababata at niyaya akong doon na din mag trabaho. Stay in kami at mistulang guard na rin ng hotel.

"Nadie! Nakatulala ka nanaman dyan! Tapusin mo na nga yang pagwawalis at may isa ka pang kwarto na lilinisan"

  Natigil ako sa aking pag iisip. Oo nga pala madami pa akong lilinisin na kwarto.

" opo maam angel. Pasensya na po" sagot ko.

Ako nga pala si Iluminada Reyes Lora. Mas kilala sa tawag na "nadie" at 18 years old. Ang mga magulang ko ay namatay dahil sa pagkasunog ng bahay namin at ako lang ang nasalba. May kaya naman kami dati subalit mula ng trahedya na iyon nawalan kami ng pinagkakakitaan dahil bumagsak na ang kompanya at napabayaan. Ang tiyahin ko ang sumalo ng kompanya at sa narinig ko kinuha lamang nito ang pera at pinabayaan na.

Kinopkop ako ng aking tiyahin ngunit pinalayas din dahil pabigat na raw ako.

Bumalik na ako sa aking pag wawalis. Noong natapos ay bumaba na ako sa lobby.

"Maam natapos ko na po yung pinapalinis ninyo. Mayroon pa po ba kayong iuutos?" Tanong ko

"Yung rooftop nalang! Paki check kung malinis tapos paki on ng ilaw. Tapos pwede ka na mag out. Doon ka na kumain sa kwarto mo ha!" Sabi ni maam angel na manager ng hotel.

Dali-dali akong pumunta ng rooftop at sinunod ang utos ni maam. Papalubog na ang araw. Napakaganda nito. Dahil seaside location lang ang hotel ay kitang kita mo ang pag lubog. Tinitigan ko lamang ang araw hanggang sa mapalitan na ito ng dilim. Nakapangalumbaba lang ako sa terasa. Bababa na sana ako ng may narinig akong nagkakasayahan sa baba. Tiningnan ko ito. Nanggaling pala iyon sa katabing mansyon ng hotel. Ang Casa Villones.

Once Upon A SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon