BARKADA

54 1 0
                                    

Dahil sa barkada
Natuto akong gumala kahit walang pera,
Sila ang rason
Kung bakit wala akong ipon,
Dahil sa kanila
Araw-araw may sermon sa akin  si mama.

Peru kahit na napapagalitan at napapahamak ako kung minsan,
Mahal ko ang barkada ko,
Handa ko silang ipaglaban hanggang kamatayan,
Sapagkat sila ang dahilan
Kung bakit ako natutong tumayo sa sarili ko,
Ipaglaban ang sarili ko,
At ipagtanggol ang mahal ko.

Sakanila ko nakita
Ang totoong kasiyahan,
Sa tuwing ako'y may problema
At takot akong ibahagi sa aking pamilya,
Ay sila ang aking sumbungan,
Handa silang makinig kahit walang kwenta ang kwento ko.

Handa akong isugal ang buhay ko
Para sa mahal ko
Kasama na diyan ang barkada ko,
Handa ko silang ipagtanggol
At ipaglaban kahit na magkamatayan.

KAYA SUBUKAN MONG SAKTAN ANG ISA SA BARKADA KO,
MAKAKAKITA KA TALAGA NG SAMPUNG DEMONYO.

*****************************************
Gusto ko po tung ialay sa barkada ko ang LIB SQUAD (Ladies In Black) mahal ko kayo kahit na minsan ang wawaley ng jokes niyo at kahit hindi nakakatawa ay susubukan kong tumawa para lamang kayoy sumaya.

Love lots♡♡♡♡♡

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon