Chapter 2: She Arrived

37 2 2
                                    

Sky P.O.V.

Magsisimula na ako sa opening ng meeting ng biglang bumukas yung pinto. Nung makita ko kung sino yung nagbukas, parang biglang may kumurot sa puso ko. At kaya niya pa palang harapin ako.

"Sandy.. You're late, i thought di ka na pupunta ngayon." Sabi ko sakanya and give her a smile, a cold one.

Huminga siya ng malalim at nagsalita "sorry, this will be the last time that i'll be late. na-stuck kasi ak- "

"It's okay, you don't have to explain" putol ko sa pagsasalita niya habang nakatingin ako sa screen ng laptop ko.

Nakakainis, puro nalang siya paliwanag. Kilala ako sa pagiging kalmado pero nawawala yun dahil sakanya. sakanilang dalawa. Bakit naapektuhan pa rin ako? 5 months na ang nakalipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Minsan lang ako magmahal, pero niloko pa ako. Kaya nga ba ayokong maniwala sa Love.

Ayoko na, tama na yung isang beses akong nasaktan. Hindi talaga makuntento sa isa ang mga babae. Lalo na yung mga maganda na yan, sila yung malakas ang loob manloko, Eh sa may ipagmamalaki daw eh. May babae pa bang katulad ng Mama ko? Hay! Ano bang iniisip ko! Napahawak ako sa noo ko at minasahe ito.

Napansin kong naiiling siya. Umupo na siya sa pwesto niya at nilagay ang mga gamit sa table. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang bumabalik yung nakaraan pag nakikita ko siya. Ayoko na siya makita pa, kailangang tapusin ko na yung meeting na to at saka ako muling nagsalita.

"So, Goodmorning Officers, let's start." Sabi ko at sabay ngumiti. Ngiting sky. Ipapakita ko sayo na balewala ka na sakin Sandy.

Sandy P.O.V.

"So, Goodmorning Officers, let's start." Panimula ni sky. At naka smile pa siya ha, yung usual smile na parang walang problema, parang wala ako sa paligid.

Wala na ba talaga ako sakanya? Nalungkot ako sa naisip ko. Pero hindi ako susuko, mapapasakin ka ulit sky. Gagawin ko ang lahat.

Nagsalita si Franz para i-open yung concern niya, "Sky, kailangan na natin mag isip ng event para sa opening ng school year." nakikinig ng mabuti si sky at nakafocus siya don "bukod sa nadagdagan ang student natin dito Herran, darating din ang Exchange student natin, yung sinasabi kanina ni Tina. At bukas na yun." Patuloy niya.

"Bukas na agad?!" Gulat na sigaw ni sky. "Oo eh, ayaw mag aksaya ng oras ng darating dito. Siya nga pala si Elsie Luciano." sagot ni tina kay sky at inabot ang Folder na naglalaman ng profile ng exchange student na yun.

Elsie Luciano? Siya yung sikat na Stage actress sa London ha! Isa pa lang ang ginanapan niya pero sumikat na siya agad. At First year college pa lang siya nung gumanap siya bilang lead Role ng "the Goddess Breathe". So bukas na pala darating ang bisita namin, madadagdagan na ang trabaho ko.

Bigla akong nakaramdam ng excitement na makilala siya kasi kilala siya sa london dahil sa kagalingan niya sa pagiging theater actress at dahil na rin daw sa maganda siya, kaya napiling Goddess, ang lead role ng play na yun. Yan yung nabasa ko sa profile niya.

"Tina iparequest mo na yung shuttle para bukas okay?, franz at jester mag survey na kayo para sa gagawing event. Para na rin di tayo mahirapan masyado." Organisadong pagbibigay ng instruction ni sky.

"And Sandy.." Napabalikwas ako ng tawagin niya ang pangalan ko. "H-Ha? A-Ano yun?" Nauutal na sabi ko. Gosh! Kakausapin na niya ako!

"Ikaw ang sasalubong bukas kay Elsie sa Entrance.. nasayo ang first impression para sa school." authoritative na utos niya sakin. Pero nakangiti. Natanong ko ulit sa sarili ko, wala na ba talaga?

Fall in Love with a GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon