Kina-umagahan na nung natapos kaming mag-inuman at sa kalagitnaan nun ay nakatulog kami. lumipas ang dalawang oras at nagising na ako,nice one di nanggising si Red para magutos haha. Tumayo ako at naglakad pauwi. Hinde ko nalang pinansin si Kaine na natutulog. Habang naglalakad papunta sa kwarto ko ay mayroon akong naririnig na umiiyak
"Mama..."pagungol nito.Nilapitan ko siya at isang batang babae ang namatay at wala siyang alam sa mga nangyayari dito sa Hellverse
"Hello?"tanong ko sa kanya na para bang wala akong alam sa gagawin niya. Ihinarap ko yung mukha niya sa harap ko at laking gulat ko nung biglaang talon niya sa akin. Dahan-dahang lumabas ang 4 na buntot nya sa likod at biglang lumaki ang kanyang bunganga. Pinilit kong tumayo pero di ako makatayo dahil sa lakas ng pagkahawak niya sa akin. Bakit parang mas malakas pa itong batang babae kaysa sa akin. Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas para humingi ng tulong. Nagising si Kaine sa ingay ng pagsigaw ko at bigla naman siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko at bigla niyang napansin ang babaeng naka hawak sa akin kaya naman bigla niya itong sinipa ng malakas sa ulo
"Oy gago ka ba't mo sinipa sa ulo yung babae. Kalalaki mong tao naninipa ka ng babae"panunumbat ko sa kanya
"Wag ka mag-alala witch lang yan"matipid na sagot ni Kaine
"Witch?ano to left 4 dead?!"tanong ko na may halong pagka-shock
"siguro oo siguro hinde"ani Kaine
"hay nakoooo pano nalang"sabi ko. Tumakbo siya papunta sa kusina ko at kumuha siya ng kutsilyo. Bumalik siya papunta sa kinaroroonan ng babae at sinaksak ito sa ulo. Maya-maya pa'y sinunog namin ang bangkay ng babae at itinapon ang abo ng babae
"Kaine,ano sa tingin mo ang ikinamatay ng babae?"tanong ko sa kanya
"hmm siguro sa tingin ko may niloko siyang tao o kaya pinaasa niya"sagot niya sa tanong ko na may halong pagka-explanation
"ouch,sakit nun bes'"matipid kong sagot
"Tama,pero nagtataka ako bakit blue ang mga mata niya"ani Kaine
"what do you mean?"matipid na tanong ko sa kanya
"Lahat ng witch ay pula ang mata,pero s'ya lang ang hindi,blue eyes siya"sagot niya sa tanong ko. Nakakapagtaka nga naman kase bagohan palang ako dito sa Hellverse at may mangyayari na agad na extra-ordinary
"baka naman nagsuicide siya dahil niloko siya?"tanong ko sa kanya
"ha?hinde no bawal yun"sagot niya sakin
"pa'no mo naman nasabi?"maikli kong tanong sa kanya
"It's Because i do not know"sagot niya sa tanong ko,biglang tawa ko ng malakas
"Mag-e-english ka nalang mali pa grammar,ano yuuuun"pang-aasar ko sa kanya
"gago!"maikling mura niya sakin. Maya-maya pa'y narinig ko nananaman ang nakakairitang tawag sakin ni Red,teka ba't nga ba Red tawag ko sa kanya ano?,magjowa kami?!!!.
"Adriel!!!"tawag niya sa akin
"Ano nananaman?!Puta!"inis kong sagot sa tawag niya sakin
"Ipagluto mo ko ng pagkain kahit adobong baboy nalang!"utos niya sakin na ikinagalit ko naman
"Putangina!"minura ko siya sa harap niya at nagsimula na pumunta sa kusina. Nang makarating ako sa kusina ay sinimulan ko na magluto. na-amoy ni Kaine ang niluluto ko kaya pinuntahan niya ako sa kusina.
"to'l para ang sarap niyan ah!"sabi niya sa pagluluto ko
"ulol galing mo mangbola alam mo ba yun?"sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Good Demon
ActionSabi ng mga tao masama daw ang maging demonyo o sumama sa demonyo hanggang may isang demonyo ang nagbago sa mga salita na iyon at nagawang iligtas ang mundo sa kasamaan kasama ang kanyang girlfriend at aso