"Ipapaassist ko na lang po kayo." the cashier said."Okay. Thank you." i answered. I grabbed my iced coffe and turned around to wal---
"ARAY!" i heard a shout.
I bumped into something or should i say someone?
Malamang someone. Sumigaw nga eh. Nako self napakabaliw mo talaga. Minsan talaga ang sarap din batukan ng sarili ko eh? Bobo lang teh?
I look up to see who i bumped in. Shet. No. Erase. It's PAKSHET. GHAAAADDDD! Ang gwapo niyaaaa! Para siyang si James Reid pero yung katawan pang Alden Richards! Full package sa looks hayop!
"Miss, sorry. Sorry talaga! Nasaktan kaba? May natapunan ba sa'yo?" he said in a worried tone.
Diba ako yung nakabangga? Ba't siya yung nagsosorry? Hoyyy ang bait!
"Uhm... wala naman. Sorry ako nga yung nakabangga sa'yo eh. Pasensiya na. Hindi kasi ako tumitingin eh." i answered him.
"Are you sure, Miss? Pulang pula kasi mukha mo eh." he said.
Ano daw?! Mukha ko?! Namumula?! Hala hindi ako kinikilig promise! Peksman! Mamatay pa kapitbahay ng pinsan nung isa ko pang kapit bahay!
"Huh? Ako namumula? Hindi ahh. Ano lang... ano kasi... mainit. Oo! Mainit kasi! Mahina ata aircon dito. Ramdam mo?" indenial amputa. HAHAHA
"Oo nga, Miss. Kaya nga ako nilalamig ngayon sa iced coffee mo na natapon sa damit ko eh." he chuckled.
Ay oo nga shet! Kalahati ng cup ng coffee natapon sa kaniya. Katangahan talaga, Celestine! Buti nalang at iced coffee ang inorder ko. Jusko eh kung mainit pala ang inorder ko, baka naging dragon na itong nasa harapan ko ngayon. Sa lahat ba naman kasi ng matatapunan, yung gwapo pa! Di ako marupok ah? Baka isipin niyo ganon ako. Pwes, hindi.
"Sorry ulit. Hindi ko sinasadya na tapunan yung maskels mo. Este, yung katawan mo." i apologized.
"No. Okay lang. Hindi naman ako nasaktan. Can you excuse me? I'll just go to the bathroom to change this wet shirt." he said habang tinuturo yung damit niya.
Bakit ang gwapo niya? Yung mga mata niya parang mga bituin na kumikinang sa gitna ng madaming tao. Yung mga pisnging ansarap kurutin kasi parang medyo malambot. Yung ilong niya na matangos, pamatay. Yung labi niya, ansarap halikan ngayon na. As in now na! Plus pag nakangiti siya, naghehello sa akin yung napakalalim na dimples niya. Ansarap--- HOY KRISTA CELESTINE MENDOZA RIVERA, TUMIGIL KA SA PAG DDAY DREAM MO! DIBA HINDI KA MARUPOK? OO TAMA HINDI KA MARUPOS, SELF. KALMAHAN MO. Pero kingina ang gwapo niya talagaaaaa!!! Sige na marupok na ako. Dati pa. HAHAHA.
"Uhm... Sir, Ma'am. Excuse lang din po. Medyo humahaba na po kasi yung pila. Pwede po bang urong lang po kayo para din po mapunasan na yung sahig na natapunan?" a guy asked us. Sumingit siya sa titigan namen! Kairita!
"Ay, sige Kuya! Pasensiya na." he moved in to get out of the lane in the counter and i did the same.
"Ma'am saan po yung table niyo? Para malagay na po natin yung orders niyo po." another guy asked me.
I notice Gwen's 2pcs spicy chicken is already in the tray that Kuyang Waiter's holding. So it means... the 6mins of waiting for the meal is now done? Ganon kami katagal nag-usap at nagkatitigan?! Dapak.
"Ah Kuya! Tapos na yung 6mins na paghihintay ko dapat sa meal?" i asked Kuyang Waiter.
"Actually mga lagpas na po sa 6mins. Tagal niyo pong mag-usap ni Sir eh." he answered and he put a look on us. Of course, with that "Sir" na gwapo.
Sheett ang tagal palang huminto ng mundo para lang sa kanya. Huhuhuhu.
"Miss. Alis na ako ha?" the gwapong "Sir" asked me once again.
"Sige. Pasensiya na talaga natapunan pa kita ha? Baka wala kang pamalit eto... wait lang." I started to open my hand bag to get some money so he can buy a new shirt to wear but he stopped me.
"No, Miss. Kakashopping ko lang din so i already have a shirt to put on. Thank you nalang." he said from stopping.
"Sure ka? Sorry ulit."
"Okay lang. Una na ako."
"Sige. Salamat!" i said when he starts to walk away from me.
"Uhm Ma'am? Saan po ulit yung table niyo?" napatingin naman ako sa kanya.
"Ay oo nga pala! Sorry nakalimutan ko nandiyan ka pala. Halika." i said as we go to Gwen.
"Dito po Kuya. Salamat po ulit." i said when he placed our foods in the table.
"Welcome po, Ma'am." kuyang waiter said. And after saying that he turn his back to walk and get back to his work.
"Hoy Celeste!" Gwen said.
"Oh?"
"Ikaw na babae ka. Sabihin mo nga sa'kin... may something ba sa inyo nung waiter na yon?!" she asked me like she is my mother.
"ANO?!"
"Anong ano?! Eh kung magpasalamat wagas eh. Atsaka bakit nga pala ang tagal mo ha? 20mins na nakakalipas oh? Wala namang masyadong tao, eh bakit parang nakapila tayo sa kakabukas lang na tindahan ng pandesal? Huh, aber?"
"Alam mo gutom lang yan Gwen. Kumain ka na."
"At bakit bawas na agad yung kape mo?!"
//////
A/N: Mukhang may ikukwento si Celeste. HAHAHA. By the way. Si Krista Celestine, nickname niya is Celeste. Kaya huwag kayong maguluhan kasi iisang tao lang sila. hehehe. Yun lang. Abangan bukas ang chapter two! Salamat sa pagbasa♡
YOU ARE READING
Sweet Serendipity
Romance-/ Serendipity noun is the occurrence and development of events by chance in a happy or beneficial way. In general, serendipity is the act of finding something valuable or delightful when you are not looking for it. /- -google♡ Celeste's POV "Pl...