PAGLISAN MO
Simula ng Lisanin mo ako
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Hinahanap ang sagot kung bakit iniwan mo ako
Hindi mawari ang nararamdaman sa iyong paglisan
Nalulungkot ako sa magiging kahihinatnan
Paano ako makakapagsimula ulit?
Kung ang pag-ibig na'to ay hindi na mauulit
Nadarama ko ngayon ang aking pagngangalit
Hindi maitanggi na ika'y Mahal ko parin
Sa paglipas ng panahon ang pag-ibig ko'y sa'yo parin
Hindi ako titigil na hanapin ang sagot sa iyong paglisan
Alam ko sa aking sarili na ako'y Mahal mo parin
Kahit na ako'y masaktan pa ang pag-iibigan natin ay aking ipaglalaban
Hanggang sa muli aking Mahal ika'y hindi makakalimutan sa puso man o sa aking isipan.-SIN