Chapter 1 - Burrow

2 0 0
                                    

Hindi madaling maging adult. Akala ko noon, mga isang taon na din na kapag gustung-gusto mo ang isang bagay, parang iyong passion project mo ba, kahit ano mang isubok sa iyo ng tadhana, hindi mo siya bibitawan.

Pero ngayon, medyo nagdududa ako sa desisyon ko.

Last year marami akong iniwan - the comfort of having this corporate stable job, mga judgmental na relatives - tsaka iniwan din pala ako, kaya masasabi kong madaming nagbago sa buhay ko sa isang taon na ito. Ngayon, umiikot ang buhay ko sa music production at gigs kapag gabi para naman masuportahan ko ang aking sarili tsaka makatulong man lang kahit kaunti sa bahay. Aaminin ko hindi madali, hindi madaling kumita ng pera, at least humihinga pa.

Masaya ba? Siguro kung tatanungin mo ako kahapon sasabihin ko oo, ngayon medyo magulo kasi ito nanaman iyong mga panahon na nag iisip ako ng kung anu-ano.

Kapag ganitong mga panahon, sa Burrow ako pumupunta. Hindi siya sikat, mapupuntahan mo siya, unless naririnig mo siya sa mga kaibigan mong nagdadrama pagkatapos ng shift o sa mga mahilig sa acoustic nights or spoken poetry. Tago siyang cafe sa likod ng isang malaking mall. Sobrang bagay siya sa mga senti moments, kaya siguro dito ako dinadala ng mga paa ko kapag wala akong masabihan ng mga iniisip ko kasi baka hindi nila maintindihan.

Ang interesting din sa Burrow, although wala pang masyadong nakakadiscover nito ay iyong mini shelf nila na may maliliit na notebooks na unruled at walang sulat. Oo, mahilig ako sa unruled na notebook kasi pwede mong isulat iyong mga iniisip mo sa kahit anong paraan na gusto mo.

Linggo-linggo na ata akong napunta dito nitong nakaraang buwan kaya pamilyar na iyong mukha ko sa kanila. Kinuha ko na iyong maroon na notebook na lagi kong sinusulatan.

"Good evening Lia, iyong usual mo pa din ba?", bati sa akin ng waiter.

"Oo, thank you, pero water na lang, may set ako bukas e"

"Sige, mga 15 to 20 minutes ulit a. Sulat ka nalang ulit dyan."

"Okay", ngiti ko sa kanya

"Ay, may nagsulat nga din pala dyan." Sabi niya matapos makita ang notebook na kinuha ko.

"Talaga? Buti may nakapansin na nito.", nagulat kong sagot.

"Lalaki siyang nagdradrama din parang ikaw. May magnet ata iyang upuan na niyan sa mga senti. Sige balik na lang ako with your order.", ngumiti siya at umalis na papunta sa kanilang kitchen.

Binuksan ko iyong notebook kung saan may mark ng sinulat ko nung nakaraang linggo.

"How can you know if you are really happy? If you made a right decision? Will you ever know if you are right or wrong? How sad life is when you are clueless of your own."

Iyan iyong sinulat ko noong nakaraan. Paglipat ko sa susunod na pahina ang inaasahan kong blanko ay may sagot.

"I am in writer's block so I do not this does make sense. But first of all, I do not really know. I do not know if I am really happy as well. I guess for me, I know when I am happy when I can write. Happiness does not mean I can only write happy stuff, but I can also write heart wrenching verses - I guess it is the inspiration flowing in your veins. When you can feel that, then it means you have that genuine happiness, then the purpose will just come in your way.

P.S. I am sad too. Thank you for somehow becoming my writing prompt"

Napangiti ako, hindi ko alam dahil ba ginawa niyang writing prompt iyong problema ko, pero maganda iyong naproduce niyang sulat at parang naliwanagan ako kahit konti. Kinuha ko ang ballpen ko at sumulat muli.

"I didn't know that my problem can be a writing prompt but at least I helped.", patuloy akong nagscribble ng mga notes ko sa kanya ng dumating na ang waiter.

"Chicken and waffles, here's your water for drinks. Enjoy", ngumiti siya at umalis ulit sa pwesto ko.

Habang sinasarado ko ang notebook, naisip ko na iba ito sa lahat ng mga gabi na nagpapahirap sa akin. Pero sana sumagot siya ulit.

Artists' BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon