(Video: Maybe by Yiruma)
(It's better na basahin po yung poetry na may music po. Para mas lalong dama. Charing!)
BES.
Tatlong letra,
isang salita.
Pero sa tuwing naririnig ko,
para bang nagkakarera 'tong puso ko.
BES,
Ikaw yung tipo nang tao,
na lagi akong pinapasaya
Kahit na napakabigat na rin,
nang dala- dala mong problema.
BES,
Ikaw rin yung taong,
ayaw kong iwanan.
Pero umabot na rin ako sa puntong,
gusto nalang kitang kalimutan.Hindi dahil sa ayaw ko na,
sa pagkakaibigan na to!
Pero minsan ay naguguluhan na ako!GULONG- GULO!
Gulong- gulo sa ano ba ang dapat na maramdaman ko sayo!
BES,
Sa tuwing sinasabi ko,
ang pangalan na 'ito.
Ay halos pumalakpak na rin ang tenga ko,
dahil ang sarap niyang PAKINGGAN.
Pero bakit?!
Bakit napakahirap niyang PANINDIGAN?
Oo BES!!
Aaminin ko na!
Inaamin ko na!
Inaamin ko na sa SARILI KO,
na mahal na talaga kita!
BES,
Alam mo ba?
Alam mo ba na sa tana ng buhay ko,
Ngayon lang ako,
Nakaramdam ng ganito!Yung tipong,
iba dapat ang tingin ko sayo!
Na hanggang pamilya lang tayo!
Pero sa tuwing nakikita kita,
nagkakandaleche- leche tong puso ko!Na sa tuwing nakakausap kita,
ay para bang gusto kong ilapat ang LABI KO,
sa LABI MO.Na sa tuwing magkalapit tayo,
ay para bang gusto kong hawakan ang mga kamay mo?
At huwag nang umalis,DYAN!!
Dyan sa tabi mo!
BES,
Alam mo rin ba?
Na sa tana ng buhay ko,
ay ngayon din lang ako nasaktan ng ganito.
Napaka sakit kasing isipin,
na sa rami- rami ng taong mamahalin ko!
Ay ikaw pa ang nagpatibok,
nitong puso ko!
BES,
Bakit ba kasi sa rinami- rami ng taong mahuhulog sayo?!
Ay ako pa?!
At bakit sa rinami- rami ng mamahalin ko?!
Ay ikaw pa?!
Bakit kasi nung nadapa at nahulog ako,
ay hindi mo man lang ako sinalo?
Nasubsob na nga ang mukha ko!
Nadamay pa pati yung puso ko!Pero wala naman akong karapatang magreklamo!
Dahil sa bagay na hindi ko magawang aminin sayo.
Sino pa ba ang sisihin ko?
Kung hindi ang sarili ko!Natakot lang kasi ako,
sa ideya na sabihin sayo.
Na ikaw ang hanap- hanap nang puso ko.
Natakot lang kasi ako,
na baka masayang lang ang pagkakaibigan na meron tayo.
Kung sasabihin ko sayo,
kung ano ka talaga sa buhay ko.Na baka pag- inamin ko?
Ay lumayo ka sa akin,
at hindi ka na bumalik.Kaya kikimkimin ko na lang.
Itatago ito sa isang sulok,
At baka sakaling makalimutan ko na lang.
Ang pag- ibig ko sayo.Na ngayon ay magigi ko nalang,
Isang malaking sekreto.
Pero...
BES,
Hanggang dito na nga lang ba tayo?
Hanggang tingin na nga lang ba ako sayo?
o
PAGKAKAIBIGAN na nga lang ba,
ang meron tayo?
BES.
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
PoetryNasaktan ka na ba? Nagmahal ka na ba? Umasa at umaasa ka pa ba? O hindi kaya, May hugot ka? Kaya lang... Hindi mo magawang SABIHIN. Kahit napakarami pa ng gusto mong AMININ. Pero laging tikom ang iyong BIBIG. Lalo na pagdating sa PAG- IBIG. Kung nak...