Pangalawang Yugto

41 7 3
                                    

LINDSAY'S POV

Napunta kami sa panibagong yugto ng laro. Nakita ko sila March, Porshia, Cupid, Cooper, Natasha, Tamarra, Tornado sa di kalayuan. Kaagad ko silang nilapitan.

Umiiyak si March at hindi nila ito mapatahan.

"Ano to?! Anong nangyayare?!" Umiiyak niyang sambit.

"Teka. Nasaan si Grey?" Nagugulumihanan kong sabi.

"Nandoon siya. Pinapatahan niya ang iba niyang kaklase" aniya ni Porshia.

"Guys ganito. Kahit anong mangyare walang magpapahuli. Kailangan sama sama tayong makalabas dito sa impyernong to okay?!" Pagpapatatag ko ng loob nila.

Maya maya pa biglang nagkaroon ng matinis na tunog na nasa speaker. Lahat ay nagtakipan ng mga tenga dahil sa tunog na ito.

Maya maya pa nawala na ang tunog at may nagsalita sa speaker.

"Hi ulit sainyo survivors. So 23 na lang kayong natira. Sino kayang magwawagi at sino ang mawawala sa pangalawang yugto ng ating laro. Handa na ba kayo?" Tumigil siya sandali. "Okay. Ang mechanics ng game ay, kailangan niyong mashoot yang time bomb na yan sa ring na makikita niyo diyan. Pero! Syempre with a twist, kailangan may panggulo kaya nandito si Mailwei para guluhin kayo. May 5 mins kayo para gumawa ng diskarte. Kung hindi niyo mas-shoot yan within 5 mins, sasabog ang buong court at lahat kayo ay mamamatay. Goodluck players." aniya at nawala na ang tunog.

Konting sandali pa may biglang lumitaw na higanteng pusa sa aming harapan.

Sinusubukan na nilang ishoot ang time bomb ang kaso sinasanggi lang ito ng pusa gamit ang mala higanteng kuko niya.

Nagtipon kami at sinabi sa kanila ang istratehiya na aming gagawin.

"Ganito guys. May mga player naman siguro sainyo diba. So kaming girls lilibangin namin yung pusa, and kayo namang boys ang bahalang dumiskarte para mashoot kaagad ito. Okay? Kaya natin to! Team work lang." Sabi ko sa kanila at nilibang na namin ang pusa.

Kinakantahan namin ito pero wala lang sa kanya't walang epekto.

Isang minuto na lang ang nalalabi.

Kinakalmot na kami ng pusa at nagulat na lang kami ng bigla itong tumigil at namatay. Nashoot na pala nila ang bola kaya nagsaya kami at nagyakapan.

"Woah! Congratulations players! Sa ngayon walang nabawasan 23 pa rin kayo. Sa next round kaya? Kakayanin niyo pa ba? Goodluck" sambit ng tao sa speaker.

Maya maya pa ay nalaglag na naman kami at nasa isang parang napapalibutan ng magnet ang paligid dahil dumikit yung singsing ko sa paligid na puno ng magnet. Hinubad ko na lang iyon at iniwan doon. Naglakad lakad pa kami at may mga nakita kaming susi doon na tila dadaan sa wire na kapag sumabit ay makukuryente ka.

"Hello players. So ang lalaruin natin ngayon, nakikita niyo naman siguro yung mga susi diyan, dapat makuha ninyo iyan at may pinto sa bandang kaliwa niyo doon niyo ilalagay yang susi para makalabas kayo at makatungo sa another round. Pero! Dapat hindi sasayad ang susi sa mga wires diyan, dahil tiyak na hindi kuryente lang ang meron diyan. Di ko sasabihin it's a surprise! Let the game begin!" Pagkasabi niya nun ay biglang may lumabas na timer at nagbibilang na pababa we only have 5 minutes.

Dali dali na kaming pumili ng susi at dahan dahang ginagalaw ito. Dapat talaga pigil hininga ka dito dahil konting sagi lang ay mamamatay ka na.

May nakakuha kaagad at pagtingin ko si Cooper pala. Nagfocus lang ako at maya maya pa si Porshia ang sumunod.

Di ko na sila pinansin at maya maya pa may nakuryente at biglang nabagsakan ng hollow blocks mula sa metal na kisame. Halos masuka ang lahat ng masaksihan na unti unting dumadaloy ang dugo niya papunta sa aming paanan. 2 mins na lang.

Dahil sa pagmamadali ay may nakuryente na naman at may lumabas na driller sa metal na dingding at sakto itong tumuhog sa lalamunan niya.

Malapit na ako at sa wakas ay nakuha ko rin! Dali dali akong tumakbo papalabas at nakita ko ang mga kaibigan ko buo parin kami.

May masisilipan doon kaya makikita mo ang mga nangyayari sa loob.

Ang iba ay nagtatalsikan na ang dugo at halos wala na kaming makita. Si Abygael na President namin ay nakatingin saamin na tila ba nagmamakaawa. Wala na kaming magagawa dahil nasa labas na kami. Umiiyak siya at kitang kita ko kung paano siya sumuko at binitawan ang susi. May lumabas na dalawang samurai mula sa metal na kisame at naputol ang ulo niya. Halos maduwal kami sa aming nasaksihan. Kailangan naming mag pakatatag. Kailangan naming maging matapang para sa aming buhay.

Matapos ang ilang minuto, 19 na lang kaming natira dahil sa larong iyon. Dahil sa larong iyon unti unti kaming naubos.

Hindi namin alam. Hindi namin alam na ito pala iyong laro na tinutukoy nila. Hindi namin alam na maari pala kaming mamatay at bilang na ang mga oras na pananatili namin dito. Ayoko na, pero para sa mga kaibigan ko lalaban ako.

Game OverWhere stories live. Discover now