Lindsay's POV
Matapos ang larong iyon may sinabi sa speaker na may 1 hour break kami upang makapag usap, magkamustahan, at makapag pahinga. Kahit papaano may puso rin pala ang gumagawa nito.
"Linds!" Sigaw ni Cooper na papalapit saakin. Niyakap niya ako at para siyang batang tuwang tuwa.
Nagsilapitan naman ang iba pa at nagyakapan kaming siyam. Buo parin, walang bawas, siguro'y hindi ko kakayanin kung may mawalang isa saamin. Hinding hindi.
"I'm so happy na buo pa rin tayo!" Sigaw ni March. Binigawasan naman siya ni Cooper.
"Guys! I miss this! Sobrang daming nangyari. Di pa rin ako makapaniwala. It looks like lahat ng 'to panaginip lang" sabi ni Porshia.
"True" pag sang ayon ni Tamarra.
Habang kami'y nag kakasiyahan. Biglang lumapit ang iba pa naming kasamang maglaro.
"Hi! I'm Renessy." Pagpapakilala saakin ng babaeng maputi at chinita.
"I'm Lindsay!" Ani ko at nakipag kamay.
Pumunta naman siya sa iba pang players at nakipag kilala.
"Hi Lindsay! I'm Sleightholme. Leigh na lang hahah" sabi niya. Nakipag kamay din ako sa babaeng morena, at may mapupungay na mata.
Tama nga, ito ang oras para magkakakilala kami. Ako na ang nag kusa at nagpakilala sa kanila.
"Hi I'm Lindsay." Sambit ko at inilahad ang kamay sa lalakeng nasa aking harapan.
Maangas siya, may itsura at moreno.
"I'm Travis." sabi niya at nakipag kamay saakin.
Lumapit naman sa akin ang iba pa. Ang mga lalaki ay sila Walton, Steel, Sullivan, and Travis.
Ang mga babae naman ay sila, Sleightholme, Renessy, Syretta, and Raniella.
Natapos ang isang oras na kwentuhan at inanyayahan kami na pumasok sa isang kwarto. Panibagong kwarto na naman, pero sa pagkakataong ito lumulutang kami, ibig sabihin... Walang gravity sa kwartong ito?
Lahat ay lumulutang.
"What the hell..." Sabi ni Cupid.
"For this level 5, kailangan niyong masagot ang bawat codes na nakapaskil diyan, may designated codes kayo at kapag nasagot niyo. Sundan niyo lang yun at makikita ang invisible na susi. Nakadikit yun at makakapa niyo iyon. You have 10 mins to do that task, kung hindi. Alam niyo na ang mangyayari." sabi ng sa speaker at nagsimula na silang magsagot.
Nagstart na ang timer. Kinuha ko na ang papel na may pangalan ko.
Ang mga nakasulat sa papel:
6-11-11-22-9 9-18-20-19-7 8-18-23-22 24-12-9-13-22-9
Ano to?
Di ako masyadong pamilyar sa mga codes pero itatry ko lahat ng alam ko.
Nakita kong nakalabas kaagad si Leigh. Magaling pala siya sa mga ganito. Siya rin ata yung nauna nung unang level ng laro.
Hindi ko alam.. Kinakabahan na ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Natry ko na lahat pero di parin gumana.
Hanggang sa may naalala akong code. Cryptogram!
Tinry ko iyon. At sa wakas!
Upper right side corner yan ang sagot sa code na yun.
Agad akong pumunta sa sinasabing direksyon ng nabuo ko sa code.
Nakapa ko yung susi at inalis sa pagkaka dikit. Hindi na ito invisble. Ginto ang kulay nito. Agad kong tinakbo sa ere ang pintuan. Nakalabas ako at bumaba mula sa pagkakalutang. Nakita ko si Leigh doon na nakaupo at tila malalim ang iniisip. Dinaluhan ko siya doon at nakipag usap sa kanya.
SOMEONE'S POV
Kunwari akong nag aayos at nag aassemble ng mga codes. Pero ang hindi nila alam, ako ang kalaban nila rito. Alam ko kung saan nakalagay lahat ng susi at alam ko ang lahat ng gagawin. Hindi nila alam na kasama lang nila ang tatraydor sa kanila.
"Ang hirap naman nito!" Sigaw ng isa sa mga kasama ko.
Tinignan ko ang lahat at lahat sila ay nakapokus lang sa mga kanilang ginagawa. Lilima na ang nakaka labas. Kunwari kong natapos pero ang totoo. Alam ko na naman ang sagot doon. Lumabas na ako at masaya nila akong sinalubong.
SYRETTA'S POV
Ang hirap ng napunta saakin, sobrang hirap.
Knvdq kdes-rhcd bnqmdq
Ayan ang mga nakalagay sa papel na aking nakuha. Nagulat naman ako ng bigla akong lapitan ni Steel.
"Need help?" Aniya.
Tumango ako kaya dali dali niyang kinuha at sinulat ang sagot sa aking papel.
Lower left-side corner.
Yan ang sagot sa code. Kinuha ko kaagad ang susi na nakasaad sa papel. Nakapa ko ito at naging kulay ginto. Nakalabas kaagad ako at bumaba mula sa pagkakalutang. Niyakap ako ni Lindsay marahil dala ng tuwa.
"Akala ko di ka na makakalabas" umiiyak na sabi niya.
Sa level na ito. Walang namatay. Buo parin at walang nabawas. Sa susunod kaya? Mahirap ba ito? Madali? O may nandadaya sa grupo? Pakiramdam ko'y isa sa amin ang may pakana ng larong ito. Hindi ko alam, wala akong idea pero may kutob ako, nahahalata ko siya simula pa ng unang level. Kung siya nga, bakit niya ginagawa ito? Bakit kailangan pang may mamatay? There's no way out. Do or die ang laro. Literal na do or die.
YOU ARE READING
Game Over
Mystery / ThrillerHANDA KA NA BANG MAGLARO? HIGHEST RANK #682 IN MYSTERY/THRILLER