"So she's da-ya-na! Not di-a-na!" Pasigaw na sabi ni winwin. Itinulako siya kaya napunta sa salamin ng bintana ang mukha niya.
"Paulit-ulit ka! Saka alam ko nang dayana yun!" Sigaw ko din.
"Ang ingay niyo diyan guys." Saway ni gurang sa harap.
"Sorry new grandpa." Asar namin sa likod. Si taeil na ang bagong grandpa namin sa dorm. Dahil nga sa hindi na sa dorm titira si taeyong. Syempre, aalagaan niya na si baby jewel niya.
"Mang-asar pa kayo ( -- _ -- )" Nagtawanan tuloy sa likod.
"Ikaw na bago naming grandpa, magkaka-anak na si taeyong eh! Dada na siya hindi na grandpa!" -haechan.
"Tama!!!" Sang-ayon namin ni lucas.
Pagdating sa bahay ay naligo agad ako. Dederetso kase ako ng studio dahil magpapatulong daw sila irene-noona na maglinis sa studio. Hindi ko alam, bakit ako pa yung papatulungin?
Kanina lang pala ipinakilala sakin ni noona si dayana. Siya pala yung new trainee na sinasabi nila noon. Ang ganda niya talaga, pero parang mukhang bata pa.
Opps. Hindi ako child abuse no!
"Hoy doyoung!" Napatalon ako sa gulat paglabas ko ng c.r
"Ano ba?! Wala ka na bang alam gawin kundi manggulat?!"
"Sorry na. Hehehehe....san ka pala pupunta?" Pag-iiba ni winwin.
"Sa studio. Magpapatulong daw sila ate irene." Sagot ko.
"Sama ako."
"Wag na! Panggulo ka lang naman dun!"
"Wews? Syempre nandoon si dayana!"
Tinakpan ko kaagad ang bibig niya. "Ang ingay mo. Wala dun si dayana no!"
"Wag ako doyoung! Duh? Alam ko na kaya mga galawan mo!" Saksakan ko na kaya ng speaker yung bunganga nito. Para mas lalo nang lumakas.
Parang nakalunok kase ng megaphone eh. "Manahimik ka na nga diyan." Saway ko.
"Oy doyoung, masama 'yan." Napatingin ako sa kaniya.
"Anong masama?"
"Narinig ko kanina, bata pa kaya si dayana." I just smirk. "Bakit? Mukha ba kong rapist? Gagahasain ko ba siya?" Tumawa ng malakas si winwin.
"H-hindi naman. Masyado ka na kaseng matanda para sa kaniya."
Hindi ko na siya sinagot at nagsuot na lang ako ng hoodie pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko silang nanonood ng balita.
Laman ng balita ngayon sila taeyong eh. Inabangan talaga ang kasal nila. Pero ang mas nangibabaw sa balita ay ang pagdadalang tao ni jewel. May mga nagalit pero may mga natuwa naman.
Ang bilis daw kase nilang magpakasal at tsaka buntis na daw kaagad si jewel.
Pakialam ba nila diba?
"Oy ang pogi ko diyan oh!" Turo ni lucas sa t.v nang makita nito ang mukha niya mula kanina sa kasal. "Ang hangin mo." Inirapan siya ni jungwoo.
"Oo nga! Mas pogi kaya ako sayo." Natatawang sabi ni yuta.
"Ew!" Sabat naman ni johnny.
"Hoy! May angal kayo?" Pagbabanta ni yuta.
"Oo!" Sabay-sabay nilang sabi. Lahat sila ganyan, ayaw magpatalo pagdating sa kapogian. Pero syempre, walang personalan 'yun. Bawal pikon sa'min.
"Alis na'ko." Wika ko.
"Ingat..."
"Hoy bata pa si dayana wag mong aanuhin 'yun! Lagot ka kay manager!" Nagtawanan silang lahat sa biro ni gurang. Pagbigyan niyo na. Ngayon lang natawa 'yang iba sa joke niya.
Kumaway na lang ako at lumabas na ng dorm. Naghintay ako ng bus at sumakay patungong smtown center.
"Suho-hyung!"
Napatingin kaagad siya sakin ng makita ako. "Oh bakit doyoung?"
"Nakita mo po si irene-noona?" Matagal siyang nag-isip at saka umiling dahan dahan. "Hindi. Bakit?"
"Ah, nagpapatulong po kase siya magpalinis ng studio eh."
"Baka nasa reception pa. Hintayin mo na lang sa studio. Pinaiwana siya ni taeyeon kanina eh."
"Ah, s-sige po. Salamat po." Nag-bow ako at umalis kaagad.
Pumasok ako sa lumang studio dito. Mga sinaunang grupo pa ng smtown ang nagpractice dito noon. Ginawang tambakan ng ibang mga props para sa music video ang studio na'to.
Hindi naman masyadong maalikabok. Pero may mga nakakalat na mga papel at mga color papers pati mga tela. Binuksan ko 'yung electric fan at saka naupo sa gilid.
6:30 pm
Sa sobrang tagal ni noona dumating ay naisipan ko ng matulog muna. Nakakapagod din kase, tumulong din kaya kami mag-ayos sa reception nila taeyong.
Papahuli pa ba kami? Sa dami namin baka masabihan pa kaming tamad. Nakakahiya pa, sa kalagayan namin konting pagkakamali lang, laman na kaagad kami ng balita. Hindi sa nagyayabang, pero isa na kami sa mga grupo na kinahihiligan ng marami.
'Yun ang sabi nila. Akala ko nga noon eh masayang maging sikat. Hindi din pala, nakakapagod din. Nakakatakot ding makagawa ng mali dahil huhusgahan ka kaagad.
-∆-
Naalimpungatan ako ng may maaninag 'yung mata ko na nakaupp sa tabi ko. Kaya napatayo ako kaagad. "Akala ko naman kung sino." Napatawa ako. Hindi ko kase akalain na pupunta siya dito.
"Sorry...ang himbing kase ng tulog mo oppa, kaya hindi na kita ginising." Napakamot ba siya ng bahagya sa ulo niya. Halatang nahihiya.
"Ay hindi. Okay lang."
"Kanina ka pa nandiyan?" Tanong ko. Umiling siya sabay ngiti. She maybe really loves to smile. Halos walang pagkakataon na hindi siya ngingiti sa harap ko.
"Kani-kanina lang po. Ang cute mo pala matulog oppa." Natatawa niyang sabi.
"Nambola ka pa. Baka nga tinatawanan mo ako ng natutulog ako. Minsan kase, sa sobrang pagod ko, nagsasalita na ako kahit tulog." Paliwanag ko. Mukhang nagulat siya.
"Talaga?"
"Oo. By the way, bakit ka nga pala nandito?" Pag-iiba ko. Nakakaramdam na kase ako ng ka-awkwardan.
"Tutulong po sana ako kay irene-eunnie na maglinis daw nitong studio. Kaso, ikaw lang nakita ko. Nasa reception pa pala siya natulong."
"Ah same tayo. Kaso wala nga si noona." Namomroblema kong sabi.
"Tayo na lang kaya maglinis dongyoung." This is the second time na nagulat ako dahil sa pagtawag niya sakin gamit ang tunay kong pangalan. "Why? A-ayaw mo bang tinatawag kang d-dongyoung?"
"N-no. I- i mean hindi lang kase ako sanay na tinatawag akong dongyoung."
Namula siya bigla. "Sorry. Ang cute kase ng name mo." Mas nakaramdam ako ng interes sa kaniya dahil sa sinasabi niya.
"Mas gusto kong tinatawag kayo sa real name niyo lalo na ikaw oppa." And she smile sweetly again
"W-why me?"
"Kase nga, UB kita." 'Yan na naman tayo sa UB na 'yan. I don't really know what's with that word.
Pero isa lang ang naiisip ko ngayon
That I'm interested to dayana.
She's very different.
Ewan, basta ganoon ang nararamdaman ko. Ibang-iba pagdating sa kaniya.
YOU ARE READING
Now I Know What Love Is | On-going
FanfictionAko si Kim doyoung. Member ng alam niyo na syempre grupo ng mga pogi. Hahahaha ang NCT. Simple lang naman ang buhay ko. Kain, tulog, punta sa fansigning event, concert, fanmeeting, interview, reality shows, tulog ulit. Ganun lang ang buhay ko. Pauli...