Nakita ko siyang hirap na hirap na binubuhat yung isang box, kaya nilapitan ko siya at kinuha iyon sa kaniya.
"Wag na dy, kaya ko'to." Sinubukan niya pang agawin ang box pero inilayo ko na ito sa kaniya.
"Pagod ka na, magpahinga ka na lang." Umiling siya ng mabilis. "Gusto ko tumulong!" Pangungulit niya.
Nakakaawa siyang tignan, mukhang hindi naman siya sanay magtrabaho. Base sa nakita ko, halatang hindi siya marunong sa paghawak palang ng box kanina. Hindi niya alam kung saan hahawakan.
Napapunas siya ng kamay sa noo niya na tinutuluan na ng pawis. Natawa ako ng bahagya dahil naiwan doon ang bakas ng dumi galing sa kamay niya. "Wala ka bang dalang handkerchief?" Tanong ko.
Nangapa siya sa bulsa niya sabay sabi, "Hala, wala pala." Pag-aalala niya. Kinuha ko 'yung scarf ko sa bulsa ko at idinampi-dampi ito sa noo niya.
Halatang nagulat naman siya sa ginawa kong iyon pero hindi naman siya umangal. "May alikabok na 'yung noo mo." Natatawa kong sabi.
Napatingin ako sa mukha niyang nakatingala sa'kin habang nakabusangot.
Eto ba yung sinasabi nilang slow-mo?
Pakiramdam ko, nag-slow motion ang paligid sa posisyon namin ngayon. Mas lalo ko tuloy nakita ang kagandahan niyang taglay.
Damn, what's with me?
Kaagad siyang umalis sa pagkakatingala sa'kin at napangiti ng mapait. "Uhm, bukas na lang siguro natin ituloy 'yung paglilinis kase gabi na din. Hehehe.."
"Ahh yes! Tsaka gabi na pala."
Pinatay ko ang ilaw at kaagad na sinara ang pinto ng studio. Magkasabay kaming naglakad sa hallway habang dala niya ang sling bag niya.
"By the way, malayo ba ang bahay mo?" Tanong ko.
"Hindi naman po. Medyo lang." Nabigla ako sa pagsasabi niya ng 'po' pero hindi ko na iyon ipinahalata.
"May kasabay ka ba umuwi?" Sumakay kami ng elevator at pinindot ko ang ground floor.
Ngumiti muna siya bago magsalita. "May susundo sa akin." Napataas ang kilay ko. Whut?! May boyfriend na siya?!
"M-may boyfriend ka na?!" Pagulat kong tanong.
Maging siya ay nagulat din sa tanong ko. "I don't have?!" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sagot niya.
"Eh sabi mo kase may susundo sa'yo."
"Ah! Yung driver ko po." Sabi na nga ba. Anak mayaman itong si dayana. Akalain mo 'yun? Tinalo pa kami. "Ah.." Napahawak ako sa batok ko.
Bumukas ang elevator kasabay ng pagderetso namin palabas ng building. Kakalabas lang namin ng building pero may sumalubong na kaagad sa kaniya na lalaking maskulado na naka-suit. "Bye doyoung.. Bukas na lang ulit. Thank you pala."
Sinuotan siya nito ng coat at saka iginawi papunta sa isang mamahaling sasakyan. Aakma sana akong magba-bye kaso nakasakay na siya ng backseat at tsaka mabilis namang pumasok ang driver at pinaandar ito.
Naiwan naman akong nakatayo dito sa labas ng smtown. Pumamulsa ako at tsaka dumiretso ng mini stop para bumili ng siopao.
"Kamusta doyoung?!" Sinalubong ako ni lucas habang sumisigaw.
"Ayieee!!! Ikaw doyoung ha! May pinopormahan ka na pala!" Asar ni kun. Nangunot ang noo ko.
"Pinoporm--"
"Oo si dayana!!" Bumaba galing sa taas si winwin.
"Huh??" Hindi ko alam kung ano ang mga pinahsasabi nila. Inakbayan naman ako ni chenle at haechan. "Binata na hyung namin oh!" Kinurot nila akong dalawa sa pisngi kaya naitulak ko tuloy sila kila johnny na naglalaro ng chess.
"Bastos naman o!" Pagalit na sabi ni yuta.
"Eto kaseng dalawa eh!" Tinuro ko 'yung dalawang fetus. "Ba't kami?!" Sabay nilang sabi.
"Umalis nga kayo dito!" Pinagalitan sila ni Johnny. Tawa naman ng tawa si mark at taeil habang nanonood sa gilid ng cartoons sa t.v
Napailing na lang ako sa nakikita ko. "May pagkain na ba?" Tanong ko.
"Bakit nagluto ka ba?!" Nagulat ako ng sumigaw si jungwoo.
(ー_ー)!!
"Meron! Tapos na kami kumain ni jeno!!" Sagot ni jisung na nagce-cellphone.
"Sinong hindi pa kumakain?" Tanong ko. "Kami!!!" Sagot nilang trese "Mauuna na ako ha."
"Bakit dy? Ang aga mo atang matulog? May pupuntahan ka ba bukas?" Sarcastic na tanong ni gurang.
"Napagod kase ako kanina maglinis." Sagot ko.
"Wehhh???" Sabay-sabay nilang sagot.
"Oo nga?" Nagtawanan sila sagot ko.
"Ikaw doyoung ha! Pinpormahan mo si dayana!" Pang-aasar nila kun at lucas.
"Doyoung wag mo naman sasabihin na susunod ka na kay taeyong-hyung!!" Nagkunwari namang umiiyak si jisung.
"Mga baliw!" Iniwan ko sila sa sala na tawa ng tawa at dumiretso ako ng kusina para maghapunan. Anong oras na, hindi pa sila nakain?
Pag nagsama-sama talaga kami, akala mo nasa kulungan kami ng baboy.
Ang gugulo!
Kumuha ako ng chopstick at saka kumain ng bibimbap. Napatingin ako sa picture namin na nakadikit sa refrigerator. Miss ko na sila jaehyun at taeyong.
Baka mamaya magulat na lang ako, ikakasal na din si jaehyun kay roxanne. Napatawa ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. Wala pa sa vocabulary ni jaehyun 'yun.
Noon, naisip na talaga namin ito. Noong wala pa sila jungwoo, kun at lucas. Naisip namin na darating talaga yung panahon na magkakaroon na kami ng sari-sarili naming pamilya.
Okay naman kami noon sa mga plano na ganun, pero parang ang hirap mag-adjust kapag nasa ganoong sitwasyon na talaga. Hindi ko naman masisisi sila jaehyun at taeyong dahil kailangan din sila nila roxanne at lalo na si jewel na buntis pa.
Ano kayang pakiramdam ng may kasama ka na sa buhay?
"Tulig ka na diyan dy, iniisip mo si dayana no?!" Nabulunan ako sa biglang pagsulpot ni winwin sa gilid ko.
Inakmahan ko siyang tutusukin ng chopstick kaya napalayo kaagad siya. "Baliw ka talaga 'no? Umalis ka na nga dito!" Sigaw ko. Pero imbes na umalis ay umupo pa siya sa upuan na katapat ko.
"Eh sino ba kase iniisip mo?"
"Sila taeyong."
Bumusangot siya. Pag gumaganyan siya, nagmumukha siyang bunot. Di ko lang tinatawanan kapag nasa harap ko kase baka mainis. Okay na 'yung may pagtatawanan ako ng palihim.
"Miss ko na din si taeyong-hyung. Kahit nagkita kami kanina."
"Wala tayong magagawa, may pamilya na siya eh." Huminga siya ng malalim. "Hindi pa ko handa doyoung."
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Saan?"
"Na darating tayo sa ganoon. Na hindi na tayo sabay sabay matutulog, yung may iba nang aalagan leader natin, parang ang hirap." Sa lahat ng sinabi mo, 'yan lang ang may sense.
"Suportahan na lang natin si taeyong at jaehyun. Darating din naman tayong lahat doon."
YOU ARE READING
Now I Know What Love Is | On-going
FanficAko si Kim doyoung. Member ng alam niyo na syempre grupo ng mga pogi. Hahahaha ang NCT. Simple lang naman ang buhay ko. Kain, tulog, punta sa fansigning event, concert, fanmeeting, interview, reality shows, tulog ulit. Ganun lang ang buhay ko. Pauli...