K1: 2018

5 1 0
                                    

"For youuuuuuuhuhuhu For youuuuuuuu tenen tambre boyo"

"Wahhh! Tita! Meteor Garden na!" Jusmiyo. Ano ba 'tong pamangkin ko? Abot hanggang kabilang barangay yung boses. Parang naka-lunok ng mic palagi. Napanood naman na sa Netflix yung Meteor Garden excited na excited pa din panoodin sa T.V.

"Teka! Nagsasaing pa ko!" Sigaw ko pabalik.

"Bilisan mo na ta! 'Di mo 'to pwedeng ma-miss! First episode to, pag di mo to napanood di mo na maiintidihan 'yong storya!"

"Haynako Nicole, napanood ko na 'yan noong ka-edad mo 'ko. FYI, adik na adik ako sa MG noong 2003. Mas maganda pa yung luma jan panigurado!" Ani ko.

Isa din akong ultimate fan noon ng Meteor Garden 2003. Hindi pala ultimate. Super duper ultimate fan ako magpa-hanggang ngayon. Kumpleto ako ng mga posters at picture ng F4 dati. At dahil wala pang Youtube at Social Media noon, nagmamadali akong umuwi noong High School ako para lang maabutan yung opening song ng MG. Ganoon kami ka-addict noon ng mga kaklase ko. Kaso noong nag-concert dito ang F4, di ako naka-punta kasi di ko kinaya presyo ng ticket. Tsaka ubusan din.

"Haynako ka din tita! Huwag niyo nga icompare yung luma dito sa remake. Di mo pa kasi napapanood. Wag mo agad i-judge. Baka pag napanood mo 'to babalik yung mga alaala ng pagka-15 years old mo! Hehe" Hirit ni Nicole.

"Jusko! Di ko na gugustuhing alalahanin pa!" Pag-rereklamo ko. Pagkatapos ko mag-saing pumunta na ako sa sala para bigyan ng chance itong trending ngayon na Meteor Garden.

"Bakit tita? Ayaw mong maalala yung first love mo? Hehe" Panunukso ni Nicole habang naka-ngiti ng pang-asar sa 'kin.

"Tse! Magtigil! Sino ba nag-kwento sa 'yo ng mga yun bata ka?!"

"Si mama! Ayieee. ano na pangalan ulit nun? Radar? Rydi? Randy? Rymon? Ano na ba yun ta?"  Tanong ni Nicole habang nakahawak pa sa baba niya.

"Di ko alam! Wag mo nga mabanggit banggit pa yun! Di ko na maalala yun." Ani ko.

"Sus! Imposible yun ta! Ah, naalala ko na. Si kuya Ryder. Kamusta na kaya siya tita no?

Buset talaga tong batang to. Masyadong madaldal, nagmana sa nanay niya. Bakit ba kasi kailangan pa ikwento sa anak niya ang past life ko?

"Pag hindi ka pa tumigil jan, ililipat ko yang meteor garden mo!" Pananakot ko sa kaniya

"Ay hindi na hehe nood na po tayo!" Ani Nicole.

Sa wakas, sumuko na rin si Nicole sa pang-aasar sa 'kin. Lagi niyang pinapaalala sa akin ang puppy love ko. Sabi niya, mas pogi daw iyon kaysa sa boyfriend kong si Greg; which I think is true. Haha.

As of now, pinapanood namin ang remake Chinese version ng Meteor Garden.

"at ang leader ng F4 na Si Dao Ming Si." Pag iintroduce ng babaeng senior daw sa Ming De University kay Dao Ming Si. Pogi naman. Pero ang payat. Pero pwede na. Mas pogi pa din si Jerry Yan ko. Hehe

"waahhhh ang pogi ni Dylan Wang!! Oemji bagay na bagay niya talaga mag Dao Ming Si!" Nagwawala na si Nicole dito. Namimilipit na sa kilig kahit wala pa namang nakaka-kilig na scene, pinapakilala pa lang mga F4. Jusme. Nakikinita ko tuloy yung itsura ko noon habang nanonood din.

"Pinapakilala pa la-"

"Aray!!" Di ko na natuloy ng sasabihin ko ng hinampas na niya ko ng unan. Baliw ba tong batang to?

"Bahala ka na jan, manood ka na mag-isa mo. Punta na ko sa kwarto." Ani ko at nag-marcha papunta sa aking kwarto para mag-muni muni.

Umupo ako sa kama ko at tinitigan ang kalendaryong naka-sabit sa pintuan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon