2 grupo ng magkakaibigan, magiging CAMPUS QUEENS AND KINGS?
Magiging maganda kaya ang takbo ng kanilang buhay?
Magkakamabutihan kaya sila?
Tunghayan ang kanilang istorya.
Hi guyyss! Hehehe. So ayun buti binigyan ulit ako ni Author ng POV kala ko wala nakong POV eh HAHAHA. Ay btw eto nga pala yung outfit ko for today. 👇
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tadaaaa! Ganda dibaaaa? HAHAHA su4t kayo sakin dali AHAHAHA.
So ayuuun back to the story na tayo mga daiii. Dumating na sila Kuya Patrick sa caft. At ang sama ng tingin niya kay Xyro AHAHAHA paktay kang bata ka.
"Hoy Xyro!" Ayan galit nga si Kuya Patrick. Magtago kana Xyro.
"Oh?" Ay aba, di manlang natakot ang loko.
"Asan si Pam? Balita ko nagkainitan daw kayo?" Kalmadong tanong ni Kuya Patrick.
"Hmm, ewan ko. Nakita mo bang kasama ko/namin?" Aba pilosopo.
"Hmm, namimilosopo kana? Tsk" buti at kalmado parin ngayon si Kuya Patrick.
"Mag order na kayo. Sa rooftop tayo kakain tas hahanapin natin si Pam!" Sabi ni Kuya Patrick. Hmm, rooftop? Himala at dun kami kakain. Yey! Umorder na kami at pumunta na sa rooftop. Itong rooftop para samin lang ito kasi nga mga anak kami ng may-ari nitong school kaya ginawa ito para may tambayan kami. :> Pag bukas ng pinto sa rooftop, andaming pagkain na nakahain.
Siguro pagkain nila Kuya yun. Nilapag na namin yung mga pagkain namin sa lamesa at nag ayos na para kumain. Habang nag-aayos kami napansin ko si Kuya Patrick na may katext. Hmmm, sino kaya yun? Aissh bat ko ba pinapakeelamanan yun?
Pagtingin ko sa parang bodega dito sa rooftop may nakita akong gamit. Kaparehas nung gamit ni Pam. Kanya kaya yun? Or baka kaparehas lang talaga. Matanong ko nga.
"Kuya kanino yun?" Tanong ko kila Kuya. Habang nakaturo dun sa nakita ko. Napatigin din naman sila dun at parang nagulat sila Kuya. Hmmm. Parang may mali ah.
"Ah-eh y-yan? Di ko alam. Baka nailagay lang" nauutal na sabi ni Kuya Stephen. Tekaaaa, Nauutal? Luhsya.
"Hmm. Ok" pagkasabi ko niyan bumalik na ulit ako sa ginagawa ko. Pagkatapos namin ayusin. Paupo na ako nun nung napatingin nanaman ako dun sa bodega. Haluh? Nawala yung gamit?
"Kuya? Bat nawala yung gamit dun?" Tanong ni Steph. Nahalata niya din yun?
"Ah? Inalis ko kanina nakaharang eh" sabi ni kuya Patrick. Ehem. Parang may mali eh. Hays hayaan ko na nga yun. Nagsimula na kami kumain. Habang kumakain kami may biglang kumalabog at alam kong sa bodega yun. Ano kaya yun?
"Ano yun?" Takang tanong ni Damien.
"Wait lang tingnan ko" sabi ko at tumayo.
"Wag! Ako na titingin! Kumain kana dun hehe" pigil ni Cyrill sakin. Eh?
"Wag na ako na" nakakahalata na ako eh. Kanina yung mga gamit tas biglang nawala tas ngayon yung kumalabog sa loob. Habang naglalakad ako papunta dun, may naamoy ako na pamilyar na amoy. Wait.