2 grupo ng magkakaibigan, magiging CAMPUS QUEENS AND KINGS?
Magiging maganda kaya ang takbo ng kanilang buhay?
Magkakamabutihan kaya sila?
Tunghayan ang kanilang istorya.
Yan si Katrina Trixie Nicole Montefalco, 16 yrs old.
~TRIXIE'S POV~
Well hi po. Hihihi. Good Morning! Aga ko magising noh? Bago ko makalimutan, I'm Trixie. Bunso sa magkapatid. Si Kuya Tristan, kaibigan nung Kuya nila Pam at Steph. And yung parents ko, is nag mamay-ari ng mga hotel dito sa pilipinas at south korea.
Yes. I'm also a Half Korean Half Filipina. Ayun na nga. Tapos na ko magpakilala. Maliligo na ako at magahahanap ng susuotin ko.
*after maligo*
Ano kayang jeans ang pwede kong suotin? Hmmm. Aha! Ayun! Ito yung napili ko. 👇
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dibaaaa. Ganda gandaaaa. Hihez. Bumaba na ako at kumain pagkatapos ay pinapark ko na yung kotse ko sa may tapat ng gate namin para di na ko mahirapan.
"Ms. Trixie, nakahanda na po yung kotse na gagamitin niyo" sabi ni Kuya Rico (bodyguard/driver namin)
"Sige po salamat" Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay pumunta na ko sa kotse ko para umalis. Nagpapatugtog ako ng POWER UP by RED VELVET. Ang catchy ng song eh. HAHAHA nakaka-lss din.
Habang nagdadrive ako, biglang tumunog cp ko. Oh! May nag chat? Pagtingin ko, ah si Pam lang pala kala ko kung sino.
*after 5mins*
Nakarating nako sa gate PL at nakita ko na din yung kotse ni Steph. Chinat ko na muna sila para mainform ko sila.
Ang papanget naman ng NN niyo. Mga bulok. HAHAHA. Nakita ko na kotse ni Steph. Dito na ko parking lot. -TrixieQt
Pagkababa ko ng kotse nakita ko sa kabilang side sila Kuya. Luh? Nauna pa sakin toh? Samantalang nauna akong magising sakanya ah?
Kinuha ko muna yung Camera ko para magpicture. Mahilig kasi ako sa pagkuha ng mga pictures. Naka ilang kuha na ako ng pictures ng biglang magsalita si Steph.
"Uy andyan na daw sila Pam!" Tumango lang kami ni Stacey at tinuloy nanamin yung mga ginagawa namin habang nag-aantay. Mga ilang minuto, dumating na sila. Sa wakas. Bumaba na si Kuya Patrick pero di pa bumababa si Pam. Sino inaantay nun?
Napatingin ako kila Steph. Wait wat? Nagegets ko na. AHAHAHA. Nag-aantay si Pam ng magbubukas ng pintuan niya! AHAHAHA. Ang lt mo beh. Pero di nagtagal pinagbuksan siya ng pintuan nung lalaki ma di ko kilala pero kasama nila kuya.
Maya-maya, biglang nag ring yung cp ni Stacey. Nagsabi siya na sasagutin niya muna at umalis siya sa lugar namin. Sino naman kaya yun? Aish. Bat ko ba inaalam?
Napatingin ako kila Pam at ayun si Pam muntanga. Tuwang tuwa eh. Saya saya kuya wil? HAHAHA. Nung magtatime na pumunta na samin si Pam. Kung kelan di pa magtatime di pa pupunta samin tss.
"Hoyyy Pam! Sino yung isa?" Tanong ni Stacey. Kahit kelan talaga tong babaeng toh.
"Ha? Sino?" Nagugulong tanong ni Pam
"Yung nagbukas sayo ng pintuan kanina" Sabat ko naman.
"Ah. Yung pinsan ni kuya Cyrus?" Tanong niya. Tumango naman kami. Ay weh? Pinsan ni Kuya Cyrus? Woah.
"Di ko kilala. Di ko na tinanong im not interested. Tara na!" Sabi ni Pam. Ehem. Pa inosente epek.
"Sungit ah." Sabi ni Steph. Pagkadating namin sa room ayun tinginan nanaman nako. Ilang minuto lang ay dumating na yung prof namin.
"Good Morning Class!" Bati ni Ma'am "Good Morming Ma'am" Bati namin.
"Ok I'm Mrs. Sanchez. And you will bla bla bla bla"daming dada ah. Nakakairita. Tapos biglang may pumasok na mga lalake.
Wait familiar sakin yung isa. Siya yung? *o* siya yung nagbukas kay Pam ng pintuan sa kotse ni kuya Patrick! Omo. Wag masyadong o.a tas ayun nagpakilala lang. Bored na bored na ko. Tagal mag lunch.
*ringgg ringgg*
Yes namern! Lunch na!
"Sa caft. Tayo kain?" Tanong ko sakanila. Tumango lang sila at umalis na kami sa room at pumunta Cafeteria. Habang nag lalakad kami sa hallway naka salubong namin sila Kuya tas yung grupo nung pinsan ni Kuya Cyrus.
-------------
~PAM'S POV~
Lunch Break nanamin. Habang naglalakad kami, nakita namin sila kuya.
"Pam! Sabay sabay na tayo kumain!" Aya sakin ni Cyrill. Luh? Sabay kumain? Di ba awkward yun?
"No thanks." Sabi ko.
"Jok lang ni Pam yun. Gutom lang talaga si Pam hehehe. Tara na. San ba tayo kakain?" Sabi ni Stacey. Ket kelan talaga toh.
"Aishh! Fine!" Naiinis kong sabi. Ayoko ko kasi silang kasabay nakaka-awkward. Pumunta na kami ng Caft at humanap ng pwesto.
"Ano oorderin niyo? Kaming boys na ang oorder" tanong ni Kuya Cyrus. Bait talaga ni Kuya Cyrus eh.
"Ano sayo kuya?" Tanong ko kay kuya Patrick. Tutal magkatabi lang naman kami.
"Ahm, B3 nalang akin" sabi ni kuya.
"Sige same nalang tayo." Sabi ko. Di naman ako maarte sa pagkain kaya go lang. Bale yung pwesto namin is ganito.
"Tara na, order na tayo" pag-aaya ni Cyrill. Tapos umalis na yung mga boys.
"Uy bat ang tahimik mo Stacey?" Tanong ni Trixie. Oo nga ang tahimik niya ngayon bakit kaya?
"Ah? Wala wala. Nagugutom lang ako hehehe" sabi ni Stacey. Ang weird niya ah. Ilang minuto kaming nag-antay at dumating na sila Kuya.
"Oh eto na pagkain niyo" sabi ni kuya Stpehen.
"Kuya, alin yung akin dito?" Tanong ko kay Kuya. Sya nga kasi pinapili ko diba.
"Ito oh." Abot niya sakin nung plato ng carbonara at chicken. Wow ansarap kilalang kilala talaga ako ni Kuya. Kumakain na kaming lahat ng biglang may mahulog na kutsara.
"May bisita tayo AHAHAHA" Biro ni Steph. Tiningnan ko kung kanino yung nahulog. Ah kay Stacey.
Saktong tumayo si Marco para kumuha ng tubig, tas nadaanan niya si Stacey kaya kinuha ni Marco at nagkahawak sila ng kamay ni Stacey. Pagtingin ko kay Stacey namumula sya! Amp. Kinikilig ang loka AHAHAHAH.
Maaasar ko sya mamaya! Humanda kaaaaa. Maya-maya nag bell na. Senyas na tapos na yung lunch.
"Tara na" pag-aaya ni kuya Tristan.
"Sige" sabi ni Steph. Tapos naghiwa-hiwalay na kami pero kasama pa din namin sila Marco kasi nga magkakaklase kami.