My Family (Part 1)

123 4 1
                                    

Boom! Booom! Boom!

Tunog yan ng alarm clock ko.

Walang pakialamanan ng tunog, bakit ba? Eh, ito ang gusto ko eh.

Hay, panibagong pag-subok sa buhay ko at sa aking pinakamamahal na pamilya, dahil kapus kami sa financial na aspeto sa buhay. Kaya kailangan kong kumayod sa pangangalakal.

Oo.

Pangangalakal ang kinabubuhay ng pamilya namin dahil sa hind naman nakapag tapos ang aking ama sa kanyang pagaaral. Ang aking ina naman ay naglalabandera sa aming mga kapitbahay, minsan suma-sadeline din ito sa paglinis ng bahay sa isang subdivision dito sa malapit saamin.

Kaya kahit papaano ay maypinagkakakitaan kami.

Teka lang... Hind papala ako nakakapagpakilala sa inyo.

Ahem!

Ako nga pala si John Adrian Manlañgit, pero maskila ako bilang Adrian. 18 years old, singkit ang mata, tama lang ang pangangatawan, at 5'9" height.

Maraming ang nagkakagusto sa akin, laluna sa mga kababaihan at kabilang narin dito ang mga ikatlong lahi. Madalas panga na masmarami silang binibigay na kalakal dahil daw gwapo ako. Minsan pa ay ibinibigay nalang nila ng libre kaya marami akong nakukuhang kalakal mula sa kanila, na malaking pinag papasalamat ko. Kasi miminsan, hind nila ako inaabuso, bagkos ay parang kapamilya na ang turing nila sa akin, kahit nihindi nila ako kadugo. Na pinag papasalamat ko.

Sa aking nakalakal ay nakalikom ako ng 65 pesos napwede ng pambil ng 1kg na bigas. At ang matitira ay iniipon ko para sa pang bauon ko sa school. Kaylangan ko rin makaipon kasi malapit narin ako makagraduate sa high school.

Gusto ko may matapus ako at may panghawakang diploma sa aking pag tanda, at mairaos ko ang aking pamilya sa paghihirap na ito.

Naputol ang aking pagmumunimuni ng may kumalabit sa aking pagkakatulala. Ang aking nakabatang kapatid na si Jonathan, 4 years old.

"Oh, Othan gising napala ang baby ko." ;) hehehe. Iyan ang tawag ko sa kapaid ko kase ang cute cute niya, nakawala ng pagod pag ito ang makikita mo. hihihi.

"Uya. Uya may utom na po ako uya." ang sabi niya.

Ng tingnan ko ang aming sinaunang relo, 7:30am napala. Kaya pala gutom na ang aking mahal nakapatid.

Napabuntonghiniga nalang ako dahil hind nalang muna ako papasok, bagkos ay aalagaan ko na lang muna ang aking kapatid. Wala pa kasi si papa nasa pangangalakal pa. Nauna na akong umuwi kasi aalis si mama para mag sideline sa paglilinis sa malaking bahay sa may subdivision malapit sa amin, kaya walang mag babantay dito. Maaga kaming nagising ni papa mga around 2:30am para sa pangangalakal namin at mga 6:30am narin ako nakabalik sa aming bahay.

Buti bago ako bumalik bumili ako sa isang panaderya na aking nadaanan kaya may kakainin kami, ng aking mahal na kapatid, sa umagang ito.

Pinagmamasdan ko ang aking kapatid, hind ko mapigilan na tumulo ang aking luha dahil sa murang idad ng kapatid ko ay kape at tinapay ang kanyang kinakain ilbis na gatas ang kanyang iinomin. Dahil sa inusente ito at wala pang muwang sa mundo, makikitaan mo ng ngite na puno ng kasiyahan habang sinasawsaw ang pandesal sa kape, na animoy sarap na sarap sakanyang kinakain. Naputol muli ang aking pag iisip ng mag salita muli ang aking kapatid.

"Uya, bakit iyak uya ko? Don't be sad, uya. Laro tayo mamaya ok." sinabi ni Othan with full of concern.

Napangiti ako sa saad ng aking kapatid dahil sa nakita nito ang kalungkutan ko. Akala siguro ng kapatid ko ay wala akong kalaro kaya naisip nito na nalulungkot ako... pero wait lang... Nanlaki ang mga mata ko nang maala ko na, nagEnglish si Jonathan? O.O

"Othanbaby, saan mo natutunan magEnglish?" tinanung ko siya.

Binigyan niya ako ng isang malaking ngiti at sinabing, "Sa TV uya. Duon kay Aling Baby bayo. Hihi. Danda palabas uya. Sana uya, may TV tayo para hind na ako mang aapit bahay uya."

Para akong nalongkot dahil sa gusto nitong manuod ng TV kaysa sa makipag laro sa mga kalaro nito dahil ayaw niyang lumabas ng bahay. Lumalabas nalang ito kapag sinusundo ni Aling baby.

Ewan ko nga, eh, kung saan niya narinig yung pagtawag ng kabayo kay aling baby, sapagkat napakabait ni Aling baby saamin at sa pamilya namin. Kaya pinag sabihan ko ito si Othan na wag ganun ang pagtawag at magbiay galang sa mga ito at sa mga nakakanda. Na sinang ayonan Othan. Hindi ko namalayan na mag taanghalian na kaya nagluto na ako ng aming kakainin dahil sigurado ako na hindi pa uuwi ang tatay kasi malamang nangangalakal pa ito at ganundin si mama na nagiwannalang ng sulat sa lamesa.

Anak ikaw na muna bahala sa bahay at kay Jonathan ha. May tuyo dyan sa refrigerator nating hindi na gumagana pagpasensyahan mo muna anak ha. Papasalubogan ko na lang kayo ni bunso. I love you anak.

P.S Anak patulugin mosi Jonathan para tumangkad ;) at ganuun kadin alam kong pagod ka dahil sa pangangalakal mo anak.

Nagmamahal,

Nanay ganda

Napailing nalang ako dahil sa ginawa ni mama at napangite narin dahil sa inasta nito sa sulat. At nakuha pang magjoke ni mama. Hmmnn. Totoo kaya pag natutulog sa tanghali tumatangkad?

At ganun na nga ang nangyare, pagkatapos naming kumain, naglinis muna ako at pinatulog ko ang mahal kung kapatid at pati ako ay nakatulog narin.


--- MB73---
hihihi nakagawa din, sana pag pasensayahan na po ninyo ang ang aking pagkakatype kc bagohan palang po ako ;) sa mga mag babasa marami pong salamat. ;)

--- MB73---
August 01 2014
Friday
12:03pm

Ang Tatlong ( P ) ni AdrianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon