Uoaaaaaah!~
Oh Anak! Gising ka na pala.
*pamilyar na boses ng isang lalaki*
Tay?
*gulat at nagtataka kong sambit*
Tumayo ako mula sa pagkakahiga.
Niyakap ko sya.
Maya maya’y may iniabot sakin si itay na kwintas.
Alam mo ba kung para saan to nak?
*tanong nito sakin*
Katulad na katulad ito ng kwintas na nasa akin
Hindi po pero simula ng dumating sakin yan, lalo ko pong naramdaman ang buhay, lalo po akong sumaya, at feeling ko lagi po akong ligtas.
*sagot ko sa aking itay*
Tumawa ito ng malakas.
Hahahaha! Zeuxeed! Matapang pero duwag sa babae!?
*bulalas ng aking itay*
Tay? Zeuxeed?
*nagtatakang tanong ko kay itay*
Makinig ka anak, yung nakikita mong pisikal, lahat yan may katapusan, ngunit lahat ng mga bagay na hindi mo nakikita, mga bagay na espiritual ay mananatili magpakailanman.
*sambit nitong pagpapaliwanag*
Isang lalaki ang nakatadhanang makipag isang dibdib sa isang mortal na taga lupa upang magpatuloy ang relasyon ng espiritual na mundo at lupa.
*dagdag pa ng aking ama*
Punong puno ng tanong ang isip ko.
Ano pong ibig mong sabihin tay?
*nagtatakang tanong ko dito*
Ikaw ang napiling tagapagmana... Ang binhi na magpapatuloy ng kaugnayan ng epiritual na mundo at lupa.
*sagot nito*
Ikaw ang mortal sa propesiya na nakatakda na ipag isang dibdib sa isang lalaki mula sa langit.
*dagdag pa nito*
Pagkatapos mabanggit ng aking ama ang mga bagay na ito ay unti unti syang lumalayo at naglalaho.
Tumakbo ako upang abutin ang kamay ng aking ama dahil madami pa akong mga bagay na gustong malaman.
Isang hardin naman ang napuntahan ko, na nasa ibabaw ng mga alapaap at mga espiritung nag aawitan.
Maya maya’y isang lugar na puro apoy at mga taong naghihirap, at nakita ko ang pulutong ng mga halimaw na katawang tao ngunit ulong hayop na naghihiyawan na tila naghahanda sa isang paglalaban.
Anong nangyayari?!
*pangangamba kong sambit*
Maya maya pa ay bumukas ang tinutungtungan ko at nahulog ako sa loob ng isang malaking orasang salamin.

YOU ARE READING
My guardian angel from the Underworld
RomanceIn this story, an angel of heavens named Zeuxeed is the protagonist. Because of his hardheadedness, He will meet this mortal named Rose, a normal girl that will be linked with this angel. What kind of adventure that lies ahead?