Chapter 1: Comeback

35 3 0
                                    

Aven's POV

  
  Maaga akong nagising dahil sa isang napakagandang orchestra na narinig ko. Halos araw araw ay naririnig ko ang orchestrang iyon na kinabibilangan lang naman ng mga nagtitilaukang manok, nagsisigawang mga kapitbahay, boses ng Momoland at ng alarm clock ko. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa wall clock. Its still 5:27 in the morning. I still have a lot of time to sleep so I went back to bed.

Wait lang. Wala ba akong nakakalimutan? Feeling ko kasi meron eh. I stared at the clock for a few minutes. Bahala na, baka guni-guni ko lang. Pabalik na ako sa aking kama nang naalala ko na

"May susunduin pa pala ako sa airport!"

Dali-dali akong kumuha ng tuwalya at tsaka pumasok sa banyo. Nanginig pa ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig na umaagos sa katawan ko. Pagkatapos kong magpatuyo ay kumaripas na ako ng takbo palabas. Hindi na nga ako nakapag almusal sa sobrang pagmamadali. Susunduin ko kasi si Joey, yung pinsan ko na mula pa sa England.

6 years ago sinabihan niya sina tita Aina at tito Fred na gusto raw niyang mag aral sa England. Pinayagan naman siya ng parents niya kaya ako na lang yung naiwan kina tita at tito. Kapatid ni mama si tito Fred kaya nung namatay si mama ay sa kanila na ako nakikitira. Tinatrato din nila ako na parang tunay nilang anak.

7:00 na nang makarating ako ng airport. Tamang-tama dahil sinabi ni tita Martha sa akin na 2am kaninang umaga ang departure time ng Aeroplane na sinasakyan ni Joey kaya mga 8am pa mag la-land ito galing England.

Mga 15 minutes din akong nag stay dun sa airport kaya naisipan ko na lumabas muna at bumili ng paborito kong Japanese food sa malapit na Japanese Restaurant dito.

I decided to stay at the restaurant for a few more minutes after eating my meal kaya its past eight na nang makabalik ako sa airport. Naglakad ako patungo dun sa puwesto ko sa waiting area kanina nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Dre!" I rolled my eyes as I turned to where it came from.

Isang babaeng naka pink padded coat at may dala-dalang black na maleta at case. Opo, Pink padded coat  po. Dahil babae po si Joey at hindi lalaki. 

Hinayaan ko lang na siya ang lumapit sa akin. Napansin siguro niya ang walang kagana-ganang expression sa mukha ko dahilan para tumigil siya sa pagtakbo.

A curious expression flashed on her face. "Ba't ganyan yang mukha mo?" tanong niya sakin "6 years na tayong hindi magkasama ,cold treatment parin yung natatanggap ko sayo" dagdag pa niya.

"Akala ko ba, ayaw mo sa mga taong mabilis magbago"

"Bakit? Hindi ka ba nagbago?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya "At paano mo naman nasabing nagbago ako?"

"Nung umalis ako ang sama mo sa akin, pagbalik ko mas sumama kapa!" Sabi niya tsaka tumawa ng malakas. Hindi ko alam kung nakakatawa dun sa sinabi niya.

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga, sabik na sabik na yung mga magulang mong makita ka" anyaya ko sa kanya.

Hindi aabot ng isang oras ang biyahe mula airport hanggang sa bahay kaya 9:14 pa lang nang makauwi kami. 

Pagdating namin ay agad kaming sinalubong ng yakap nina tita Aina at tito Fred. Ay si Joey lang pala yung niyakap. Nakangiti lang ako na nakatingin sa kanilang pagyayakapan. Namimis ko tuloy si Mama.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nagcelebrate kami sa pagbalik ni Joey. Hindi ko alam na nagluto pala si tita kanina para sa celebration. Pagkatapos naming kumain ay nag kuwentuhan kami.

"Nak, maganda ba dun sa England?"

"Opo ma, ibang-iba po dito sa Pinas. Ang gaganda po ng pagkakagawa ng bawat establishment doon. Tapos ang sosyal ng mga tao dun."

"Aba eh nag-aaral ka ba ng mabuti doon? Baka naglalakwatsa ka lang doon ha. Sayang ang perang pinapadala namin ng mama mo sa'yo" sabi ni tito Fred habang kumakain ng dessert na inihanda ni tita.

"Wag po kayong mag-alala Pa. Nag-aaral po ako ng todong-todo doon para po sa inyo"

"Nag-aaral naman pala eh" sabat ko.

Binalot ng katahimikan ang buong bahay pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

"Nak" pagbasag ni tita sa katahimikang kanina pa namamagitan sa aming apat. "May sasabihin sana kami ng papa mo sa'yo"

"Ampon po ba ako?"

Mas lalong nabasag ang katahimikan sa pagtawa namin dahil sa sinabi ni Joey. Nag-iisip ba siya? Sa lahat ng posibleng sabihin ni tita Aina yun ang hindi ko maiisip.

"Anak, hindi ka ampon. Kami ang totoo mong magulang. Gusto ka lang naman sana naming tanungin kung ayos lang sayo na dito na muna mag aral sa manila" sabi ni tito Fred na muling nagbalik ng katahimikan sa pagitan naming apat

"Oo naman po! Ayos lang po sakin" masayang sagot ni Joey. Nakahinga naman ng maluwag sina tita at tito nang marinig ang sagot na iyon.

"Kaso may kondisyon po sana ako kung okey lang" sabi ni Joey sa mahinang boses.

"Ano yon anak? Sabihin mo lang at agad naming ibibigay iyon sa'yo"

Anong kondisyon na naman kaya yon. Ang dami talagang arte ng mokong na to.

"Gusto ko po, magkasama kami ni Dre sa iisang school"
Wait, what? Seryoso ba siya? Gusto niyang samahan ko siya at iwan ko yung mga kaibigan ko dun sa school ko. Ano tingin niya sakin? Yaya? Bodyguard? Kalma lng Dre. Baka dun din siya sa school mo lilipat diba? Kalma lang.

"Ayos lng ba sa'yo yon Dre?" Tanong ni tita Aina sa akin.

"Opo" pagpayag ko sa kondisyon ni Joey. Sa bagay, ang dami din nilang naitulog sa akin. Isa narin siguro to sa mga paraan para makabawi ako sa kanila.

"Talaga Dre?! Thank you! Love mo talaga ako. I love you Dre" sabi niya sabay yakap sakin.

"I love you too" I said and forced a smile.

Nga pala saang school kaya kami ie-enroll.

"Nakahanap na kami ng magandang school para sa inyong dalawa" sabi ni tito Fred.

"Really? Saan po?" Excited na tanong ni Joey

"Charlemagne Academy. Dito lang yon sa Manila" sagot naman ni tita Martha

"Never heard of that. How bout you Dre?"

"Not familiar"

Charle- what? Malapit lang daw dito? I'm not aware na may ganyang school na dito malapit samin. Hmm. Let's see kung machachallenge ang mga skills ko dito. I love challenges bloody much.

A/N: hello everyone! I just want to thank you guys for reading my very first story.  I hope you'll enjoy the flow of this story as I pursue to reach my dreams and inspire you guys at the same time.
Sayonara~

Two QuodesWhere stories live. Discover now