Aven's POV
"Pasukan na talaga bukas no" biglang sambit ni Joey habang nag-aayos ng mga gamit sa bag niya
Kaninang umaga ko pa niligpit ang mga gamit ko para sa first day of school ko sa Charlemagne Academy. Excited na akong pumasok sa bago kong school bukas. New school, new life. I am ready to meet different and new faces tomorrow. Gusto ko nang makilala kung sino-sino ang mga new classmates at teachers ko. Gusto ko na ring makilala yung mga magiging best friends ko at mga magiging best enemies na rin if ever. Pero wala naman siguro akong magiging kaaway dun. Pinaglihi lang naman kasi ako sa anghel.
C H A R O T"Sa tingin mo magiging maayos ang highschool life natin dun?" Tanong ko kay Joey. Minsan kasi nababahala parin ako sa kung anong pwedeng mangyari sa amin sa loob ng CA campus. Bawat oras na binabanggit ni Joey ang mga katagang "may pasok na bukas", hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang mga ikinwuento ng mga former students ng CA tungkol sa mga masasamang nangyari dito a few years ago. Na trauma ata ako doon sa nabasa namin ni Joey eh. Baka mamaya, magka phobia ako sa mga schools. Hindi ko na talaga dapat ipinagpatuloy ang pagbabasa nun.
"Pano ko malalaman? Na tingnan ko na ba? Sagot niya na may pagdiin sa mga salitang "na tingnan". Oo nga pala. Bakit naman ako mag tatanong kung anong sa tingin niya, eh hindi pa naman pala niya natitingnan. Ang pilosopo talaga ng babaeng to. Naku, hayaan mo na muna yan Dre. Iiyak din yan pag ginantihan mo na.
"Bahala ka diyan" sagot ko sa kanya saka pumasok na muna sa kuwarto ko. Iniwan ko na muna si Joey na mag-isa dun sa sala. Sa bagay, ayaw naman ata niya ng matinong kausap eh kaya ayun. Baka masapak ko pa siya pag ipinakita ulit niya sakin ang mukha niya. Mamaya na lang ako lalabas kapag andyan na sina tita Aicelle at tito Fred.
7:54 na nang magising ako. Nakatulog ata ako kakabasa ng encyclopedia. Matatalinong bata lang ang nagbabasa nun. Kaya ini-scan ko lang ang pages ng libro at patingin-tingin lang ako sa mga weird pictures na madadaanan ko. Matalino naman ako eh, kaso hindi na ako bata. Bumaba na ako sa sala para makita sina tita. Alam kong may pasalubong na naman silang dala para samin ng pinsan ko.
"Dre, mabuti naman at bumaba ka na galing sa kwarto mo. Kung hindi, hindi ka talaga makakatikim ng mga inuwi ko para sa inyo" natatawang sabi ni tita Aicelle habang nakatingin kay Joey na kumukuha ng limang sticks ng pork barbeque at dalawang chicken legs. Grabe talagang kumain ang bruhang to, akala mo ang laking tao kung kumain. Pero in fairness, fit na fit parin ang katawan niya kahit ang dami niyang kumain.
"Kumuha ka na at baka wala nang maitirang pagkain yang pinsan mo para sayo" anyaya ni tito Fred
Tumango lng ako at saka kumuha ng tig-isang pork barbeque at chicken leg. Ayaw ko namang tumaba sa first day of school ko noh. Ang bilis ko kasing tumaba eh. Feeling ko papalitan ko na lang yung sinabi ko earlier. Baka sa piggy talaga ako ipinaglihi at hindi sa anghel. Buti nga at naisipan nina tita at tito na dumaan sa jollibee. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakain ng chicken joy tsaka jolly spaghetti eh.
After having our dinner, I went to my room to sleep. Siyempre hindi ko nakalimutang mag toothbrush at maligo noh. Kanina ko pa kasi binabalak na maagang matulog para maaga akong makagising bukas.
"Mauna na ho akong matulog, good night ho" said I while walking up the stairs.
"Good night Dre" sagot naman nila sa akin
Cringg! Cringg!
Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang alarm clock ko. 5:15 pa lang ay bumangon na ako. Ayaw ko namang ma-late sa first day of school noh. Hindi excuse para sakin yung na-late kasi first day of school. Ano yun? May pasok kana bukas tapos hindi mo pa alam kung anong oras yung flag ceremony niyo. Anong akala mo? Recess magsisimula yung klase niyo? Importante ang bawat segundong dumadaan sa buhay natin. Time is Gold ika nga. Sa loob ng isang segundo lamang ay maaari nang mawala ang mga importanteng bagay sa buhay natin. Kung pwede ko nga lang talagang maibalik ang mga araw na kasama ko pa si mama, ibabalik ko nang walang pag-aalinlangan. Kung pwede lang sana.
YOU ARE READING
Two Quodes
Mystère / ThrillerAll for one. One for all. Everyone have their specialties as everyone have their own weaknesses. There is never a person who can manage to do anything without the help from anyone. Five young detectives collide for One puzzling case. Problems are...