Pride

76 0 0
                                    

Para lang di moko iwan mag-isa.
Para lang di ka mawala.
Para lang manatili tayong dalawa.

Akala ko dati tama.
Akala ko walang masama.
Akala ko dahil mahal kita, tama lang na ako lang yung umuunawa.

Akala ko walang masama na ako lang yung nagpapaubaya

Na sa bawat pag-aaway, ako lagi ang sumusuyo kahit hindi tama.

Na ako lagi yung unang nagbibitaw ng mga salitang "mahal kita walang iba, nag iisa ka" at yung ako ang humahakbang, yayakap at bibigkas ng "Sorry na. Wag na nating pahabain to, Ayokong makipag-talo sayo."

Na ako lagi ang lulunok ng pride dahil alam kong hindi mo gagawin para satin to! o para sakin. para lang maging okay tayo.

Hindi ko pinagsisisihan na ako ang first move sa lahat ng to.
pero alam mo kung anong pinagsisisihan ko?

Ginawa ko yan sa maling tao.
na sana ganito, na sana ganyan, na sana hindi ko dapat ginawa sayo.

Lahat ng kayabangan ko nilunok ko para lang mag-stay ka.
Gusto kong bawiin bigla.
Maibabalik mo pa ba?
Pwede ko pa bang iluwa yung nasabi ko na.

Nasayang yung bawat pag buntong hininga
yung bawat pagpikit ng aking mga mata
para lang sa pride na pilit kong ibinababa
dahil akala ko yun ang paraan para manitili ka.

Para mag stay ka.pero
Hindi din naman diba.
Hindi dahil naghanap ka ng iba.
Kulang pa ba?
Sa tingin ko nga sumobra na.
Ang daya!
Dahil hindi ko manlang naramdaman.

Hindi ko manlang naranasan yung mga bagay na pinaranas ko sayo.
Kung ano ba sa pakiramdam yung may taong takot din na mawala ako.

na may taong takot din na iwan ko.
na may taong kayang tapatan yung pagmamahal ko.

Na may taong kaya ding gumawa ng tama para tumagal tayo.
na may taong ipapaalala sakin na give and take ang pagpasok sa relasyon na'to.

Spoken Words TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon