Chapter One

16 1 0
                                    

Isang text mula sa kaibigan kong si Jasmine ang siyang umagaw sa akin ng pansin. Kasalukuyan kasi akong naka-upo sa classroom namin at nakikinig sa discussion nang aming teacher sa Filipino. 

[ Ariana, party sa house!!!! Ano CARPS? ] - Jasmine

Itinatago ko ang aking cellphone sa tabi nang palda ko upang hindi ako mahuling gumagamit nang phone sa school namin.

[ Hmm... Hindi ako pwede... ] - Text ko sa kanya

Mabilis naman siyang nagreply at kaagad ko 'tong binasa. 

[ Ang KJ mo! sumama ka na atsaka kasama ang crush mo si Jacob! ] - Jasmine

Para bang bigla akong nagka-interest sa text niya at 'di nagdalawang isip na sumama nang malaman ko na ang ultimate dream guy kong si Jacob Santino ay kasama sa gagawing party sa bahay ng friend ko. Si Jacob Santino, 16 years old, kasi ay ang varsity player at ultimate crush nang lahat dito sa Hinron High, maganda ang pangangatawan, mayroong nakakatunaw na titig, makapal na kilay at natural na mapupulang labi. S'yang, s'ya talaga ang iisipin mong type nang lalaki para maging boyfriend mo. By the way I'm Ariana...hindi Grande kundi Venti...Ariana Venti, 16 years of existence at kasalukuyang nasa grade 10 na. Naalala ko pa noong nasa sophomore pa ako, talagang panay ang pagsunod at pagtatago ko sa tuwing nakikita ko si my love, Jacob. 

Lagi pa nga ako noong nagsusulat nang love letter sa kanya pero lagi ko siyang nakikitang itinatapon lang ang mga iyon sa basura. Huhuhu *sad* *sad* pero hindi pa rin ako susuko para sa kanya! laban lang girl!

[ Sige, sasama ako pero saglit lang ako, a] - text ko sa kanya.

Ipinasok ko na sa loob nang bulsa ko ang phone ko at nakinig na kay sir Martin, teacher namin sa Filipino.

 Para tuloy nakaramdam ako nang excitement dahil makikita ko ulit si Jacob. Hindi ko kasi classmate si Jacob dahil nasa section one siya at ako naman ay nasa section two. Classmate siya nang friend kong si Jasmine. Dati ay nasa mababang section ako at dahil kay Jacob ay pinilit kong mag-aral nang mabuti hanggang sa maka-abot sa section kung nasaan siya. Nalungkot ako dahil akala ko talaga magiging classmate kami ngayong grade 10 pero hindi pala. Fuiii!

Sa darating na grade 11, ano kaya ang kukunin niya, susunod ako kung nasaan siya! dahil ganyan ako kadesidido para sa kanya! I love you Jacob!


Matapos ang klase ay kaagad akong pumunta sa banyo para mag-ayos, koting pulbo at liptint "ayan perfect na!" sabi ko sa sarili ko sa tapat nang salamin.

"Aray!" sambit ko nang paglabas ko ng pinto nang banyo ay may nakasalubong akong tao. Napatingin ako at una kong napansin sa kanya ang bakas nang labi ko sa maputi niyang uniform. 

"Fvck!" malakas niyang sabi nang makita ang pulang marka sa uniform niya sa bandang dibdib na mula sa liptint ko.

"S-Sorry!!" sabi ko at pinupunasan pa ang mantsa sa damit niya pero lalo lang itong kumakalat.

"Sa tingin mo matatanggal mo 'yang mantsa sa ng labi mo sa damit ko?! Hindi na 'no! Kaya ibili mo ako nang bago!" galit na sabi niya sa akin. 

Ang lalaking nabigyan ko nang kiss mark sa uniform ay ang isa sa mga hearttrob ng school. Si Kristoff Alonte, mayaman ito at tulad din ni Jacob isa ring varsity ng basketball at anak ng business man kaya yayamanin. Maraming babae ang umaaligid sa kanya pero wala akong pakialam dahil sa kayabangan at kasamaan ng ugali niya. Nasa section one rin siya at matalino pero bobo naman ang attitude!

Tila nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. "Napaka-konti lang nang marka! atsaka pasalamat ka nga, e, labi ko ang dumikit diyan 'no!" pagmamalditang sabi ko sa kanya.

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon