Chapter Two

6 1 2
                                    

"Mom I'm home..." sabi ko nang makapasok na ako ng bahay namin. medyo nahihilo at nasusuka pa ako dala siguro ng sinasabi nilang hangover. Ganito pala ang pakiramdam, masakit sa ulo at feeling ko ang dry-dry ng balat ko. 

Napansin kong wala si Mom sa bahay. Nakakaramdam ako na para bang bumabaliktad ang sikmura ko at kaagad akong napatakbo sa CR. Sumuka ako at napaka-asim ng pakiramdam ko. 

"Hindi na talaga ako iinom!" pinangako ko sa sarili ko matapos ang nanyari sa akin. Kumain muna ako ng breakfast at kaagad akong dumiretso sa kama ko, medyo tinatamad kasi ang pakiramdam ko at inaatok pa. 

Muli akong bumangon sa kama dahil muli kong naramdaman na naduduwal ulit ako. Tumalilis ako ng takbo patungo sa banyo at muli akong sumuka. 

"Huhuhu..."

Narinig kong tumunog ang gate namin. 

"Nandito na si mom!" kaagad kong binuhusan ang suka ko upang hindi niya ito makita at  nagmadali akong bumalik sa kama ko. Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko at nagkunwaring tulog. 

"Narito ka na pala..." sambit ng mom ko pero hindi na siya nagpatuloy na pumasok sa loob ng kwarto ko dahil inakala niyang natutulog pa ako. 

I really hate this feeling...Isinusumpa ko na talaga ang alak. Mga ilang oras muna akong nagpaikot-ikot sa kama bago ako tuluyang makatulog. 



Monday

5.00 am

"Kamusta ka na Ariana?" sambit sa akin ni Jasmine nang magkasalubong kaming pumasok sa paaralan namin. 

"Okay naman, bakit?" 

Inaayos ko ang clip na nalalaglag sa buhok ko. Bumabagsak kasi ang bangs ko na sumasagabal sa paningin ko at baka mamaya ay akalain pa nila akong emo. 

"Hindi mo ba alam ang mga pinaggagagawa mo noong isang gabi?" 

Muli kong inalala ang lahat kung saan ang tanging natatandaan ko lang ay nasukahan ko si Caleb--

"OMG!! nakakahiya! sana ay hindi mag cross ang landas namin ni Caleb! at nang masukahan ko siya ay pumunta ako sa banyo kasama ka at hinatid ako nila Jacob sa kwarto. 'Yun lang naman ang mga naaalala ko" sabi ko sa kanya at muling nalaglag ang clip ko at pinulot ko ito.

"'Yung kiss, hindi mo maalala?" tanong sa akin ni Jasmine

Napaisip ako sa sinabi ni Jasmine. Wala naman kasi akong alam na kiss...a! 'yung kiss namin sana ni Caleb sa spin the bottle na laro namin pero hindi natuloy.

"'Di ba, hindi naman kami natuloy magkiss ni Caleb dahil nasukahan ko siya?" sambit ko

Napakamot pa sa ulo si Jasmine. 

"O my gosh, you really don't remember that kiss? haha...you're too drunk that day Ariana!" 

Nangamba ako sa pagsasaad ni Jasmine. Para bang may nagawa ako na hindi ko alam at ang lasing na kaluluwa ko ang umangkin sa katawan ko para gawin ang bagay na iyon. 

"Kiss?! kanino?!" 

Napatingin pa sa akin ang guard ng school. Hinila ako ni Jasmine sa sulok kung saan walang makakarinig sa pag-uusapan namin. 

Hinawakan pa ako ni Jasmine sa magkabilang balikat ko at niyogyog ang katawan ko. 

"You kissed Jacob!" 

Nanlaki ang mga mata ko sa balita ni Jasmine.

I kissed Jacob?!!!! The fvck!! I couldn't believe my ears!! I really did that?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon