He is Totally Inlove with a Promdi Girl

25 1 0
                                    

COPYRIGHT 2014 @ khimibellymu/khimgee

ALL RIGHTS RESERVED

   No part of this document may be reproduce or transmitted in any form, without the permission from the author.

  

PROLOGUE

Naranasan mo na bang mamuhay sa lugar na hindi mo kinagisnan?

Yung para kang iba sa lahat. Parang may iba sayo na hindi nila tanggap.

Sa lugar na nagmistula kang isang allien?

Pero, hello? Hindi ako allien no. Kakaiba lang talaga ang ganda ko.

Mula sa pinagkukunan ng palay,isda,tinapay,mais at kalabaw! Sa lugar kung saan madalas marinig ang salitang 'neh~ o noh at eka'

Ang Rice Granary of the Philippines...

Nueva Ecija!!!

Ako nga pala si Vensie Asuncion.

Oh diba? Pangalan palang pang mayaman na. Pero hindi. Hindi ako mayaman.

Isa akong CHIX,isang kahig isang tuka, kung minsa'y kahig na nang kahig wala pang matuka. Chos!

17 years young at naniniwalang maganda ako sa paningin ng bulag.

Hindi kasi ako yung tipong ikapapalipit ng leeg mo pag dumaan ako. Pero HINDI AKO PANGET HA! Basta parang coke,sakto lang.

Normal teenager lang naman ako.

Para saken.

Pero sa kanila....

"Look girl! May nakapasok na manang sa school" - Payaso #1

Yan. Ganyan sila mag-good morning saken.

" Ano kayang tinitinda ni manang? Bibingka? Puto bungbong."

- Payaso-much-kolorete

"HAHAHAHA! weirrrrrd."

Eka ni payaso #1 sabay tingin sken mula anit hanggang kuko.

"Anong sabi moooo"

Hindi na ko nakapagtiis. Sinugod ko na sila. Sinabunutan ko yung isa at hineadbang.

" Muka man akong tindera ng kakanin. MAGANDA AKO. At kahit magtinda ako at maglako maghapon.....MAGANDA AKO-HEALTHY-MAY DIGNIDAD-EH- IKAW?-MAGANDA-KA-BA?"

Nahilo ata sya sa ginawa ko kaya naman natumba sya.

" At ikaw naman"

Hinarap ko naman yung payaso-much-kolorete.

" School to. WaLa ka sa children's party. Di mo kaylangang mag malapayasong make-up"

Nag fistbump pa ako nyan bago ko pinaikot ang kamay ko at isinuntok sa fallopian tube niya.

---

Paano ka nga ba mamumuhay sa isang lugar na ngayon mo lang napuntahan?

Paano ako makikisalamuha sa mga taong malayo sa kinagisnan kong pamumuhay?

Samu't saring tanong ang nagrarambolan sa isip ko.

Anong magiging buhay ko dito? Tulad din ba sa aming probinsya?

Anung magiging buhay ko dito bilang isang  PROBINSYANA?

---

hello\^O^/

First story ko po ito,so don't expect na sobrang ganda nito.Pero sana po magustuhan niyo at suportahan. Please do comment and vote po. Paki Follow narin po.....

By the way, binura ko na po yung 'My promdi Girl' marami po kasing katulad e. Pero ito din yung laman ng story.

Salamuch

He Is Totally Inlove With A Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon