1

332 21 14
                                    

    HE WAS STANDING ON THE BALCONY of the big black mansion of the Macedonios, silently watching the welcome back party for his Mom. Bored and not interested with these kind of events, he choose to leave the party earlier and went back to his room to sleep. But he couldn’t fell asleep and found himself on the balcony.

    Blangko ang ekspresiyon ng mga mata ni Charles habang nakamasid sa malawak na hardin ng kanilang mansion at kung saan kasalukuyang idinadaos ang party. Napaisip tuloy siya kung bakit hindi siya katulad ng mga bisita nila na nae-enjoy ang mga parties o ang magsaya ng magdamag ng hindi nakakaramdam ng boredom at pagod. Ibinulsa niya ang kanyang magkabilang kamay sa pamulsahan ng kanyang pajamas atsaka siya umalis mula sa pagkakatayo sa balkonahe at bumalik sa loob ng kanyang silid.

    “Why are you in your pajamas already?” his Mom surprisingly walked into his room and asked him.

    “I don’t want to party all night, Mom,” sagot niya rito at pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama sabay pikit ng kanyang mga mata.

    “Charles? Anak? Hindi mo man lang ba ako pagbibigyan maski ngayong gabi lang na ipakilala ka sa elite society at sa mga kaibigan ko?” namaywang ang Mommy niya habang naglalakad palapit sa kanyang gilid upang tapikin ang kanyang braso. “Charles!” she shouted.

    Bumuga siya ng malalim na hininga at napipilitang nagmulat ng mga mata bago siya bumalikwas ng bangon. “Mom, please! Leave me alone!” ganting sigaw niya sa ina. “You and Dad taught me how to live my life without the both of you. Tapos kapag bumabalik kayo galing ibang bansa at kung saang lupalop man ng mundo puro parties at social gatherings pa ang inaatupag niyo imbes na ibigay niyo naman sana sa akin ang buong atensiyon at oras niyo. Kasi kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagiging magulang niyo sa akin. So please respect my decision just this time. Can you, Mom?” mahaba niyang litanya at hindi na rin niya naitago ang matagal na niyang kinikimkim na sama ng loob.

    “C-Charles?” utal at hindi alam ang sasabihing bulalas ng Mommy niya. Nakatulala ito sa kanya at hindi makapaniwala sa mga binitawan niyang salita.

    “I’m not going to your party, so leave me now,” his voice was filled with finality. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa kanyang kama at nagtalukbong ng kumot. Gusto niyang ipakita sa Mommy niya na hindi na siya interesadong kausapin pa ito.

    Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, narinig niya ang papalayong tunog ng heels nito hanggang sa pagsara ng pintuan ng kanyang silid. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at pilit pinipigil ang mga luhang nagbabadyang bumuhos dahil sa disappointment na nararamdaman sa kanyang mga magulang at kung gaano siya nasasaktan sa paraan ng pagtrato nila sa kanya. Na para bang wala siyang halaga sa mga ito, nakikita lamang siya ng mga ito sa tuwing kailangan nila ng anak o ng tagapagmana na ipapakilala sa kanilang mga kaibigan at kasosyo sa mga negosyo.

    Kinabukasan, maaga siyang gumising at gumayak para pumasok sa kanyang unang klase ngayong umaga. Kahit na may tatlong oras pa bago iyon magsimula ay nagdesisyon na siyang pumasok sa university para iwasan ang Mommy niya.

    Napili niyang gamitin sa araw na ito ang kanyang asul na sports car. Dahil hindi siya nag-agahan sa kanila, dumaan muna siya sa café malapit sa university kung saan paboritong tambayan ng mga estudyanteng katulad niya. Naglalakad na siya papuntang counter nang mamataan niya ang isang dalaga na hirap makapasok sa loob ng café dahil sa dami nitong dalahin. Bumalik siya sa may pintuan upang pagbuksan ito.

    “Uh… T-Thank you,” mabilis nitong pasasalamat sa kanya habang pilit hinihigpitan ang pagkakahawak sa buhat buhat nitong mga gamit kahit na parang susuko na ang mga kamay nito. Sinipat niya ang mga gamit na dala nito, isang harp, painting canvas, mga libro, maliit na speaker at may gitara pa itong nakasaglay sa likod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon