Office
"Ms. Celeste Almira Santiago?"
Napabaling ako sa mahinang tawag ng isang estudyante sa labas. Bahagyang naka-angat lang ang mukha niya na parang nahihiya.
Nang makita akong nakatingin na sa kaniya ay gulat na gulat siya. Problema nito?
"Yes miss?" Tanong ng guro nang mapansin ang tulalang estudyante sa labas na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.
"M-Ms Celeste A-Almira S-S-Santiago d-daw po Ma'am. T-tinatawag sa office," halatang kinakabahang aniya habang payuko-yuko kapag nakikitang nakatingin din ako sa kaniya.
Bumaling naman sa'kin ang guro at ngumiti sabay kuha sa call slip na hawak ng estudyante at pinaabot sa'kin. Nag-angat ulit ng tingin ang estudyante at dali daling umalis nang makitang nakatitig parin ako sa kaniya.
Tumango ako at tumayo para kunin ang call slip saka lumabas para pumunta sa principal's office na nasa west wing ng 4th floor.
Mapapasabak pa yata ako sa mahabang lakaran at akyatan dito. Nasa 2nd floor pa ako at east wing pa. Tsk tsk tsk.
I don't have that much of stamina to last that distance. I don't even exercise at home.
This is gonna be tiring.
Napabaling ako sa hawak na call slip na may nakalagay na pangalan kong naka-All Caps at 'To the office' naman ang nakalagay sa ilalim na may pirma ng hindi ko pa nakikitang principal.
I guess I have no choice.
Naririnig ko ang iilang bulungan ng mga kaklase ko. Paano eh bibihirang matawag sa office, kung hindi pa imposible. Kahit nga gumawa ng malupit na kabalbalan ang mga tao dito hindi naman sila natatawag.
But why me? Anong ginawa ko?
Labag man sa loob ay nag-umpisa na akong maglakad sa kahabaan ng hallway para makarating sa stairs na nakakonekta sa 3rd floor. Sa haba at dami ng baitang ng hagdanang 'yon ay halos pagpawisan na ako agad ng makarating ako sa 3rd floor.
Bwiset langit ba 'to?
Paano kinayang akyatin 'to ng principal? This is like... the best way to develop asthma.
I breathed deeply and turned to meet another set of steps on the stairs that connects the 3rd floor to the 4th floor. Tiningala ko ang matangkad at may daan-daan din yatang baitang na hagdanan.
Hays.
Mabagal ang akyat ko at kada tatlong baitang ay namamahinga ako.
Pawis na pawis na ako at parang bibigay na ang mga binti ko ng nasa huling baitang nalang ako. Halos gapangin ko na ang huling baitang para lang makarating sa main ground ng 4th floor.
I almost heard the call of Thanatos. I'm starting to feel the brink of death in my toes that I have to check my heart if it's still beating or my breath if it's still warm or it might have turned cold.
"Haaaaa... haaaaa,"
"O dear,"
Napaangat ako ng tingin at isang babaeng may kulot at mahabang buhok ang nakayuko sa'kin, isang pulgada lang ang layo sa mukha ko.
Napaatras ako ng biglaan at nanlalaki ang matang tinitigan siya. Muntik pa akong mahulog sa hagdanan kung hindi ko lang nakontrol agad ang balanse ko.
"Finally you're here,"
![](https://img.wattpad.com/cover/156485259-288-k936042.jpg)
BINABASA MO ANG
We Are The Gods
FantasyEverything we built started crumbling into pieces. The place we thought we're building were actually ruins that made us believe was whole. Our once mighty kingdom has fallen, and we swore to build it once again, after all of this, and after everythi...