Kabanata 1

155 5 1
                                    

Kabanata 1

-I can't believe-

Ng matapos ang freshmen walk, orientation at kaunting program para sa baguhang estudyante ng Westville High, dumeretso kaagad ako sa mini park ng subdivision namin. Umupo ako sa dulo ng slide at nahiga. Sinaksak ang headphones ko at pinikit ang mga mata. Sa tingin ko dito na ako aabutan ng umaga, madilim na kasi.

I'm friends with the monster

That's under my bed

Get along with the voices

Inside of my head

You're trying to sa--

Biglaan kong natanggal ang headphones ko ng naramdaman kong may kumalabit sa left shoulder ko. Napatingin naman ako sa isang lalaking hula ko, magkasing-taas lang kami, magulo ang kanyang straight na buhok. Tumayo ako para mas makita ang mukha niya, tingin ko may lahing koreano siya. Medyo singkit, makikinis at maputi ang balat. Timing naman kasi na nakatayo siya sa liwanag ng street light.

"Hey!" naantig naman ako sa realidad ng winagay-way niya ang kamay niya sa mukha kong nakatitig sa kanya. Nag-iwas lang ako nag-tingin. "Sobrang gwapo ko na ba at ganyan ka makatingin?"

Bumaling ako sa kanya at tiningnan ng medyo naiirita "Is that how you talk to strangers?"

"Taray naman nito, biro lang yun" aniya.

"Okey then. Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Taga-dito ka ba miss?" tanong niya naman. Tumango ako.

"Ah, so magkapit-bahay pala tayo?" dagdag pa niya.

Nagtaas lang ako ng isang kilay at nagsimula ng maglakad papalayo sa kanya. Hindi ko kasi siya ma-gets, and I don't talk to wierdos.

"Miss wait!" narinig ko ang maiingay niyang sapatos na tumakbo at sumabay sa paglalakad ko paalis ng mini park.

"Bagong lipat kasi ako dito, kaya wala pa akong masyadong kaibigan" aniya. Hindi ako kumibo at dumeretso lang sa paglalakad. "Uh, naiintindihan ko naman kung bakit ka galit. Sobrang yabang ko ata kanina. Pasensya na."

Bumuntong-hininga ako at bumaling sa kanya "It's okey" nag-smile ako ng pilit.

"Ako nga pala si Dhave" aniya sabay abot ng kanang kamay.

Napatawa nalang ako at lumiko dahil katapat ko na ang bahay namin. "Oy teka, anong pangalan mo miss?"

Tiningnan ko ulit siya at ngumiti, pumasok na ako ng gate at sinarado ito. Si Dhave parang-nafreeze ang paa at nanatili sa kinaroroonan. Inikot ko na ang door knob para pumasok.

"Miss, by the way. Ang ganda mo!" nakapasok na ako sa bahay ngunit narinig ko pa rin ang sigaw niya. Sumandal ako pintuan at napatingin sa ibabaw at ngumiti na halos umabot na ito sa tenga. Ganito pala ang pakiramdam na may nakakapansin sa iyo, at pinapagaan pa ang pakiramdam ko. Parang nabawi ang sakit sa panghuhusga sa school kanina sa pakikipag-kaibigan ni Dhave at nag-complement pa na ang ganda ko daw.

Sumilip ako sa bintana malapit sa pintuan, at nakita ko sa Dhave na papaalis na. Huminto siya, biglang nag-abot ang mga tingin namin. Nakita kong kumaway siya gamit ang dalawang kamay, itinaas niya ito at sinamahan pa ng napakagandang mga ngiti niya. Agad kong sinarado ang kurtina at palihim na ngumingiti.

Nadala ko ang mga ngiting iyon hanggang sa pagtulog ko. Pakiramdam ko, magiging magkaibigan kami. Siguro nahihiya lang ako kanina, dahil matagal na panahon din akong nawalan ng mga kaibigan. Siguro naman, panahon na para maging masaya ako. Thanks to you Dhave.

*tok,tok,tok*

Napatingin ako sa pintuan dahil may kumatok "Angel" pumasok si Auntie Odeth, ang katulong namin napinakamatagal na nag-serbisyo sa amin. Dala-dala niya ang tray ng pagkain.

"Maghapunan ka muna" inilapag niya sa study table ko ang tray. Tumango lang ako at ngumiti.

"Sya nga pala, nagpadala ang mommy mo kanina ng package. Nilagay ko nalang sa walk-in closet mo" Aniya.

"TALAGA PO?!" ngumiti ako ng mas malaki at nasiyahan sa sinabi ni Auntie. Tumakbo ako sa walk-in closet ko, si Auntie ay lumabas rin ng may guhit na ngiti sa mga labi.

Dumungaw sa akin ang maliit na box, kinuha ko agad ito at nilapag sa kama. "Hmmm..." bulong ko sa sarili habang ginugupit ang masking tape na naka-cover dito. Ba't ba kasi mahigpit mag-cover si mommy? Ayan tuloy nahihirapan ako.

Pagkatapos kong magupit lahat, ngumiti ako ng MALAKI nung makita ko ang naka-pile na books sa left side ng box.

"Oh my gosh, my faves and now my new babies" niyakap-yakap ko ang anim na maliit na libro. It's just reading is my hobby.

"Whoa.." napahugis 'O' naman ang bibig ko ng makita ang new redish boots, and this soft texture within it. Mommy, grabe. Thanks a lot. I'll be good I promise.

Napatigil naman ako sa pagyakap sa boots ng makita ko ang bunch of clothes sa right side ng box. Una high-waisted dark blue shorts ang sumunod ay longsleeve black shirt, another high-waisted black shorts at tight jeans. And then this blended from black to white top, with a word 'Unique' on its front.

Lastly, this flowy, plain pink dress. "Ugh, I hate pink!" itinapon ko sa laundry box ang dress. It's just, I hate girly stuffs or colors. Hindi ako lesbian, pero pink is not fit with me.

Niligpit ko na lahat ng padala ni mommy at natulog na kaagad pagkatapos kumain ng hapunan.

Kinabukasan sinout ko ang tight jeans at bagong boots ko, and paired these with my white loose v-shirt. Nakayuko akong pumasok sa school. Unang klase ko ang 'Physics'. Hinga ng malalim- bago ako pumasok sa air-conditioned, wide, arranged seats, tidy room. Pinagtitinginan pa rin ako habang pumapasok. Umupo ako sa may likuran.

Hanggang sa matapos ang klase, nanguna itong gwapo, formal looking, respetadong mukha ng lalaking nagngangalang Enzo Khyle Montes. E, sa laging kamay niya lang ang nakikita ko pagmay-tanong si prof, matalino kasi. Hula ko ka-batch ko rin ito.

Mamayang 3:00 pa naman ang susunod na klase ko kaya naisipan kong tumambay sa underground parking area ng Westville. Kasi dito walang tao, kaya walang panghuhusgang nagaganap. Nakaupo lang ako sa likuran ng pick-up car. Isasaksak ko na sana ang earphones ko ng makadinig ako ng sigaw.

"Tulong!" napalingon ako sa paligid, nakita ko ang shadow na hula ko nangagaling sa tabi ng CR sa dulo nitong parking area. Agad akong tumalon sa pick-up at tumakbo doon ng mabilis.

Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang lalaking binubug-bug ang isang menorde edad na lalaki, na sa pananamit ay masasabi mo ng palaboy. Nagdurugo ang ilong at mga labi nito. Tutulungan ko sana siya ngunit natatakot ako, kaya nagtago muna ako sa pintuan ng CR at marahang sumilip sa kanila, ng biglang.

"AAAY! ANAK NG TATAY MO!!" mismo ako nagulat sa naisigaw ko ng may pusang tumilapon sa ibabaw ko, kaya napatakip ako ng bibig. Sumilip uli ako ng dahan-dahan.

"AAAAAHHH!!" nagulat nalang ako na dumungaw ang lalaking ito, na kunting-kunti nalang ang gap ng aming mga ilong.

Pero ikinagulat ko pa lalo ng malaman kong ang lalaking ito, ay di kapanipani-walang magagawa niya ito. Siya lang naman si ..

.

.

.

.

.

.

ENZO KHYLE MONTES.

Angel Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon