Luha

7 0 0
                                    

Luhang nag-uunahan sa pagpatak,
Lungkot na muli't muli ako'y hinahatak.

Mahal....
Kumirot ang puso ko nung nung nalaman kong di pala ako kilala ng kaibigan mo,
Naniwala ako sa sinabi mong bukambibig mo ako pero mahal, bakit?
Masakit sa akin dahil kahit pamilya mo di ako kilala,
Mahal kita kaya naiintindihan ko, pero bakit?

Paulit ulit kong tinatanong kung bakit ganito?
Bakit mo ko tinatago sa lahat ng kakilala mo kung ako ang girlfriend mo?
Masakit mahal inaamin ko,
Pwede bang minsan ipagsigawan mo na mahal mo ako?

Tatlong salita lang naman ang pangalan ko
Pero bakit?
Bakit hirap na hirap kang bigkasin ito?

Ilang araw ang nagdaan,
Nalaman ko,
nalaman ko na may iba ka raw na ipinakilala sa pamilya mo,
Mahal? meron ka rin daw'ng ipinakilala sa kaibigan mo.... at mahal? Sabi nila bukambibig mo raw ito.

Di ko alam ang sasabihin ko,
Naghahanap siguro kung ano dapat irereact ko,
Naguguluhan siguro kung ano rin dapat ang gagawin ko.

Tama nga sila, luha nalang ang silbing dadaluhan mo,
At sabi nila t'wing lumuluha ka, siya lang ang nandyan para maibsan ang nararamdaman mo.

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now