Ilang taon tayong nagkasama
Simula pagkabata hanggang pagtanda,
Di malimutang saya
Na naidulot natin sa isa't isaSa paglipas ng ilang taon,
Di ko namalayan ang panahon
Nagkaroon ako ng admirasyon
At oo, ikaw aking kababata ikaw yun.Di ko masabi sayo
Dahil ayokong lumayo sa iyo
Ok lang kahit di mo mapansin ito
Basta't nandito ka lang sa tabi koIsang araw nabigla ako
Balita ko may tao na raw'ng nagpapasaya sayo
Biglang kumirot ang puso ko
Pinilit ko na lamang ngumiti dahil yun ang gusto moIlang taon kayong nagkasama
Eto ako, sa likuran ,lumuluha na
Ang sakit kasi nakita kong masaya ka
Di dahil sakin kundi sa piling ng ibaCongrats sa ating dalawa
Dahil nakapagtapos tayo ng kolehiyo na magkasama
Pilit kong ngumiti pag andiyan ka
Sinasakal naman ako t'wing tinatalikuran mo ko't para makasama siyaPilit kong kinalimutan ka
Dahil di ko na kaya ang sakit tuwing nakikita kita
At ngayon napagtanto ko na
Na kailanman wala akong pag asaIto na ang panahon na dapat kalimutan ka
At maging masaya ka sa piling ng iba
Masakit dahil iiwan mo na akong nag iisa
Bahala na basta congrats sayo, kababata at unang minahal ko ikakasal ka na.
