Simula palang nung maging tayo , alam ko na
Alam ko na na di ako dahil mas matimbang sya
Simula palang alam ko na, na sya ang pipiliin mo kung papipiliin kita
Simula pa lang alam ko na mas mahal mo sya.Alam kong tanga ako dahil pinagpatuloy ko pa,
Kasi akala ko magbabago ang pag ibig mo't mananatili ka
Pero lahat ng akala ko wala lang pala
Dahil mas pinili mo sya nung pinalaya kitaAlas onse ng umaga tinext kita
Sabi ko "mahal punta tayo ng mall gagala lang"
Ang sakit nung nag reply ka ng "mahal busy pa ako kaya bukas nalang"
Pero ang totoo nakita kitang kasama mo sya at ang sweet niyo paDi ko namalayan na tumulo na luha ko at pinagtitinginan na pala ako ng mga tao
Kaya umuwi agad ako at nagkulong sa kwarto
Dun ko na realize ang lahat na di talaga ako
Na mas mahal mo sya kaysa sa kasintahan mong ang alam lang ay ang mahalin ka ng todoSiguro tama na ang pagpapakatanga
Napagdesisyunan ko na mamahalin ko muna ang sarili ko't palayain kana
Masakit man ang palayain ka pero yun lang ang magagawa ko para mapasaya kita.
