Nakakapanibago Hindi ko alam kung ano ba ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi ko maintindihan para bang nagkalasog-lasog ang aking katawan hindi ako makagalaw ng maayos parang pagod na pagod ang aking buong katawan, ng iminulat ko ang aking mga mata ay ang una kung nakita ay ang isang babaeng nakaupo sa aking tabi hawak-hawak ang aking kamay nang akoy kanyang nakitang minulat ko ang aking mata ang kanyang mga matang napakalungkot ay napalitan ng saya at ang una niyang sinabi ay
"anak ok kana ba? Kamusta na pakiramdam mo? May masakit paba sayo?
Sunod-sunod niyang tanong. Ang aking ipinagtataka ay kung bakit niya ako tinawag na anak?
Wala naman akong naaalalang may ina ako. tinanong ko ang babae.
" sino po kayo?"
Na ikinagulat naman niya at napaiyak ito na pilit na pinipigilan Hindi ko alam kung ano ang aking nagawa at bakit siya umiiyak ngayon sa aking harapan
"paumanhin po ginang bakit po kayo umiiyak?
At biglang may pumasok na lalaki sa silid na kung saan ako at ang babaeng kausap ko ay naroroon at katulad ng naging reaction ng babae kanina ay nagulat rin siyang makita ako at agad niyang inilagay ang dala niyang pagkain sa isang table na nasa silid na ito at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ng babae
"yanna anak kamusta kana? May masakit paba sayo anak?sabihin mo lang anak narito lang kami ni mommy"
alalang-alalang tugon ng lalaki na agad ko namang sinagot.
"ok napo ako matanong kopo ulit sino po kayo wala po kasi akong maalala eh iwan ko kung anong nangyayari sakin at asan po ako?"
Napalunok ang lalaki at nagkatinginan silang dalawa nang ilang sigundo at pagkatapos ay ibinalin naman nilang dalawa ang tingin nila sakin at nagbuntong hininga ang lalaki bago nagsalita
"Anak si daddy to hindi mo na ba ako naaalala anak si daddy to..."
"Daddy?"
"Oo anak at ito si mommy oh! hindi mo na ba kami naaalala...."
"Ahmmm... Daddy mommy ano po ba nangyari sakin? Bakit po ako nagkakaganito? Bakit hindi ko po kayo naaalala?"
"Ahhhmmm.... Anak wag ka sanang magulat sa sasabihin ko huh"
"Opo mommy gusto ko rin kasing malaman kung ano ang nangyari sakin"
"Oh cge ganito kasi ton anak naaksidente kasi ang bus na sinasakyan niyo nong nagfield trip kayo at sa kasamaang palad ay namatay lahat ng kakalase mo subrang takot namin sa mga oras na yon anak akala namin patay kana rin pero salamat sa diyos at buhay kapa anak nagulat ang lahat ng malaman na ikaw lang ang nabuhay sa aksidenteng iyon" daddy
Nagulat ako sa aking narinig ako lang ang nabuhay sa aksidenteng iyon hindi ako makapaniwala
"Kaya po ba parang nagkalasog-lasog katawan ko daddy,mommy dahil don sa aksidenteng iyon?"
"Oo anak pero wag kang magalala magbabagong buhay na tayo ito na ang bago nating bahay iniwan na natin ang dating nating bahay kaya pahinga kana babay girl labas lang kami ni daddy ha tulog ka muna"
At hinalikan ako sa nou ni mommy at ni daddy at sabay silang lumabas. Ipinikit ko ang aking mga mata at natulog ng mahimbing....
Madaling araw....
(Yanna..... Yanna..... Yanna.....)
"Mmmm.... Sino yan" matamlay kung sabiat bumangon ako at kinusot kusot ko ang aking mga mata at hinanap ko ang tumatawag sakin.
"Sino yan?asan ka?"
Hinanap ko siya sa buong kwarto gamit ang aking mga mata ngunit wala akong nakita sa paligid ko.boses ng batang babae.
YOU ARE READING
THE NEW PSYCHO
RandomOK hi to you my friend this is my first story hope you like it and also enjoy reading OK that's all.... This story is all about the creepy imagination of the author hope you like it. hate gonna hate like will gonna like it's ok to me it's on you my...