THE FIRST BLOODY NIGHT

9 3 1
                                    

Someone's POV

Ipinatawag kaming lahat na mga scientists na nagtrarabaho Kay doctor khen . Ano nanaman kayang gusto ng matandang to at nagpatawag ng pagpupulong nang makarating na kaming lahat sa meeting room ay umopo kami sa nakapalibot na upoan at nagsimula na siyang magsalita..

"OK ipinatawag ko kayong lahat dito ngayon dahil itetest na natin si yanna sa pagiging criminal niya na nagtatago sa kanyang katawan kung gayon ay mapapatonayan na natin na successful ang ating ginawang operation sa bata. (Nagbulongan ang ibang scientist na naririto) at Gusto kung I monitor niyo ang dapat niyang gawin para lumabas ang demonyo niya sa katawan magpapadala ako ng tauhan para susugod sa kanya OK that's all meeting dismissed"

At lumabas na ang lahat sa meeting room ngunit nagpaiwan ako sa silid na iyon kailang ko siyang pigilan sa binabalak niya. Ng makita niya ako ay agad ko siyang nilapitan dahil kami nalang ang natitira dito ay pwede na king magusap ng masinsinan..

"Oh.... Doctor huhulaan ko pipigilan mo naman na ako sa aking pinaplano sa bata? Tama na ako doctor?" Na may halo pang pangaasar sa kanyang tinig...

"Maawa ka sa bata wala siyang kasalanan, wag mo na siyang idamay rito"

"Hahahahahahahaha...... Hindi nga ako nagkalamali hahahahaha..... Akala mo ba ay mapipigilan mo ako wag kang magalala Hindi naman siya masasaktan doctor pangako yan" at binigyan niya akong ng malademonyong ngiti sa kanyang labi

"Eh.. Pano kung masktan siya o kung may mangyari sa kanya anong gagawin ha!"

Tumawa siya ng mahina
"Kung masasaktan siya edi wala na akong magagawa pero imposible namang mangyari yon doctor alam mo naman ang pagkatao ni yanna diba bihirang mangyari iyon sa kanya, OK ganito nalang ikaw ng magmonitor sa kanya para mapanatag naman ang loob mo itetest LNG naman natin siya o sige alis na ako ikaw na bahala"
At lumabas na siya ng meeting room..

Agad akong kumaripas sa computer room para I monitor si yanna...

Yanna's POV
Saturday ngayon kaya wala akong pasok tutulong ako kina mommy at Daddy sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto buong araw kaming naglinis ng bahay at dapit hapon ay nagsimula na kaming magluto ni mommy tuturoan niya ako kung pano magluto ng ulam kahit bata pa ako ay gusto ko na maging magaling sa pagluluto pinilit ko talaga so mommy na turoan ako kaya ayon wala na siyang nagawa kundi turoan ako. Nagsimula kami sa paghihiwa ng mga sangkap...

"Oh siya anak punta muna ako sa kwarto ko ha taposin mo muna yang ginagawa mo magingat ka ha baka masugatan ka"

"Opo mommy"

"Maiwan muna kita rito ha"

At umalis na si mommy habang ako ay nagpatuloy sa aking ginagawa paghihihiwa. Nabigla ako ng maramdaman ang napaka tulis na parti ng kutsilyo sa aking balat, dahil sa pagkagulat ay nabitawan ko ang hawak kung kotsilyo at hinawakan ang parting sa tingin ko ay nasugatan ng kotsilyo pagtingin ko sa aking kamay ay laking gulat ko na walang kahit anong hiwa ang o kahit kunting dugo man lang na lumabas rito. Na para bang ang aking balat ay bihirang masusugatan ng kahit anong matutulis na bagay dahil sa aking pagtataka ay sinubokan ko uling hiwain ang aking kamay at Rama nga hindi ito nasusugatan. dahil sa saya ay gusto kung ipakita at ipaalam kina mommy at daddy ang aking natuklasan sa aking sarili ng magsimula akong maglakad palabas ng kusina ay may nakita akong isang lalaki na may maskara sa kanyang mukha dahil don ay hindi ko makita ang kaniyang mukha. At bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa itaas si mommy! Si mommy iyon sigurado ako siya iyon at tumingin ako muling sa lalaking nasa pintoan ng papalapit siya ay tumakbo ako papunta sa pintoan ng CR namin para doon magtago ngunit nabigo ako hindi ako nakapunta sa CR para magtago dahil na abotan ako ng masamang tao ito hinila niya ako papunta sa sala namin. Pagdating namin sa sala ay bumulagta sa amin si mommy na hawak ng lalaking matangkad at si daddy naman ay hawak ng isang lalaking makisig ang katawan tinakpan nila ang bunganga ni daddy habang si mommy ay malayang nakakapagsalita at ang lalaking humahawak sa akin ay midyo kalakihan rin ang kaniyang katawan

THE NEW PSYCHOWhere stories live. Discover now