BREAK NA TAYO

174 5 1
                                    

03.26.14

10:07pm

BREAK NA TAYO

ang pakikipaghiwalay ay isang mabigat ng desisyon.

lalu na kung malalim na ang inyong relasyon.

kailangan itong pag-isipan nang mabuti.

hindi yung agad-agad o nagmamadali.

lahat naman ng bagay nakukuha sa mabuting usapan,

hindi yung 'bahala-ka-na-lang-dyan'.

di agad binibitawan ang salitang ito,

kailangan isipin kung ano ang nararapat para sainyo.

mahal mo pa ba?

o mas gusto sa kaibigang masaya?

nasa huli nga raw ang pagsisi,

pero matuto ka kasing umintindi.

yung isa makulit,

yung isa naman nagsusungit.

pag nag-inarte na yung babae,

wala pa ring pakialam ang lalaki.

sabi niya 'nakakasakal'!

jusko, panu pa kaya pag sila na'y nakasal?

nasasayang lang ang iyong luha,

lagyan mo na lang ng ngiti ang iyong mukha.

ganyan lang talaga kasakit,

mata mo'y iyo na lamang ipikit.

pilitin mong lumigaya,

sa sarili mo ikaw lang ang makapagpapasaya.

idaan mo ang lahat sa tawa,

o kaya makinig ka sa magagandang musika.

minsan akma sayo yung liriko.

akala mo tuloy buhay mo yung kantang ito.

tama ganyan nga,

idaan mo lang ang lahat sa tawa.

masakit talaga, lalu na't wala kang karamay.

gayunpaman, wag ka na rin humanap ng damay.

ikaw lang naman ang nakakaintindi sa iyong sarili,

yung mga nasa paligid mo parang wala ring silbi.

alam kong mabigat sa damdamin,

pero tingnan mo ang iyong sarili sa salamin.

ang pangit pag nakasimangot.

dapat kung sinong nang-away sayo'y malagot.

kung animo'y wala syang pakialam,

pagaanin mo na lang ang iyong pakiramdam.

hayaan mo sya sa kanyang buhay,

mas gusto niya kasi yung hayahay.

sana maisip rin nya kung san sya nagkamali,

para hindi mo sinosolo yung hapdi.

pero para ka lang tanga!

habang sya nagsasaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BREAK NA TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon