Christine POV:
Grade 10 na ako ngayong pasukan sa Christian Highschool kaya kailangan ko matulog ng maaga para Hindi ako malate.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa alarm ko at sumilip sa bintana. Nakita Kong madilim pa sa labas kaya nagpasya ako na mag - jogging muna dahil 4:00 am pa lang,7:00 am naman ang pasok ko.
Habang pababa ako naamoy ko ang breakfast namin na niluluto ni mama sa kitchen, nakita niya akong pababa ng hagdanan namin kaya tumingin siya sakin.
"saan ka pupunta tine? " Tanong ni mama sa akin
"magjo-jogging po ma" Agad siyang tumango hudyat na pwede na akong lumabas sa bahay.
Dalawa lang kami ni mama sa bahay dahil ang kuya ko ay kasama ni papa sa Korea, may business kami sa Korea Kaya andun sila.
Di ko na namalayan na andito na pala ako sa park ng village namin kaya umupo muna ako sa isang bench para mag pahinga at mag Facebook sandali.
Tumakbo ulit ako at pauwi na ako sa aming bahay, nakarating ako sa bahay ng 5:00 am at nag simula na akong maghanda ng gamit para sa school.
Nagsimula akong maligo bandang 5:00am ng umaga para maaga ako sa school mamaya, pagkatapos ko maligo nagbihis agad ako at nagpatuyo ng aking buhok at nag ayos ng sarili.
6:15 am bumaba na ako sa dining table namin at kumain ng breakfast na niluto ni mama. Hindi ko ikakaila na masarap magluto si mama dahil chef siya dati sa isang sikat na restaurant.
(School)
6:30 am pumasok na ako sa school at nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Sunshine Alonte siya yung kaibigan ko simula Grade 7 hanggang Grade 10 parang kapatid na ang turingan namin sa isat-isa.
"Hoy, Bess na miss kita ng sobra pa sa sobra " Salubong sa akin ni Sunshine
"Namiss din kita Bess higit pa sa sobra " Sabi ko sakanya
Niyakap niya ako ng sobrang higpit at halos di na ako maka hinga sa yakap niya, ganito niya ba ako namiss ng sobra pa sa sobra
"Can't breathe" Agad niya akong binitawan at nag "sorry Bess, namiss lang kita ng sobra" Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa makapasok na kami sa aming room.
Parehas lang kami ng section kasi ayaw niya daw na mag hiwalay kami, tss! Para na siyang paranoid sa pagiging mag bff namin.
Ilang sandali pa lamang akong nakaupo sa pwesto ko biglang nagtilian ang mga babae sa labas at nag bulungan pa
"Ang gwapo niya sobra"
"Oo nga eh, ang hot nya pa" Nagkagat labi yung nagsalita nun tss! Kala mo naman may pagnanasa sa katawan ng lalaki.
Ilang sandali pa nakita ko kung sino ang tinutukoy nila na hot at gwapo pa daw. Nalaglag ang panga ko ng nakita ko kung sino ang tinitilian nila, ito ay walang iba kundi si "Aljay Dominguez" Ang isa sa mga gwapong badboy na sikat dito sa campus.
Isa sa mga bad boys ang kambal ni Sunshine Alonte na si Sunny Alonte. Kambal sila pero magkaiba sila pagdating sa ugali.
Ang ugali ni Sunshine Alonte ay mabait, mapagmahal, mapagmahalaga.
Ang ugali naman ni Sunny Alonte ay ibang iba kumpara sa kanyang kambal.
Habang tulala ako narinig ko ang paghila ng upuan sa tabi ko at nagulat ako kung sino yung umupo..........
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinakabahan po ako ngayon kasi po 1st time ko po hehehe pero don't worry po gagalingan ko po sa mga sumusunod na chapters.. 😇😇~Acin Ellenaj Ozerec~
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Bad boy
Teen Fiction"Ang story na ito ay tungkol sa isang good girl na walang idea na ang magiging boyfriend niya ay isang bad boy " °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Author's name: nica cerezo Age: 13 yrs. Old *by the way this is my first story so don't expec...